how do you spell ‘malas’?

di mo alam?

oh-kay..i’ll show you how..

first, get sick..and i mean, really sick..yung tipong dadalhin ka sa ospital dahil maysakit ka.. at tuturukan ka ng doktor at sasabihin sayong parang kagat lang ng langgam. don’t ever believe them.kagat nga lang ng langgam but the pain lingers..yes, it does..

second, dahil maysakit ka,um-absent–sa isang klaseng gustung-gusto mong attend-an– dahil sa sobrang sakit ng tiyan. at um-absent ulit sa klaseng magrereport ang grupo mo at mararamdaman mong nang-iiwan ka na sa ere. kahit hindi mo naman ginusto at hindi ka rin nila sinusumbatan.

third, pumunta sa escolta at magmukhang tanga sa harap ng isang piputsuging traffic officer. look stupid and really lost he’ll talk to you just to say:

pipitsuging traffic enforcer (pte): miss may id ka?

nawawalang bata (nb): bakit po?

pte: bawal kasi tumawid dito. alam mo bang jay-walking yang ginagawa mo?

nb: (magtataka dahil marami din namang tumatawid sa gawing yun at magmumukhang natakot dahil 18 na siya at makukulong na) ah, ganon po ba?

pte: may id ka?

nb: wala

pte: (sa isa pang pte) di ba pre bawal tatanga dito sa maynila? (laughs)

nb: (sa sarili) gago pala to eh! nawawala na nga ako eh! fuck you manong! pipitsugin ka lang naman!stupid asshole! isusumbong kita sa tito kong pulis!

at maglakad palayo habang icompose ang sarili para pigilin ang pag-iyak dahil sa labis na frustration.

fourth, magpunta sa event na magtatagal lang pala ng 5 mins. oo, 5 mins. at dahil maysakit ka..sobrang magsisisi dahil masama ang iyong pakiramdam.

fifth, iwala ang celfone. yan ang best way para kumpletuhin ang kamalasan para sa dalawang araw na iyan..

ngayon, ngumiti at sabihing sa sariling marami pang mas malas sayo at hindi pa end of the world!

at sa huli, iblog at ipaalam sa lahat ng taong nakakakilala sayo ang iyong katangahan!

Advertisements