i received a text message from a blockmate.sabi sa text:

wowowee

wala ng mawiwili

pagkat sa game na to

ay maraming nagsisisi

wowowee

blah blah blah

di ko na maalala ung karugtong..initial reaction:natawa..pero nung marealize ko kung gano karaming pilipino ang namatay dahil lang sa anniversary ng isang noontime show,tama bang gawan pa ng ganong klaseng message?oh well,di na rin ako nagulat at nagtaka..pinoy nga diba?

marami ng namatay..marami ng nasugatan..ilan pa ang susunod sa kanila?marami din ang nasa kritikal na kondisyon na nakikipaglaban kay ‘kamatayan’,oo ang iba’y nasawi na at tuluyan ng nagpaalam..ang iba’y nakikipaglaban para sa kanilang buhay.,pag nakaligtas?patuloy na naman ang pakikipaglaban at pakikibaka sa mas masalimuot na buhay..minsan iniisip ko.,di dapat namatay na lang diba?tapos na ang paghihirap..

kung iisipin natin.,ang nangyari ay sumasalamin sa ating mga pilipino..oo ikaw at ako..bakit nagkagulo ang mga tao?kase walang sistema ang management.ang gobyerno.,wala ding sistema kaya magulo..bakit nagkagulo ang mga tao? kasi nagpapatayan silang makapasok at nagbabakasakaling manalo ng pera.. easy money eh..napakatipikal na paguugali ng pilipino..aasa na lang sa dating ng swerte.,eh kung di na sila nagpunta at nagtrabaho nalang?un,sure na money eh dun?walang kasiguruhan na uuwi kang may dalang pera..nagkatulakan ang mga tao..bakit?dahil sa PERA..sobrang hirap na nga ng buhay ngayon..pero yung 10 or twenty thousand or even those vehicles na ipamimigay,,katumbas naba ng buhay mo?pero teka..sa hirap nga ng buhay ngayon..malaking pera na din un diba?di nga natin sila masisisi..siguro kung may ‘fourth world country’ dun na tayo napapabilang..tingin mo?

ung nangyari,tingin ko..wake up call na un sating lahat..sa paanong paraan?kung sa paanong paraan mo din naintindihan ang mga nangyari.,at kung pano mo toh maiiaapply sa buhay mo,bahala ka na..iba iba naman tayo ng pananaw diba? masakit isipin na kailangan pa ng madaming buhay ang mabuwis para sa realisasyong di naman tayo sigurado kung na-absorb nga ng mga tao..tsk tsk..

kawawang pinoy..

ikaw at ako..

may pananagutan sa bayan na to..

sana di pa huli ang lahat..

bwiset na buhay toh..makakaahon pa kaya tayo?!

gusto mo pa bang maging pilipino?

*matapos mahimasmasan*

my gosh!!ako ba talaga nagsulat nito?!oh well..nalulungkot lang sa mga pangyayari..gumising na tayo!!pero kelan pa?tanghali na..

Advertisements