i got this from patty’s tabulas site..actually,we both have the same prof in hum. that’s why i knew of this certain poem..yep.,a guy did write this for a girl he really loves,unfortunately, things didn’t go well..

the first time mam ja read this to us,it gave me goosebumps and i almost came to crying..haha funny?im not a sensitive person but this one’s real good it’s a tearjerker.

how many guys would write something like this for that one person they love?not too many..

so much for an intro..

– mesage sent –

hindi mo ba alam na nandito lang ako?
parang tanga na hintay ng hintay sa yo
habang lunod na lunod ka sa pagmamahal mo sa kanya
ako naman isang gago at kalahati na nakikinig
tuwing nagkkwento ka tungkol sa inyong dalawa
nandito ako tuwing kailangan mo ng buffer sa gimik
para di ka mamanyak ng mga lalaki sa bar
nandito ako para painumin ka ng kape
sa tuwing madami na ang nainom mo
para ihatid ka sa inyo para matuwa ang magulang mo
dahil ako ang pinagkakatiwalaan nila
nandito ako tuwing walang susundo sa yo at gagabihin ka pauwi
kahit ang bahay ko ay sa fairview at ikaw ay sa may las pinas
tinitiis ko ang malamig na library at ang mga maalikabok na libro
mahintay ka lang
nandito ako tuwing kailangan mo ng tulong sa taxation
sa nat sci, sa pol sci pati social dance sa PE
nandito ako tuwing gusto mo manood ng sine
na ang palabas ay si sandara at hero at nahihiya ka yayain ang crush mo
nandito ako tuwing nagsesenti ka kung bakit di sya tumawag
kung bakit di sya nagtext
kung bakit hindi ikaw ang kasama nya
nandito ako para sabihin na maganda ka pa din
kahit pugto na ang mga mata mo sa kakaiyak nung tinapos nya
kahit abot abot ang sipon at luha sa manggas ng bagong tshirt ko
nandito ako para sa tuwing kailanganin mo ako
kahit anong oras,
kahit gaano kalayo
gaano ka imposible
nasasawa na ako kakahintay
nasawa na ako ng umaasa
na kahit minsan ay ako naman sana ang nakikita mo
hindi ang ibang tao na palaging nawawala
palagi ka nya sinasaktan at iniiwanan
hindi ko nga alam kung matutuwa ako at magpapasalamat
kasi sa tuwing sya ang nawawala,
ako ang iyong kinakailangan
pero di bale na hindi mo ako kailanganin
basta wag lang kitang makitang nagkakaganyan

pero sawang sawa na ako,
bukas hindi na talaga
lalo akong nagmumukang kawawa
pero kakatext mo lang na kailangan mo ng kausap
ayoko na talaga di ko na sasagutin
ayoko na magpaka gago!
sige, saan ba? puntahan na kita”
MESSAGE SENT.
Advertisements