“Gusto ko ng mag-resign.”

Hindi ko alam kung uso ba ‘to ngayon. Pero halos lahat ng nakakasalamuha kong mga batchmates, eto yung dialogue. Si Sabel, tuwing tinatawagan ko sa opisina, matapos ang pagbati niyang “Customer Relations” ay babanatan ako ng “Pare, gusto ko ng mag-resign.” Natatawa na nga lang ako e. Si Caluchi kanina kasama ko sa ABS-CBN, magre-resign na rin daw siya, baka daw gusto kong ako na lang yung pumalit sa kanya. Si Ghe, nag-resign some few weeks ago, dahil lang sa ayaw niya ng sked niya. Ewan ko kung san na nagtatrabaho yun ngayon. Si Marco, kakapalit lang ata ng company. Si Jovi,eto rin drama sakin. Gusto niya raw ng pang-normal na taong sked. Pero hihintayin muna yung Christmas bonus, tsaka yung ma-regular siya.

“Gusto ko ng mag-resign.”

Sa totoo lang, bukod sa natatawa ako sa trend na pauso ng batch namin, napapaisip lalo ako. Kanina may kasakay akong snatcher sa jeep. Tatlo sila, pero natunugan yata nilang natunugan naming mga pasahero na snatcher sila kaya lumipat sila ng ibang jeep. Bakit ko alam? Sinabi nung drayber pagbaba nila. Sa totoo lang, mukha talaga silang mga tipikal na manggagantso. Yung katapat ko nga, mapula pa mata sa shabu yata, ang takot ko nga, konti na alng mapapababa na ko ng jeep. Buong Quezon Ave., nagdadasal yata ako. Sila kaya, naisip nilang mag-resign sa trabaho nila?

“Gusto ko ng mag-resign.”

Ang mas nakakatawa pa nito, ang kakapal ng mukha ng batch namin na magsabing magre-resign kami habang nakikita naming ang daming lugmok sa kahirapan dyan sa kalye. Tuwing umaga na lang pag papasok ako sa opisina, mahina ang tatlong pulubing makakasulubong ko sa daan. E bakit ba gusto ng batch namin na magsipag-resign sa mga trabaho namin? E kung sa simula pa lang, hindi na tinanggap yung offer di hindi ka magre-resign. Lahat yata kami aligagang makaakyat sa zenith ng mga career namin. Wala pa nga kaming isang taon na nakaka-graduate diba? Nakakatawa kasi parang ang suswerte na rin namin kung tutuusin na nakahanap kami ng mga maaayos na trabaho tapos mga gusto na naming mgasipag-resign.

“Gusto ko ng mag-resign.”

Huwag kang maingay. Pero galing ako ng ABS-CBN kanina. Nag-exam ako for news writer/transcriber, um-absent ako. Nakasabay ko pa nga si Cams sa exam. At pareho kaming may trabaho na. Ayos. Sabi ni Papa sakin, “Hindi ka masaya sa trabaho mo?” Sabi ko naman, hindi naman sa hindi ako masaya, ayoko lang kasi ng paulit-ulit yung ginagawa ko. Tapos, hindi ako makapalag sa mga galit na kliyente, minsan, gusto mo na lang mang-away din. Haha. Naisip ko nga, takte, para din pala kong nag-call center. Pota. E bakit ako nagpunta ng ABS? Unang-una, Kapuso ako, hindi talaga ko nanonood ng channel two. Bat dun ako nag-apply? E kasi, yun ung tumawag sakin. Pero wag ka, kung sa GMA, ipagsisiksikan ko talaga sarili ko lalo na sa News and Public Affairs. Kwentuhan nga namin ni George, kahit P.A. lang sa Kapuso Mo, Jessica Soho, pro bono kahit six months, go-go kami e, isipin mo na lang impact nun sa resume ko. So ibig sabihin ba nito, if everything goes well, magre-resign na rin ako? Hindi pa naman ako sure. Pero siguro, ngayon ko gagawin yung payo ng nanay ko sa pagboboypre na hindi ko sinunod, at hindi ko susundin. “Collect and collect before you select.” Ia-apply ko na lang sa career ko, para umusad siya. Ang mga linyang Blair Waldorf na ” Baby steps, mi cheri, baby steps,” ay hindi ko na kaya. Hahaha.

“Gusto ko ng mag-resign.”

Ang cool ng batch namin no? Ang choo-choosy. Akala mo naman kung sino kaming maraming mga nakalagay na sa resume na tipong pag-aagawan kami ng mga malalaking kompanya dyan. Maswerte na nga kami e, hindi kami nahirapan maghanap ng trabaho. Lalo na ko, nakaupo lang ako nung tinawagan ako for interview. Wala akong ginawa kung hindi ang sumipot lang ng tatlong beses at makipagbolahan sa interviewers, voila! nagkakapera na ko tuwing kinsenas-katapusan.

“Gusto ko ng mag-resign.”

Pero alam mo, naiintindihan ko naman e. Talagang minsan, madalas pa nga, kapag hindi mo talaga feel yung ginagawa mo, mauuta ka, aayaw, at some point, gusto mo na rin talagang bumitaw. Magkaroon ka man lang ng konting respeto pa sa sarili mo na binigyan mo naman ng chance, hindi lang talaga nag-work. O e paano na yan ngayon? Jobless muna ulit? Wag naman. Mahirap na buhay ngayon, paano ko alam? Sa loob ng dalawang linggo, tatlong beses na kong naka-engkwentro ng mga snatcher sa jeep. Ang saklap.

“Gusto ko ng mag-resign.” – Mina.

Matagal ko ng naiisip. Tipong, asa likod lang ng isip ko. Marami lang akong wini-weigh na bagay bago ko gawin tong hakbang na to. Isa pa, mababait mga ka-opisina ko, mga baliw sila. Pero parang hindi ko na kaya, tinatamad na rin ako minsan. Gusto ko ng mag-resign. Pero hindi muna ngayon.

Ikaw, gusto mo na din bang mag-resign? O nag-resign ka na rin?

Advertisements