” i’ve had my closure. i’m over you.”

– rachel greene

“you’re over me? when were you, under me?”

-ross geller

F.R.I.E.N.D.S.

 

matagal bago ako nagkaroon ulit ng urge na magsulat. napansin niyo naman, libong taon ang dumaan bago may nadagdag na blog. haha.

anyhoo, i do hope na sa tagal ng hiatus moment ko ay worth reading ito.

isa, dalawa, tatlo. tatlong malalapit na kaibigan ang may heart problem ngayon. hindi ko alam kung ‘in’ ito ngayon o dahil sa malapit nang magbalentayms at sumasabay sila. pero dahil mahal ko ang tatlong ‘tanga’ na ito, para sa inyo.

letting go, moving on. mukhang mahirap gawin pero kung iisipin, kailangan lang ng konting persistence, faith at higit sa lahat, oras.

una, umiyak ka. o bago ka humito ng pagbasa, paliwanag ko muna. bakit hindi? nasaktan ka, niloko, nagmukhang tanga, pinaasa, at kung anu-ano pa. patay na lang ang hindi iiyak pag ginawa ang mga ito sayo. isipin mo, masarap din naman talagang umiyak. nakakgaan ng loob, nakakatanggal ng paninikip ng dibdib at siyempre, nakakalinis din daw ng katawan, tanggal toxins ika nga. good for the body, mind and soul.

ngayong tapos ka ng umiyak, sige lang. umiyak ka ulit kung tingin mo eh naiiyak ka pa. ngayon, mag-isip ka naman. maglungkut-lungkutan. grieve. namatay naman yung relasyon niyo eh. sige, magdeny ka din. murahin mo siya. lahat ng murang alam mo, sabihin mo. be creative. magimbento ka ng bagong mura. astig, diba? ilabas mo lahat ng pent up emotions mo. pero tapos niyan, isipin mo din kung handa ka nang mamove on. at kung oo ang sagot mo, mag-move on na tayo.

humanap ka ng isang taong mapagkakatiwalaang mo at ikwento mo lahat sa kanya ng nangyari. yung makikinig sayo. ikwento mo ng ikwento hanggang sa dumugo na ang tenga niya at memorized niya na ang bawat linyang lalabas sa bibig mo. sabi nga nila, habang kinekwento mo, nababawasan yung impact ng bawat kwento. parang joke, pag narinig mo na ng ilang ulit, di na nakakatawa. parang bagong sapatos, mientras sinusuot mo ng sinusuot nawawala din yung sakit. gets?

tapos, isipin mo siya ng isipin. mientras kasi iniiwasan mong maisip, lalo mong naiisip. in time, mag-we-wear out din yan at masasanay ka na lang. totoo ito, gawain ko to sa mga kras kong alam kong wala din namang patutunguhan at magpapakatanga lang ako. effective.

pamper yourself. magpaganda ka. magpagupit, mag-shopping, magwindow shopping, magpa-nail polish, mani-pedi.look good. at ng pag nagkita ulit kayo ng kumag na yan, maiisip niyang “bakit ko ba to hiniwalayan?” o “bakit di ko siya pinatulan/ napansin dati?” kesa sa sabihin niyang ” salamat at hiniwalayan ko siya/ di ko siya pinatulan/ pinansin!” o diba?winner ka, sister!

go out with friends. spend time with people you know that will make you happy. go out. see the world kung may pera ka. have trips. give yourself a break. gumawa ng mga spontaneous na bagay. at habang ginagawa mo to, tumingin-tingin ka ng mga prospect sa paligid. at kapag may nakita kang bagay sakin, itext mo ko agad. hahaha.

never ever listen or stay away from senti songs. more importantly, ‘your songs’. ay nako, you will only go back to square one and start all over again. imbyerna yun diba? at iwasan mo na ding magpunta sa mga ‘spots’ niyo. masokista ka ba?listen to happy, empowering songs. like happy ng squareheads, i will survive, irreplaceable, unwritten, bahala ka. at hindi ko naisip na sasabihin ko ito, subukan mo din yung mga hiphop na kanta, at least inde senti diba? 

isipin mo lahat ng bagay na na-miss mong gawin nung kayo pa. ayaw niyang naka-miniskirt ka? wear one. maniss mong mga friends mo? have some time with them.

kapag may blank spells ka, yung biglang namiss mo siya at gustong makita ulit, hold it! oo, normal lang yan. ang gawin mo, isipin mo lahat ng mga masasamang bagay na nagawa niya sayo o mga ayaw mong traits niya and presto! mamomotivate ka ulit na mag-move on na.

itago mo lahat ng makapagpapaalala sayo sa kanya. they are but bittersweet memories now.

focus on your work/ studies. the more you’re tired, the more na hindi mo na siya maiisip pag-uwi mo. lagpak ka na lang sa kama.

at siyempre, tanggapin mo na lang ang katotohanang hanggang dun na lang yun. it was fun while it lasted. pero ang lahat ng bagay ay may katapusan din. at hanggang dun na lang yung inyo, di na madudugtungan pa, unless gustuhin niyo pareho. once you’ve accepted the fact that it’s all over, only then will you feel happy and ready to feel alive again. testingin mo, kung memorized mo pa rin yung number niya, kung oo, hindi ko alam kung ano ibig sabihin, pero pag hindi na, aba good sign yan!

at ang huling payo, pakaisipin mo muna kung gusto mong gawin ang lahat ng nakasulat sa taas.mangyari, na-inspire lang ang sumulat dahil feeling psychologist siya. hindi niya nga rin alam kung psychologist siya o ‘psycho’ lang.haha. at ang pinakaimporatnte sa lahat, hindi niya alm kung paano ma-in love kaya bahala ka na kung anong gagawin mo.

 

at siyempre, smile ka sa ex mo pag nagkita kayo. siyempre. hehe.

XD.

********************

matagal na to. hinhanap ko yung mga papers namin for thesis nang makita ko. aba, hindi ko pala to naiblog. haha. nasayangan lang ako.

yung dalawa sa tatlong taong nabigo ay natatandaan ko pa, yung isa, hindi ko na maalala. hmm..

dagdag lang sa nasa itaas. panoorin mo yung episode ng friends na ‘the one with ross’s wedding’ basta yung before ‘ the one where ross says ‘rachel” un. tignana mo yung part na pinipilit ni phoebe si rachel na makalimutan si ross. effective din pampatawa. at siyempre, idagdag na din natin sa list ko sa itaas na manood ng friends, totoo, nakakawala ng kalungkutan.=D

Advertisements