Sensya na ha. Alam ko kasing marahil tulad ko, e sawang-sawa ka na rin sa kakapanood, kakapakinig at kakabasa ng mga updates tungkol sa nangyari nung Setyembre 26. Okay lang naman na hindi mo basahin medyo lang kasi marami ng nagsasalita sa utak ko, marami silang gustong sabihin, yung iba may kwenta, karamihan wala. Wag ka mag-alala, di pa ko nababaliw ganun lang talaga ko mahilig magmuni, ras saka ko ikekwento. At sa puntong to, sasabihin ko na sayong sobrang bombarded na yung utak at emosyon ko sa dami ng mga pangyayari. hirap na ko i-digest, kaya isusuka na ng utak ko, yung mga pinalad na ma-digest, itatae ko na rin ngayon. Isang bagsakan na lang, para masabi ko na ring, “Success!”.

Ano? Handa ka na ba? Iiire ko na kasi to. One, two, three.

September 26. Happy birthday yun ni Papa e. E kaso naging wet birthday. Buti na lang wala kaming pera, wala kaming masyadong paghihinayangan na tipong mapapa-usal ako ng “Ay, sayang, di tayo natuloy sa Emma’s Carinderia! Tsk.” Pero siguro kung ganun na yung sitwasyon nun, di ko na rin nasabi diba? Haha. Ayos naman nung una, nakababa pa ko sa bano namin na nasa ibaba nun bandang 10:30 ng umaga pagkagising ko para umihi. May baha na rin, hanggang talampakan ko, nung sunod na agsilip ko, asa ikatlong hakbang na ng hagdan namin. Ayos, naloka na talaga ko, kasi sa dalawamput isang pagtira ko sa bahay na yun (minus three years pala), e hindi pa talaga bumaha. Sabi naman ng tita ko, sixties pa pamilya namin dun pero nun lang talaga bumaha. As in. Ang ending ko? Naligo ako sa hagdan. Kasi di mo na makita yung sahig ng banyo e, dugyot ng tubig, kadiri. Naglulutangan yung mga balde, planggana plangganita. Yung drum namin, three-fourth na yung lubog sa tubig. Grabe yung itsura nung naglulutangan yung mga gamit sa baha parang Titanic. Napasigaw a nga ko ng “Hello? Is anyone alive out there?” perfect with British accent. Hehe. Biglang dumungaw yung tita ko na nakatira sa baba, nakangiti (compiund kami, asa second floor ang bahay namin). Akala ko nga pipito siya at tatawagin si Jack “come back, come back”. hehe, joke lang.

Pero seryoso nung walang tigil ung buhos ng ulan, isa lang naisip ko, Noah’s Ark na ba ulit? Kala ko nga may dadaan ng barko sa harapan namin, eksena nun sa The Day After Tomorrow, pero wala, sabi ni Kuya, ang dumaan daw, si Gloria Arroyo, nakasakay sa bangkang papel niya, err, sa sasakyan ng mga sundalo. Ano tawag dun? Kapitbahay kasi namin Malakanyang e, kaya yun. Ewan, di ko naman siya nakita, asa likod kasi kami.

Eto, seryoso ulit, dumating alng ako sa point ng pagkarakot nung bandang alas-dose na e wala pa si Mama at Papa. Kasi, pumasok si Mama, tas naglakad daw siya sa baha, andun sa may San Andres, ayaw paalisin ng barangay. Si Papa naman, to the rescue sa kanyang damsel, sinundo si Mujang. Ayun, ulilang lubos kami for a few hours. Buti okay sila nung makauwi. Ang hindi okay e yung washing machine, nakalimutan namin iakyat. Ewan kung gagana pa, di pa namin ulit tinry buksan, tas mga yelo namin, natunaw, ayun parnag pinanood ni Papa yung mga six thousand pesos na puhunan niya nung araw na yun na matunaw, ayos, limang bloke lang ng yelo naisalba namin. Pero thankful pa rin ako feeling ko nga regalo na samin yun e wala kasing nangyaring masama samin. Thank you Lord pa rin. At Happy Birthday Papa syempre!

***

Alam mo yung sinabi ni Jessica Soho kahapon sa Kapuso Mo, Jessica Soho? Sabi niya eto lang yata yung bagyong lahat tayo may kakilalang nasalanta. Yung tito ko sa father’s side, yung tita ko sa mother’s side, yung barkada ko nung elementary, yung barkada ko nung highschool, pati yung college classmate ko, lahat sila nasalanta. Pati pala yung officemate ko, nasalanta rin. Ubos ata yung mga gamit nung ilan sa kanila, lalo na yung tito ko, kasi sa Montalban yun nakatira. Sa san Jose yung pinapaulit-ulit sa news, bukod sa Provident Village, ayun, hanggang tuhod daw putik ngayon, ubos lahat ng pndar nila. Pero thankful pa rin, kasi walang namatay.

***

Nga pala, sa mga ganitong klase ng sakuna, wag kayong tatawag sa 117 at 187 (Directory) tulad ng ginawa ko. Ang nangyari kasi, tinawagan kami ng tito ko para sabihing ganun na nga yung nangyari sa Montalban, bubong na lang daw, di tawag naman kami sa 117, walang sumasagot. Tawag ako sa Bayan, binigay sakin 187 directory daw. Naknampucha! Napakawalang kwenta ng sistema ng pesteng ahansya. Hindi maasahan sa mga ganitong pangyayari. Kailangan pala, para makahingi ka ng tulong e, alam mo kung ano talaga yung kailangan mo, e sabi ko lang, Montalban rescue, wala raw, number lang ng munisipyo. Sabi ko naman, kahit ano na makakatulong sa Montalban, kahit fire rescgue, wlaa raw. Kasi daw, kailangan daw dun specific, hindi categorized. Napasabi tuloy ako ng: “Bat ganyan? Ang pangit ng sistema niyo, paano kung hindi talaga alam, ano wala kayong maibibgay sakin, di na kayo makaktulong Naging directiry pa kayo?” Wala raw talaga. Ayun, sinabihan ko na lang na, palitan nila yung sistema nilang bulok, dapat yung parang internet na pag may tinype ka may lalabas at lalabas, napakawalang-kwenta at old school kasi ng sistema nila. Mas okay pa nga yung sistema ng archiving sa national library sa totoo lang. Nakaka-frustrate lang, kasi wala kang magawa, habang hinihingian ka ng tulong, wala, para kang inutil. mabait naman ako sa mga agents normally, pero iba na yun.

***

Pagkatapos, mean, habang bumabagyo pa, yung mga masuswerteng tulad namin na may TV pa e, abang na abang naman sa mga latest development nun sa TV. Nakakagulat lang talaga, na halos lahat e apektado. Mapa-bata matanda, Mahirap at mayaman, sikat at nagpapasikat, e naapektuhan. Napansin ko lang no, sa dami ng mga artista at normal na mga mamamayang Pilipino na nasalanta ng bagyo, bat parang wala yata akong nabalitaan ni isang puliyikong nanghingi ng tulong na lumubog din sila sa baha nung araw na yun. Likewise, wala rin akong nabalitaang pulitiko na halos isugal yung buhay nila para magligtas ng mga normal na tao, kahit man lang yung mga kaibigan nila. Ang lupit diba? sayang nga e. Di sana naramdaman nila firsthand kung ano talaga ang problema ng mga ordinaryong tao. tapos kung meron mang nangligtas na pulitiko, malamang runaway winner siya sa 2010, o di kaya, ang swerte naman natin, mababawasan na tayo ng isang trapo kung di siya nakaligtas. Sayang talaga! Tsk.

***

Masama ba ko kung sasabihin ko sayong nasusuya na ko sa mga palabas sa free channels ngayon? Yun at yun na lang kasi ang palabas e. Updates okay lang, kung yung gma pagtulong na itini-TV pa sige na, okay na rin yan, yung gma may sundot ng environmental aspect, mas ayos yan. pero naman, yung paulit-ulit na sound bytes na vibeo clips utang na loob, mga recycled news, utang na loob, sana naman may iba. Kokonti na lang ba talaga ang angle ng big news story na to? Sana may bago silang maibalita sa mga mamayang suya na sa paulit-ulit na balita. Puro na lan si richard at ang kanyang pagkakasagip kay Cristine. Utang na loob talaga. Siya lang ba ang nagligtas ng buhay? Ang daming rescuers na mas maraming nailigtas na habang nagliligtas e, hindi nila alam kung ayos lang ba yung pamilya nila. Andun na ko sa ginawa ni Richard, at saludo ako sa ginawa niya, iilan na lang ba ang gagawa nun? Nakakatawa pa nga yung news na na-stranded daw si Rhian Ramos sa daan. And so? Siya lang ba ang na-stranded sa daan? Yung tulay sa tapat namin, 24 hours ata sila dun, stranded din sila.

***

Magkano na daw ba inabot ng Helpline ng GMA? 62 million na ata. E sa kabila? Sensya na ha, solid Kapuso kasi kami. Ang galing no? Pagdating sa ganitong pangyayari lumalabas yung natural na pagkamatulungin ng mga Pinoy. Ang maganda pa diyan, yung mga mismong nasalanta, sila sila rin nagbibigay ng tulong nila sa mga kapwa nila nasalanta. Di ko lang masyadong gusto yung binabanggit pa na ganito ang binigay ni ganitong artista at ganito naman kay ganyang artista. Parang bidding parang nagpapataasan ng ihi. Kailangan pang sabihin kung magkano. Kaya nga natuwa ako nung tinanong ni Mel Tiangco si Heart Evangelista nun sa SOP, “Ikaw Heart, magkano ang pledge mo?” Na sinagot niya naman ng hindi niya na raw sasabihin pa. Ayos no? In your face si Mel Tiangco. Si Pacquiao kanina, gusto kong matawa e, parang pulitiko na nag-aabot ng tseke. Naks, tipong kung may mali sa pagpapalitrato e babawiin yung tseke at take two ulit! Mas nakakainis nga lang yung mga nananamantala ngayong panahong to, yung mga nagnanakaw ng gamit sa mga nasalanta, at yung gma ginagamit yung pangalan ng foundation para sa sarili nilang kapakanan. Ayos Bulok na Pinoy.

***

Si Jackie Bermejo. Malamang kilala mo siya. yung Pinay bitch. Bitch of Ondoy sabi sa tabloid na lagi kong binabasa. Sumikat, si ateng, at nagkaroon ng isang walang kakwenta-kwentang alibi. Ayos ginawa tayong bobo pare-pareho. pero uulitin ko na lang yung sinabi ko nung nakaraan sa facebook ko,
“Jacque, bless you and your family in the Philippines. I hope that no family member of yours was hurt and devastated the way million other Filipinos’ lives were shattered by this catastrophe. And I hope that your family does not detest you the way we abhor you for what you said to our beloved country.”
Ayun na, wala na kong ibang sasabihin pa.

***

A week after nung tragedy nagpunta kami ni Cat sa GMA at nakitulong sa pagre-repack. Ooops, hindi ko na sana babanggitin to dito, pero naaliw kasi ako sa mga pangyayari kaya ikekwento ko na rin.

Ang nangyari, Sunday pa lang, 27 nun sabi ko, punta kami dun tulong tayo s apag-re-repack. medyo tinubuan kasi ako ng konsensya. hindi naman kasi ako naging mabait na bata pero parang ang swerte-swerte ko. Para akong nailagay sa “good children” list ni Santa at nabiyayaan ako ng regalo, gayung naging naughty kid naman ako sa palagay ko. Ysaka parang kulang na kulang yung mga lumang damit na pinamigay namin nun. Kaya para maibsan ng konti yung feeling ng kakapalan ko ng mukha at pakiramdam ko talaga e kulang yung dasal lang, dapat diba may aksyon. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa, ika nga, e finally, nakapunta na rin kami kahapon. Pinaghintay lang kami nun at maedyo nainis kami. Kasi willing naman kaming magpaschedule paro dahil sinabihan kami na pwedeng basta na lang magpunta e nagpunta na kaming magkapatid. Ayun, gusto pa atang tanggihan yung apat na kamay namin. Kakaiba no? Sa panahon na kailangan ng pagtutulingan tinatanggihan kaming mga willing na tumulong.

Nadaan lang namin sa charm sila Manong guard, na isabak na kami, kasi galing pa kami ng Maynila at sobrang gusto namin tumulong. napunta kami s arepacking used clothes. four pairs each bag, plus 2 Champion detergent bars at 4 Off lotion. Yung iba maswerte, may nahahalong Surf powder, CloseUp toothpaste at alcohol. Ayun pack-pack. The fun part was, we were really looking at the labels, at talagang may mga linya kaming, “Aminin mo maganda, kung nasa ukay to bibilhin mo” moments at may mga ano ba yan? bat yan andito? Wala ng garter. haha. Sensya na. Kasi naman, mapapakinabangan na damit, hindi yung basahan ang kailangan nila. Kakainis, sayang lang sa espasyo. In fairness naman yung mga damit range from Guess, to Levis, Bum, Karimadon, Cherokee at mga shoes na Kickers, VNC at Adidas. May naligaw pa ngang mga 5 Barbizon bras nun. At, yung natawa talaga ko may bra dun na parehong-pareho ng bra na suot ko ibang size lang. Ahaha. May moment pa ko na, pagbukas ko sa isang box, e puro clothes na nasabi ko biglang “ui halatang sa mahirap galing to”, na nasabihan ako ng kapatid ko na ang sama ko raw. Haha. Pero ang gusto ko anmang sabihin e kahit mga mahihirap e nagbibigay pa rin. Diba? Ayun. Masaya dun. yung isang bata, ginawa ata kaming entertainment showcase ng kapatid ko, kasi sa totoo lang, aliw talaga kami magkwentuhan, kahit nakasakay kami sa jeep, may nakikitawa at nakatingin samin pag nag-uusap kami. Nakangiti siya tuwing napaptingin ako sa kanya parang gusto na rin maki-join. Ayun gusto ko nga siyang singilin ng air time after. Hehe, pero dahil panahon ng pagtutulungan e free muna siya for today. Haha.

Napabuhat pa kami ng sako matapos mag-pack. kainis lang yung ibang mga babae, ang aarte, pupunta-punta run tas ayaw magsipagbuhat? Ano yan bat andito ka? Walang uuwi hanggat walang nakukuhang isda! Haha. Seriously, nainis lang ako, kasi ang aarte, hindi naman magaganda, haha, umaatake na naman pagkalaitera ko, sensya. But the point is nagvolunteer ka dun di dapat, lahat, willing kang gawin, kami nga ng kapatid ko, ampapayat namin, nagbuhat kami, sabi ko nga, di tayo pinagbuhat sa bahay ng ganito, pero ayos lang, para kong may pakpak. Hyper. Pero di lang mga babae ang maarte. kung sila, ayaw magsipag-buhat, yung mga lalake naman, ayaw kami pagbuhatin. Mga sexist, di ba nila lam, katribo namin si Justine? Haha. LOL. KAYA NAMIN. Yun lang.

Masaya naman kami. bonding moment plus nakatulong pa. Hehe. Wala kasi kaming pera kaya labor na lang pwede na yun! :))

***

Balik-TV ulit. Woot. Ui, kung umabot ka na sa puntong ito ng pagbabasa, aba, salamat ha di nasayang effort ko. Hehe

Ayun na nga, hindi ko maintindihan yung mga kapwa-Pinoy ko, ang lupit nila men nasalanta na, kung makakaway sa TV, parang di nawalang ng damit, ng aplayanses at ng bahay. Yung mga malulungkot lang ata e yung mga namatayan. Kakaiba talaga mga Pino. Iba ang sayad.
Ayos i-enjoy ang kanilang five-seconds of fame.

****

Hidni ako magppreach. Dahil hindi ako pari. At hindi ako magsasabi ng dapat gawin dahil degree holder lang ako. pero gusto ko lang sabihin na, alam nating lahat na mauulit at mauulit pa ito. Kita mo naman nagdala pa ng resbak si Ondoy, si Pepeng. Napansin mo ngayon ko lang binanggit pangalan ng bagyo? kasi nakakumay e. Anyhoo, Ang point ko lang naman e sana matuto na tayo. Pero patsngmalabo, alam mo naman ang maga Pinoy, ang attention span parnag sa isda, kung makalimot kala mo walang nangyari mamaya alng, balik na ulit sa dati. Sana lang, sana lang talaga, ngayon may natutunan na tayo. Ako kasi, natutunan ko na:

*dapat mag-ipon ng pera para hindi nakikigulo sa mga calamity loan sa SSS, PAG-IBIG at GSIS

*dapat pag bagyo may baong kahit biskwit lang sa bag para kung sakali man, may food pa rin

*wag na lumipat sa Cainta. At kumbinsihin ng maigi si Mama.

*magpasalamat sa Itaas na buhay pa tayo sa araw-araw.

*ang walang kamatayang alagaan ang kalikasan kahit sa mumunting paraan.

*ang pagtulong, it goes a long way. kahit sino may mabuting puso pa rin.

*hindi lahat ng Pinoy ay may mabuting puso, meron ding mga nananamantala sa kahinaan ng iba. May they burn in hell.

*hindi masamang maging handa.

*ang mga Pilipino ay creative. Nagkakaron ng idea para mas maka-survive at maka-adapt sa mga pangyayari sa paligid nila.

*sexist ang ibang lalaki. maarte yun gibang babaeng hindi kagandahan.

*ang materyal na bagay ay napaplitan. wag ito mahalin ng bongga.

*maswerte ang mga walang pasok nung Sabado.

*galit ang mga Pinoy kay Jackie at sa mga tulad niya, dahil ingrata siya. Hindi na siya makakauwi sa Pinas ng walang bangas ang mukha

*higit sa lahat, pumili ng tamang iboboto next year, yung may gagawin at magkakaroon ng kahandaan ang Pinas sa susunod na Ondoy na hahagupit satin.

Eto lang naman talaga gusto kong sabihin, salamat sa Dioys dahil kahit sinampolan niya tayo ng kaya niyang gawin e hindi niya tayo ni-Noah’s Ark, salamat naman, dahil di pa ko handang mamatay dahil, virgin pa ko. Hahaha.

Ngayon, ang dapat na lang nating gawin at talagang natutunan ko ay to keep moving forward, andyan na yan, ano pa nga bang gagawin natin, na-hit and run na tayo ni Ondoy e, naghanap pa ng kasama. Dahil hindi katulad ng sinabi ni Jackie, hindi totoong so many sinners back here, Ang totoo? Yung sinabi ng Kanong rescuer sa Cool Center kagabi, “Kaya ng Pinoy”. Ang ironic no?

Ayan, naisuka ko na, naitae ko na rin, kaya’t ang kinalabasan? Magulong post. Matatahimik na sila ngayon sa isip ko. Pasensya na, alam kong tulad ko ay umay ka na rin pero kung hindi ko ginawa to, matatae ako ng bongga at kakalat siya. Hahaha. Ingat ka, hanggang sa susunod na bagyo. Wag naman sana. 🙂

Advertisements