Woot.Na-miss ko tong kantang to.

SIKAT ANG PILIPINO
Words and Music By: Everyone (Jose, Aldrine, PLUMA 4)
Sung By: PLM-CMC Batch 2008 – 2009

Ako’y musmos pa lamang
Nangarap ng sumikat
Makilala ng mundo
Tingalain ng lahat

Ako’y nagsumikap
Lakas aking hinanap
Sports nagbigay-daan
Sa tagumpay na inaasam

Sikat ang Pilipino
Ipakita sa buong mundo
Galing at husay
Ibandera ang kulay
Sa palakasan
Tagumpay ating makakamtan
Pagkat tayo’y Pilipino
Sikat ang Pilipino

Huwag sumuko
Sulong lang ng sulong
Ipakita nag gilas,
Ibigay buong lakas
Ipanalo ang laban
Laban ng karangalan para sa bayan

Si Manny Pacquiao champion sa boksing
Lahat pinagaling sa angking galing
Sina Lydia at Elma di rin nagpahuli
Gintong medalya sa Pinas inuwi
Si Bata pinatunayan nag-iisang magician
Nandyan rin si Paeng Nepomuceno
Sa bowling tinuturing na idolo

Sikat ang Pilipino
Ipakita sa buong mundo
Galing at husay
Ibandera ang kulay
Sa palakasan
Tagumpay ating makakamtan
Pagkat tayo’y pilipino
Sikat ang Pilipino
Magkaisa tayo
Sikat ang Pilipino
Sikat Pilipino
Magkasisa tayo Pilipinas sa buong mundo!

:))

Naalala ko bigla, na-LSS na ko ng bongga. Too bad, I lost the file on my phone. Kakainis. Feeling ko pa mandin, ako lang meron nun. Kung sinuman meron pa i-comment niyo rito. Hehe.

Pati, lapit na mag-end Buwan ng Wika. Counted pa rin naman diba? pagmamahal sa sariling bayan. Hehehe.

*The italicized part is my favorite! 🙂

Advertisements