hindi ko alam ngunit sa kung anong kadahilanan ay hindi ako makatulog kagabi. ayokong isiping may nag-iisip saken *pero naisip ko din yun!* haha..at dahil nga hindi ako makatulog eh kung ano anong bagay ang naiisip ko..

at dahil sa hindi ako patitigilin ng utak ko hanggat hindi ko nailalabas to,, yung parang dumi..haha..ang baboy ng pagiisip ko..

utang,utang at napakaraming utang. hindi ko rin alam ngunit sa kung anong kadahilanan ay eto yung naglaro sa isip ko..

nakakatawa yung mga taong nangugutang ng piso noh? di kaya limang piso o dalawang piso.kasi naisip ko bakit kaya di nalang nila hingin yung piso? di ko rin naman ipagdadamot yung pisong yun eh. may classmate ako nung high school mahilig siyang manghiram ng piso. at kung bibilangin mo yung lahat ng pisong hiniram nya sa iba’t ibang tao, aba! aabot talaga yun sa malaking halaga. eh may kaibigan ako, tas lagi siya dun humihiram kase nga maykaya. tapos nung napuno na siya sabi nya saken “nakakainis si (insert name here), laging nanghihiram ng piso, sana diba hinihingi niya na lang?” oo nga naman. naisip ko din kase sino namang tao ang maniningil ng pisong utang?pano yun parang “ui, yung utang mong piso bayaran mo na kase naghihirap na pamilya namin..” wahaha.. nakakatawa diba?

isa pang nakakatawa sa nangugutang eh yung ganito. lately lang nangyari at alm kong alm ninyong lahat to. sa text message naman: ” (insert name here) pautang naman ng 5,000 kase nawala yung pera para sa blah blah”..oh-kay..parang nanghihiram lang ng five pesos noh?pero dahil nga sa siguro ay maykaya ang taong hinihiraman ay ayos lang. pero naisip ko pa din HUwat?! pero hindi na lang din ako masyadong nagreak kase naisip ko din, hindi naman saken nanghihiram at wala din naman akong ipapautang.haha.. mabuti na lang at may isang mabuting nilalalng ang nagpahiram ng pera. at bumalik pa siya sa bahay para kumuha ng pera. mabait na, maganda pa! diba joseph?wehehe.. (no pun intended)

si sandra. siya yung bumbay sa lugar namin. matagal-tagal na din siya sa pagpapafive six samen. at suki nya ang papa ko. alam niyo na, kapag pangtuition,kinulang ng pangpabyahe sa truck, pag nakabangga yung truck at kung anu-ano pang kinakailangan ng mabilisang pera. nakakatawang isipin kase kung pakaiisipin mo, ung perang pinapautang niya eh pera nna rin namin. diba? sa laki ba naman ng tubo ng mga bumbay eh..para tuloy ginigisa sa sariling mantika ang mga taong umaasa sa bumbay. naisip nga ng mama ko, bakit daw kaya hindi utangan ng malaki yang mga bumbay sabay babay? o diba?bawing-bawi ka na! pero siyempre joke lang yun,pero totoong may ganong tema ng pagiisip ang nanay ko.,.hahaha

which brings me to the biggest pagkakautang i know. yung utang nating lahat. kung pera-pera ang paguusapan ah..oo, yung utang mo ng pamilya mo ng mga kaibigan mo at ng mga magiging apo mo..yung utang ng pinas. grabe, naisip ko nga eh,,kung laht ng pinoy ay magaambag ng piso-piso araw-araw at ibabayad natin sa pagkakautang natin, malaki kaya mababawas? i mean, pwera yung sa tax ah, kase diba un ung ginagamit sa  bayan(?)  o di kaya lahat tayong may piso eh pupukulin *what a word* yung mga pulitiko ng sabay-sabay. mabuhay pa kaya sila?

grabe..puro utang..

nakakatawa din naman yung mga taong nangugngutang.kase minsan, parang sila pa yung may mga ganang magtaas ng noo pag nagkikita kayo eh haler!ikaw kaya ang may utang! yung tipong ikaw na nagpautang ang mahihiya sa kanya..hahaha..aliw talaga yun.

at yung mga nagpaparamis na magbabayad din sila. kung hindi mamaya,sa isang araw, o bukas. ang hindi naiisip ng nagpapautang ay napakaraming bukas pa na darating..hahaha diba? ang utak talaga..

ito yung sa tingin ko eh dalawang bagay na maaaring makasira sa pagkatao, kredibilidad at relasyong ng isang tao sa isa pa..

sa ngayon..may utang din akong di ko pa nababayaran.pero di ako nangako na babayaran ko bukas nung hiniram ko yun. siguro di na alam ni patty na may utang ako sa kanya, unless mabasa nya to. pero yung pramis kong stripper sa kasal niya, pending pa din yun..hahaha and that i would have to keep..

gotta go look for my yummy stripper..

ikaw,kanino ka may utang?

ciao!

Advertisements