Seryoso. Bata pa lang ako, wala pa nga yata ako sa mundo, mahilig ng mag-ampon mga magulang ko.

Nung hindi pa sila mag-boyfriend, yung Mama ko, may inampon na two-month old baby, si Tita Len. Yung Papa ko naman, hindi siya nag-ampon, pero lahat ng mga kapatid niya, yung mga mas bunso sa kanya, puro siya yung nagpa-aral. Siguro mga, five or six yun. Puro mga college. Di ko lang sure kung ilan ang gumraduate, basta ang alam ko, si Tito Manny,yung bunso, asa SSS. Si Tito Pogi, nagtapos ng Engineering, pero ngayon, inclined din sa yelo yung business. Si Tita Dada, asa Florida, tapos si Ninang Ambel naman, asa Malacanang. Not bad na rin, kahit yung isa e hindi tinapos yung pag-aaral niya at yung isa e nagpakamatandang-binata sa Leyte, albularyo ang drama.

Tapos, nakagisnan ko na, na kung sinu-sino inaampon nila Mama at Papa nung mag-asawa na sila. Hindi na nga ko nagtataka pag may nakita akong mga bagong mukha sa bahay e. Naiisip ko na lang na, “A, may stary na naman si Papa.”

Si Ate Angie at si Ate Aileen, yung mga pinsan ko. Umalis din sila after sometime. Si Ate Lexa tsaka si Kuya Randy, yung magboyfriend na hindi ko alam kung bakit hindi natanggihan ni Papa kahit na sabihin pang they(he and Kuya Randy) go from way back, kasi naman, magulo yung sitwasyon ng dalawang yun. May third party. Nagkariot pa sa bahay. Yung asawa ni Kuya Randy tapos si Ate Lexa. Si Jeff at Jervy. Yung mga naging teammates ng mga kuya ko sa liga dito samin. Tapos hindi ko na alam kung paanong nangyaring nag-end up silang nakatira sa bahay. Si Jeff ngayon ay nakatira na sa Tito niya sa Novaliches, working student at dumadalaw-dalaw pa rin samin. Si Jervy, come and go sa bahay. Okay lang, sobrang at home na kami sa kanya, plus sobrang galing makisama. Samin pa rin siya nakatira ngayon, kaya may instant clown, tagalinis, at napapakiusapan kami. Si Papa kasi nagpapabaon sa kanya, okay na rin kasi sa state U naman siya nag-aaral. Si Ate Roogie Ann, yung ibinlog ko rin nung bago pa lang yung Multiply ko. Kasi nakikielam siya ng mga gamit ko ng walang paalam, nakakainis ng sobra. Pero wala kang magawa dahil maisip ko pa lang na hindi siya lumaki sa luho at kinulang talaga sa edukasyon, naaawa na lang ako e. Ayun, lumayas, hindi nakayanan ang palakad ng Mama ko. Pinsan ko yun e, kinuha para sana eventually e makatulong sa Tita ko. Kaso, inuna pakikipagbarkada at pakikipag-boyfriend. Last I heard, dun na siya naghahasik ng lagim sa poder ng tatay niya.

E bakit ko ba kinukwento to? Kasi may bago na naman kaming ampon. Actually, naisip ko nga, nasa lahi na talaga namin yung pag-aampon. Yung kapatid ng Papa ko, may ampon din. Tapos, yung anak ni Tita Len, ampon naman ng Tita ko ngayon. Yung bagong tao sa bahay? Anak pa rin ni Tita Len. Masalimuot ang buhay niya. Mahirap ikwento. Sabi ko nga kay Mama, ang weird no? Lahat sila, ampon? Isipin mo, inampon mo si Tita Len, tapos si Shenggay na kila Lola, si Joshua, na kila Tita Beng, tapos ngayon si Jas nasa atin (note: si Shenggay, Joshua, Jas, magkakapatid, anak ni Tita Len). O diba? Ang gulo.

Di ko nga lang alam kung maaawa ako dun sa bata. Ang maldita kasi e. Halatang hindi dinidisiplina nung pinanggalingan niya. Tatlo na ngayon ang mga bata sa bahay. Ang. Gulo.

Di ko alam kung bat di matanggihan nila Mama at Papa yung mga humihingi ng tulong sa kanila, when in fact, kami mismo ay nahihirapan na rin. I mean, with Papa’s election case, at ang paghina ng kita sa yelo, mahirap talaga. I guess, hindi lang talaga mapigilan ni Papa ang hindi tumulong. Nasa nature niya na yata talaga. Napakabait na tao, to the point na nakakainis na. Ang sabi nila,kapag inimmerse mo ang isang tao sa isang grupo ng mga taong iba ang ugali sa kanya, eventually ay magiging magkakatulad din sila. Pero ang lupit ni Papa. Hindi nahawahan ng kamalditahan ko, ni Cat at ni Mama. Minsan nga iniisip ko, how the hell did you sired kids like us? Sometimes I feel like, inadequate, compared to Papa’s caring nature. Kasi, hindi ako naaawa sa pulubi. Lagi kong naiisip na, kasalanan ng magulang niyo yan, o sindikato naman yan e.

The thing with my mom is completely different. Yung gusto niya talagang tulungan as much as possible yung mga kapatid niya. Pero yung mga anak nila, yung mga pinsan ko na mismo, ayaw tumira samin. Gagawin daw silang katulong. Which is totally an insult. Oo, mukha nga kami (ako, Cat, Mama) na mga maldita, pasenyorita, pero hindi kami ganon. Lalong-lalo na pinsan ko pa sila. Bakit si Jervy, ilang years na samin nakatira. Bumabalik-balik pa. Ang weird nga. Yung mga hindi pa namin kamag-anak yung natutulungan namin. Tsk. Sayang ang opportunity. Ang sasarap iuntog sa pader ng matauhan.

Ngayon, si Jas, medyo hesitant na si Papa na kunin. Gusto niya kasi, kapag kinuha niya, may kasulatan na, na hindi na kukunin ulit samin. Kasi nadala na yung Papa ko. The other day, kinukwento niya na nag-ampon na siya before, tapos kinuha din sa kanya. Siya pa yung nasabihan ng masama, after mong tumulong. Ano ba yun? Napaka-ingrata ng mga magulang din ba? Gusto pang magdemanda.

Hay, buhay. Pag nagkapera talaga ko, pagagawan ko na ng monumento tatay ko e. Teka, paano na kaya kung makaupo na siya sa pwesto? Magkakaroon na siguro kami ng foundation.

Advertisements