Bakit ba naimbento yung manners? I mean, may table manners, etiquette, at kung anu-ano pang tawag dyan. Dati kasi, nung bata pa ko, iniisip ko, kaartehan lang. Tipong pang mga burgis lang na nauso na rin sating mga hindi naman mapepera. Tipong pangdagdag lang sa lesson sa home economics, sa Good Manners and Right Conduct, o Religion saming mga nag-aral sa Catholic school.

Pero nung nauso yang text, cellphone, na parang lifeline na ng bawat tao sa mundo, sa Pilipinas lalo, e saka ko naisip ang pangangailangan nga ng mga tao sa manners na yan. Inis na inis kasi ako sa mga taong walang kunsiderasyon sa iba e.

Tulad na lang nung mga taong kung makapagtext e sobrang iksi na. Yung hindi mo na makuha yung thought ng message. Alam ko, nauso to, kasi dati, 160 characters alng ang capability ng mga mobile phones, however, ngayong pwede na namang up to 2000 characters e grabe pa ring magputol, naka-unlimited na sila niyan ha. Isama mo na rin yung kung magtext e iniiba-iba pa yung spelling at kung anu-anong kaartehan pa yung idadagdag. Sure, guilty rin naman ako dito e. Nung high school ako. Guilty ako dun sa mGa ganiTo mAgtExt, pA-cUtE pA kAsi aKo nUn. But that was eons ago, at hindi ko alam kung bakit ko naisip yun. Salamat na lang at natauhan din ako. I plead temporary insanity. No, scratch that, uhm, I was a teenager, therefore, I was entitled to be irrational. Hahaha. Pero naloloka talaga ko, lalo na pag nakaktanggap ako ng text message galing sa kapatid kong bunsong lalaki. Prang ganitoe xhia mgtext.haiszt!opoh! Yan, ganyan, ganyan siya makipaglandian sa mga babae niya sa text. Pati nga nanay ko e, yung gumagamit ng “me” at “u”. Yun guilty siya diyan.

Bat ba kasi nauso tong ganito? Sino kayang unang nagtext sa mga ganitong paraan? Nakakbobo kasi e. Nung isang araw, tinanong ako ng tita ko kung ano ang spelling ng “occasion”, o diba? Nakakabobo. Nakakalungkot lang, kasi alam naman na nating lahat to e. Ilang beses ng ginawan ng thesis, ng documentary, pasong-paso na. Pero wala pa rin.

Thank God nga, at natauhan kaming magkapatid (Cat) kami lang ang matinong magtext sa bahay, bukod kay Papa na eversince  e buo talaga magtext. Siya nga ata yung dahilan kung bakit naging buo ako magtext. Hindi niya kasi naiintindihan yung text teenager. Hahaha.

Sa ngayon, natuwa na rin ako sa advocacy ng friend ng friend ko. Nahawahan kami totally na buuhin ang bawat salita. Sa totoo lang, mas maayos, mas nagkakaintindihan kami. Mas propesyonal yung dating, no-nonsense, at hindi ka mababastos sa text, para kasing nakakahiyang gawin. Obserbasyon ko lang naman yan, lalo na ngayon na hindi na ko estudyante, hindi na ko pwedeng umarte ng mga pacute, lalo na kung hindi mo rin naman mga kaibigan yung katext mo.

Text-moso. Text-mosa. Alam mo yang mga yan? May dalawang klase yan e.

Type A. Yan yung mga nakakasakay mo sa jeep, tapos mga walang pakundangan kung makibasa sa message mo, kapag may nagtext sayo, o may katext ka. Hindi na nahiya kahit pa nakatingin na sa kanila yung katapat niya dahil nakikibasa siya, di kaya nauuna pa siyang tumawa sa joke na natanggap mo. Imbyerna diba? Minsan nga, gusto ko na lang ibigay sa kanya yung phone ko e, at sabihan ng, “Siga, mauna ka na, nakakahiya naman e.” Manners, people! Nakakahiya to, lalo pag nahuli ka. Tsk.tsk.

Type B. Eto mas malupit. Kasi makikibasa siya sayo, yung kakalkalin yung laman ng Inbox mo. Haha. Eto, ginawa ko kay Ghe dati, pero alam niyang yun yung gagawin ko, tinitrip namin siya nun. Hahaha. Alam ko, ang text-mosa ko. Haha. At least hindi ako nagmamalinis, nagpapaka-self-righteous dito. Hahaha. Pero nakakainis talaga to, lalo na kung may mga importanteng messages, ganon, na ayaw mong mabasa ng iba. Tandaan natin na ang telepono ay parang sulat din, private yun. Nagpapasalamat na lang ako sa mga teleponong tulad ng akin, na may security code. Haha. Bukod sa walang makakabasa ng messages, walang makikitext ng hindi ko alam, walang makakakita ng files ko. Hehe. Secured lahat.

Ang pinakakinaiinisan ko sa lahat e yung mga group message ng group message ng mga walang kapararakang bagay. Nung nag-aaral pa ko, laking pasalamat talaga ko sa GM na to, kasi dito ko nalalaman kung lilipat ba kami ng room, wala bang prof, kung yung assignment ba e tuloy sa pagpasa, at kung iboboycott ba namin yung klase, hindi kasi ako madalas magload.

Pero ngayon na iba-iba na tayo ng mga landas, e utang na loob, wag naman niyong dalasan yung pagpapadala ng mga mensaheng tungkol lang sa inyo. Okay naman yun e. Yung alam namin na buhay pa kayo, at nag-a-update kayo samin. Pero naman, yung mga sampu, benteng message sa isang araw, too much na yun. Paggising, messages mo laman ng Inbox ko, hanggang bago ako matulog, yun pa rin. Seriously, may nagbabasa ba niyan? Ako kasi, diretso bura na e. Kung nagloload lang talaga ko, gagawa na ko ng template na may laman na “Spare me your life’s details, if it isn’t too important, take me off your friends’ list.” aat isesend ko sa mga walang sawang mag- GM. E, kaso, alam mo na, di naman talaga ko mahilig magtext, so paano ko masasabi? Hahaha.

Yung mga quotes, jokes, trivias, at mga recommended movies ni Dickson (naks, special mention), well appreciated ko yang mga yan pero yung gawin mo ba naman akong diary, e sobra na. Yung paisa-isa, ayos lang. The hell I care kung nagpunta ka sa ganito, o kung kumain ka ng ganito sa ganon. Get a life. Nakakainis pa to lalo kapag naghihintay ka ng importanteng message e. Nakaka-excite na nakakainis. Hahaha.

Kung gusto mo mang sulitin ang unlimited service mo, e gawin mo ito sa mabuting paraan, or better yet, wag ka ng magsubscribe sa service na to kung hindi mo rin naman nasusulit.Minsan talaga, istorbo na lang tong mga to. Yung isa kong kaibigan, sa inis niya sa mga GM ng GM, ang ginawa niya, hiniram niya yung phone nung may-ari, tapos, pinalitan niya yung huling number sa name niya. Ang maldita diba? Hahaha.

Alam ko naman e, naiintindihan ko rin naman yung mga nag-ggroup message, dahil masaya sila sa experience, may nakakatuwang pangyayari, may maganda silang na-achieve na gusto nilang i-share, lalo na kung malungkot sila, yung mga naghahanap ng makakausap. And believe me, kung naka-unlimited din lang ako, itetext kita. Pero wag naman puro nakakalungkot, nakaka-depress kasi yun e.

Sana man lang, sa paglalabas ko ng sama ng loob na ito, e may ma-tap ako kahit na isang tao lang. Yung maiintindihan ako. Haha. Pero sa totoo lang, hindi na ko magugulat kung after nito, e kumonti ang messages na natatanggap ko sa araw-araw. Haha. Oh well, okay rin yun. Hindi naman ako nagpapa-alipin sa telepono ko.

peace.
rakenrol.

:)))

Advertisements