hindi ako umiinom ng kape. hindi ko rin alam kung bakit.

pero dati yun. tumitikim-tikim na din ako paminsan. tulad ngayon.

*konting kape, 2 kutsarang asukal, tubig na mainit*

wala lang.pampainit ng tiyan.

*haluin*

*ihip,tikim,higop*

teka, alam mo ba yung indie film na “still lives”? naalala ko, tinanong dun nung character ni

nonie buencamino sa kaeksena niya kung ano daw ba tingin nito sa kape.mainit daw. pero

alam mo din ba na kung ano daw ang tingin mo sa kape eh ganon din ang tingin mo

pagdating sa sex?

*ihip nang lumamig*

*higop.yum*

teka,naisip mo na din bang kung ano yung tingin mo sa kape eh pwedeng ganun din yung

tingin at epekto sayo ng pag-ibig?

*higop ulet*

matamis ba? mapait? mainit? nakakapaso.

nagtatagal yung lasa.yung tipong tumikim at kumain ka na ng iba eh nanadun pa din yung

aftertaste.

nagmamantsa sa ngipin. mahirap tanggalin.

*halo ng kape*

*higop*

*lunok*

at higit sa lahat,nakakaadik. kasi kapag nasimulan mo na,mahirap ng ihinto pa.yung tipong

parte na ng buhay mo.almusal,meryenda,bago matulog.

lifeline.

basta mahirap tanggalin sa sistema.

diba di ka pa nga makatulog paminsan?dahl sa kaiinom nito?

*higop ulet*

*lunok*

alam mo ba, yung papa ko, siguro, 3-5 cups a day ang daily intake niya ng kape.mahina na

kung nakadalawang tasa lang siya. parang he needs a daily dose of it dahil nakasanayan na.

may mga ganon naman talaga diba? binubuhay ng kape. pero diba minsan, eto din mismo

yung papatay sayo.

kaya nga ako eh,patikim-tikim na lang.

pahigop-higop.

*ihip para lumamig*

*higop.inom*

siyempre,hinihipan ko din dahil masakit kapag napaso ka. namamanhid yung dila diba?

parang na-stung.

ah..kaya siguro binabawal sa mga bata yung kape noh?

sinasabi lang siguro nila na ‘di lalaki or nakakabobo.

basta bawal.

diba parehas din sila ng pag-ibig?

tsk..dapat pala pinakinggan ko magulang ko.

matamis nga.mainit, nakakapaso.

masarap.

*inom*

aba,huling lagok na pala yun.

at higit sa lahat,nakakaadik.

*timpla ulit ng bago*

Advertisements