So this is really not that survey na helpful or whatever. Pero kung taga-PLM ka, malamang sinagutan mo to dati. I rarely re-blog surveys because they are old, but this one’s different kasi reminds me of the good old times. Haha!

nabentahan ka na ba nung guard na
bungal ng samba o kung anong panindang
meron siya?
– ung mga blockmates ko, inuutangan pa nga ung isa.ako hinde.haha

eh yung ate na nagtitinda ng masarap
na merienda?
– hinde ako kumakain nung tinda niya!

nasita ka na ba sa gate?
-sinong hinde, sasakalin ko!

nagkamali ka na ba ng pasok sa lobby
na imbes sa ENTRANCE ka pumasok eh sa
EXIT na lang?
– madalas kong sadyain, mas malapit sa GL eh

nadulas ka na ba sa GV?
– social suicide un if ever.haha

naabutan mo ba ung activity center?
– yup

nakatambay ka na dun sa likuran ng
library malapit sa GV?
– malapit dun.nagbaraha sila, lookout ako.haha

nasita ka na ba sa library dahil sobra
ng isang silya yung table niyo?
– san ang lib?hahaha

nakapagroom ka ba sa OL na sarado na
ngaun?
– yup.one word. torture.

kilala mo ba yung WITCH na librarian?
– oo, mukha siyang artipisyal na tao!hindi nakakatuwa.scary.

naranasan mo na ba ung PROPS na aircon
sa GK?
– hahaha.pag exams.

eh alam mo ba na may xeroxan dun sa
College of Law sa 2nd flr ng GK?
– yup!

punta tayo sa GV, nakaakyat ka na ba
sa pinakataas na floor dun?
– di pa, bahay ko ang gl eh.

eh ano naman masasabi mo sa ingay nung
ginagawang bldg dun?
-maingay ba? bastos tumingin ang construction workers, un ang masasabi ko.

may memories ka ba sa GV?
– madami. alam ng block23/33 yan.

kumakain ka ba sa canteen?
– bumibili lang.

kung oo, anong kinakain mo dun?
– bumibili ako ng red tea, bacon mushroom cheese burger, donut,melon!

kung hindi, bakit?
– mainit. kumakapit ang amoy ng canteen within ten seconds. need i say more?

nakakain ka na ba sa UTMT?
– madalas.

tumatambay ka ba sa shed sa catwalk?
– shed ng maskom

nakapanik ka na ba sa 6th flr ng GL?
anong masasabi mo?
– eto lang: hoo! *sigh of relief matapos umakyat*

nagamit niyo na ba ung mga lab sa GV?
anong masasabi niyo?
– uu, anong meron?may gripo siya.haha

nadaya k n b nung nagbibigay ng
equipments para sa chem at sinabing
kulang ung sinoli mong gamit tas
papapalitan sayo kahit wala ka naman
talagang nakuha?
– nde ako kumukuha ng equipment(walang ‘s’). makasira pa ko, di ako makakuha ng clearance.wise to.

nakita mo na ba yung ipis sa lababo sa
chem lab?
– nope

natalsikan ka na ba nung sobrang talim
na tubig galing sa lababo?
– hahaha.oo.ako naghuhugas ng ibang equipment

eh nakabasag ka na ba ng test tube?
– never.

na-try mo na bang gamitin ung coffee
vendo sa 3rd flr ng GL? anong masasabi
mo?
– gumagana pala un?haha.sila sabel oo, adik sa kape.

eh ung nescafe vendo sa Med bldg?
-kasam lang ako nung kumuha.

san mas ok magstay? sa taas o sa
underground library?
– underground.walang kontrabidang masusungit, loveless na menopausal na mga librarian

anong masasabi mo sa lib ng school?
– kulang. as in kulang sa amenities. we comm students still need to go to other libraries for research.

para sa’yo anong pinakamagandang
building sa buong PLM?
– GA! AC na, malaki pa ang possibility na masilayan si bebe adel!*wink

Advertisements