hindi ako nakikinig kay sir roy. at dahil dun, mali ang nagawa ko. at ilalagay ko dito ang bunga ng hindi ko pakikinig.

******************

kaye: hoy! bakit ba tayo naglalakad dito eh pwede naman tayong sumakay?

dave: para i-appreciate ang nature.

kaye: nature-in mong mukha mo! o, ayan. lumot ng intra walls, nature!

dave: napaka-unappreciative nito. tignan mo, ang sarap ng hangin *hihinga ng malalim* hindi na nga na-a-appreciate ng mga tao ngayon ang mga simpleng bagay. ang mga puno, ang pagdampi ng hangin sa balat mo, ang–

kaye: eew ka! ang corny mo! anyway, eto, *iaabot ang sulat* galing kay Cristy,your loves, wooshoo!

*aabutin at ibubulsa lang ni dave ang sulat*

kaye: o di mo man lang babasahin? dali na, para mabasa ko na din. di ka ba interesado dyan?

dave: hindi. hindi ko siya type.

kaye: yabang naman nito! teka, nakakahalata na ko sayo ah! parang wala akong nababalitaang nililigawan mo o crush man lang? umamin ka, bading ka ba?

dave: *magbabading-badingan* hindi ah! huwag kang magpapaniwala sa mga chenelyn na yan! wala lang silang magawa sa mga chenes nila!hmpf!

kaye: *laughs* believable! winner ka sister! pero hindi nga,bakit wala kang nililigawan? gwapo ka naman. kahit crush wala? tsk. bading ka nga.

dave: *laughs* bakit ba pinipilit mo ko?gusto mo sabihin ko sayo?

kaye: oo!

dave: *ituturo ang anino ni kaye* yan. yan ang liligawan ko.

matitigilan si kaye, mapapaisip. titignan niya si dave. pagtingin niya, seryoso na tong nakatingin sa kanya.

kaye: seryoso ka?

dave: oo.

Advertisements