ang blog na ito, ay obviously para sa first time kukuha ng nbi clearance nila.

unang una. gusto kitang pangunahan na kapag nakarating ka na doon ay wag mong papansinin yung mga nagbebenta ng cedula sa ibaba. hayaan mo sila. hindi mo kakailanganin yun sa itaas. wag kang bibili kahit anong pagpipilit nila!

oh-kay.

step one.yung lugar muna. you know quiapo church, right? basta malapit lang dun. para mas madali, hanapin mo yung SM quiapo tapos tumingin ka sa right side pag kaharap mo yung mall, eto ay kung galing ka ng underpass (meaning, dinire-diretso mo yung pag-akyat mula doon sa underpass nga.haha). pagtingin mo sa right, dumire-diretso ka hanggang makita mo yung white na building. yun na yun. makikita mo yung may malaking tarpaulin ng nbi.

ngayon kung hindi mo pa rin alam at wala kang sense of direction, magtanong-tanong ka na lang sa mga tao doon dahil for sure alam nilang lahat yun.

UPDATE: Hindi na daw doon ang kuhanan ng NBI Clearance, hindi ko alam kung saan na, visit the website for more details. Wag tamad, matutong mag-GMG.

step two. dumiretso ka ng akyat. wag mong pansinin yung mga tao sa ibaba na nagbebenta ng cedula. gayahin mo yung usual self ko. haha. masungit, at suplada, daw. pero dahil wala ako sa usual self ko, ay pinansin ko yung mga nagtitinda ay nabentahan ako ng cedula worth PhP15 at black HBW ballpen worth PhP10. the ballpen, i was able to use since i didn’t bring with me any. while the  cedula, well, i don’t really want to talk about it. basta wag ka maniwala sakanila na kailangan mo yun sa itaas.

step three. umakyat sa third floor. andoon ang office. magbayad ng PhP20 sa parang cinema booth, haha. at kunin ang yellow ticket.

pumasok ka na sa loob. nakapaskil sa labas na bawal magsuot ng slippers, sando, sandals at shorts or hindi ka makakapasok sa loob. anyhoo, i wasn’t really surprised seeing lots and i mean lots of people violating the very rule outside the office. the guard seem to not mind at all. to think na NBI eto! i just thought that, pinas talaga to. tsk tsk

step four. kumuha ng form na pagsusulatan mo ng data about yourself before paying PhP115 at the counter.

step five. umakyat ka na sa taas. at magpapirma sa kung saan doon.haha. i forgot what is it. tas may isa pang papapirmahan, parang validation ganoon na kukunin yung yellow ticket mo, so wag mo iwala. sa guide ng nbi, eto yung steps two and three.

step six. umakyat ka ulit after mong magpa-verify sa ibaba. magpakuha na ng litrato. wag kumausap ng mga hindi kilalang tao. kahit sila pa ay mga empleyadong nagpapacute.dahil hindi sila cute. at nagsasalita sa ibang dialect as if to impress you. ngayon kung katulad mo ko, sige, magmukhang tanga habang kinakausap ng employee, na sa kalaunan ay nakakainis naman talaga.

step seven. magpathumbmark na doon sa gilid. makikita mo doon yung mga taong ginaganon, parang mga preso.haha at magbayad ng dos para sa wet tissue. hep. wag mo muna itapon after mong gamitin, may isa pang thumbmark ek ek. yung last step.

step eight. pumunta doon sa isang side, makikita mo naman kasi may mga steps na nakalagay, then give your form, the blue one, although isa lang naman talaga yun. haha and then pumunta ka na doon sa mga ‘teller’ sa kabilang side to get your nbi clearance.

step nine. pumila sa may parang teller. at iabot ang resibo(?). haha pasensya na medyo nakalimutan ko kung ano na yung ibibgay kasi medyo woozy ako nun. basta mayroon kang iaabot, tas hintayin mo na yung clearance. then punta ka doon sa may malapit sa exit for the final thumbprints na kailangan. ngayon kung may kapangalan kang may kaso, o nagkakaso ka eh, hindi ko na alam yan. hehe si patty na ang tanungin niyo diyan. hehehe

anyhoo, it was an interesting experience. my mother even aked me if she should accompany me to get my clearance. i was feeling independent so i asked her not to. ayun, naloko tuloy ako. haha. nobody even gave me any warning that lots of manlolokos and manggagantsos lurk there. haha. pinas nga pala to.

much thanks to ghe, the sweetest and most helpful pagong ever who helped me through text on what to do inside that building. para kong nawawala the entire time and a little guidance was what i really needed. love you, ghe. =)

ayun lang.para sa inyo ito. para hindi kayo mahirapan at magmukhang tangang katulad ko. hehehe

UPDATE ULIT: Para sa mga renewal, sa malls meron na! PEro may cutoff na hanggang 500 people lang. Tip: Kung nasa Manila ka, wag kang pupunta ng Robinson’s Galleria, seryoso wala kang aabutan kahit 8am ka pumunta, unless 4am pa lang andun ka na para pumila. I found the best place to renew your clearance kung taga-Manila ka na kahit 1pm ka pumunta ay may aabutan ka. Woot! Pero sikreto muna yun, i-tweet mo ko kung gusto mo malaman kasi baka hindi na siya haven kapag sinabi ko publicly. lol. #madamot

XD

Advertisements