Sana mamatay na silang lahat. Mga salot ng lipunan. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit pa sila nag-e-exist sa mundo, siguro para maging barometer ng mga babae kung sobrang maiksi na ba yung paldang suot nila na kita na yung kuyukot nila sa sobrang micro-mini ng skirt nila, o dahil halos makita na yung mga hinaharap nila dahil sa sobrang plunging na nung neckline na suot nila.

Iniisip ko nga noon, na may dalawang klase ng babae pagdating sa ganito, yung mga tipong bastusin, mala-Katrina Halili na wala namang ginagawa pero mababastos talaga sa daan, at mala-Rhian Ramos na ikaw mismo sa sarili mo, mahihiya kang bastusin. Akala ko, andun ako sa Rhian Ramos type, pero hindi e. Wala silang pinipili. Basta babae, siguro kahit pati standee ni Patani e papatusin nila. Kasi alam mo, ako nga, di ko pa rin maiwasang hindi mabastos paminsan-minsan. Hindi naman ako revealing magsuot ng damit, dahil wala rin naman akong ire-reveal, at ayokong mag-anyaya ng rape sa daan. Wala, normal lang, minsan nga kahit gusto kong magsuot ng damit na mas maraming skin ang ilalabas, ginagawa ko na lang kapag kasama ko mga magulang ko e, para patay lahat ng babastos sakin.

Napa-blog ako dito, kasi yung isang kasama namin sa trabaho kanina, umiiyak dun sa general manager namin, nabastos ata nung driver ng company. Oo, naniniwala akong nabastos siya, bukod sa winarningan na ko, e hilatsa pa lang ng mukha nun, nakakabastos talaga, kamukha ni Gary Lising. Pati kakaiba makipag-usap yun sa babae, ang lapit ng mukha niya, para kayong nasa pelikula na dapat malapit para pasok sa frame yung mukha niyo pareho. At nakakainis yun talaga. Driver na driver ang asta. Tinanong ko yung mga kasamahan niya, kung katulad ba ng mga tipikal na truck drivers e humihinto rin siya sa mga babae, o kapag napatapat sa jeep e hindi palalampasin kapag may natipuhan na nakasakay sa jeep e kakawayan at susutsutan, oo daw. Lalo kong nainis.

Die, perverts, DIE! Burn in hell.

Naalala ko nung bata pa ko, sobrang tandang tanda ko pa, kasi alam mo, kung makikita ko pa muli yung mukhang yun, peksman, mamatay man siya, hinding-hindi ko siya maipagkakamali sa iba. Nakatira kami sa may malapit sa paradahan ng mga jeep, kaya nung mga bata pa kami, yun talaga palaruan namin, maglalambaras sa mga hawakan sa jeep, ganun. Minsan na naglalaro kami, nilapitan kami ng isang mama. Maputi, medyo napapanot na yung buhok, may kalakihan yung tiyan, nakasalamin, naka-sandong puti siya nun at khaki shorts. Inaalok niya ko nun ng kendi, nung hindi ako pumayag, naglabas ng mas maraming kendi yung mama, bibigay niya raw sakin yun lahat, basta sumama ako sa kanya. Pero dahil naturuan naman ako na “Don’t talk to strangers”, at wag sumama sa mga nagbibigay ng kendi kung di rin lang si Santa, joke, e hindi pa rin ako nagpadala sa kanya. Huling baraha niya na ata, naglabas ng pera. Marami. Makapal, halu-halong bente, singkwenta at ilang dadaanin. pero hindi pa rin ako sumama. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na, mas marami pa dyan pera ng tatay ko. Pero nung puntong yun, takot na takot na talaga ko, mabuti na lang andun sila Kuya Albert at Kuya Russell (RIP), at sinabihan yung mama na isusumbong siya. Natakot din siguro at nakuha niya ng hindi ako nakukuha sa ganun. Ligtas ako.

Pero isipin mo, paano kaya kung isa ko sa mga inosenteng bata na nakuha nun? Malamang, isa sa tatlo lang kababagsakan ko: babaeng puta sa edad na bente-uno, pero hindi mukhang-bente uno dahil pinatanda na ko ng problema sa buhay at pagpapakangkang sa libong perverts narin siguro, bente-uno pero mas maraming alam sa usaping sekswal kumpara sa isang babaeng doble ng edad ko; babaeng puta pa rin, may kinakasamang drug addict na ka-jamming ko tuwing makaka-booking ako, luto sa droga ang utak, at may isa, dalawa, tatlong malnourished na anak; o patay na siguro ako ngayon. Sana no, kung nagkataon, yung huli na lang.

Pervert. Sabi ni Pareng Webster,

per·vert
Pronunciation: \pər-ˈvərt\
Function: transitive verb
Etymology: Middle English, from Anglo-French purvertir, pervertir, from Latin pervertere to overturn, corrupt, pervert, from per- thoroughly + vertere to turn — more at per-, worth
Date: 14th century

1 a : to cause to turn aside or away from what is good or true or morally right.

pero parang ayaw kong maniwala. Siya kaya, makaranas ng pangmamanyak, o isa sa mga anak niya makaranas nun, yan pa rin kaya ang depinisyon niya ng pervert?

Bukad kasi sa unang nabanggit, mas malupit yung naranasan ko nitong huling taon ko sa kolehiyo. Naglalakad ako nun e, sa may Reposo sa Makati, pauwi galing OJT shift. Wala yung mga kasama ko, naka-assign sa warehouse, alam mo nangyari habang naglalakad ako sa kalsada? Biglang may isang sasakyang sinabayan yung lakad ko, ang takot ko talaga, binilisan ko nga lakad ko, akala ko kasi yung bubuksan yung pinto sabay hahatakin ako paloob. Pero hindi naman pala, ang sam kasi ng pag-iisip ko e no? Hinintay lang pala niyang lumingon ako, ipapakita lang pala niya yung nakalabas niyang ari, nalulungkot ata, naghahanap ng audience, sabay pasibad din ng sasakyan matapos akong ngitian ng nakakaloko. Wala kong nagawa, nakurap yung pag-iisip ko ng wala sa oras. Puta, mamatay sana sa kaka-sariling sikap yung manyak na yun, mamatay sana sa sarap, maputulan sana ng ipinagmamalaki niyang ari.

Katulad niya’y ganun din sana ang mangyari sa asawa ng pinsan kong manyak. Nakatira kasi kami sa isang compound. Isang lumang bahay-Kastila, na talaga namang niluma na ng panahon, at pambababoy na rin ng mga tao. Dalawa ang banyo samin, at adjacent sila sa isa’t isa.

Pero ingat ka, dahil tuwing maliligo ka, di ka dapat makampante, di mo alam, may nagbabantay na pala sayo. Hindi yun multo, tao yun, isang demonyong nag-anyong tao. Sa bawat paghagod mo ng sabon sa katawan mo, sa bawat pagshampoo mo, may humahagod na rin ng tingin sayo. Kaya’t pag nakasabay mo siya, matakot ka na, magtago ka sa isang parteng hindi ka niya makikita, na-master ko na ng aang tamang teknik e.

Parang aswang, tiktik ba, may sound siyang ginagawa kaya alam mo ng andun siya sa kabila, dumadahak siya. Paulit-ulit. Ang baboy. Hindi nakakatuwa. Nakaka-trauma paminsan. Kaya lahat ng bagong dating o lipat na babae sa lugar namin, sinasabihan ko, dapat mag-ingat sila at di mabiktima ng demonyong pang-anghel pa mandin ang pangalan. Masakit pa nito, inutil siya, di mapakinabangan ng pamilya niya. Tsk. Parang pulitiko, bulok.

Pero maswerte pa rin siguro ako, sa dalawampu’t isang taon ko dito, bukod sa mga paminsan-minsang pambabastos sa jeep tulad ng pagdidikit ng katabi ko ng binti niyang mabuhok sa hita ko isang araw na nagpalda ako, o sa pag-lilinger ng braso ni manong drayber sa braso ko habang iniaabot yung sukli sa katabi ko, sa mga paminsang pagsutsot ng mga bastos at walang pinag-aralan at walang magawang mga bastos na lalaki sa daan at mga trak draybers, salamat pa rin dahil intact pa rin ang hymen ko. Hindi ako pinwersa ninuman at hindi naging biktima ng karahasan.

Sa puntong to, gusto kong hiramin yung nakasulat sa bagong FMCC shirt, “laban ni Maria.” Sana lang talaga, magkaroon ng sapat na lakas ang lahat ng kababaihang nabastos sa kahit anong paraan, at labanan ang mga perverts na ito, sa kahit anong paraan na maisip nila. Mamatay na sana silang mga lintik sila.

Advertisements