“Thank you.”

Napaka-overused at abused ng word na to, matagal ko ng alam yun, pero ngayon ko lang na-realized, that it has almost lost its real meaning already.

Nakitawag ako kanina sa phone ni Kuya Eugene,nung binalik ko sa kanya, sabi ko “Salamat.” Sabi niya, “Ha?” sabi ko, “Sabi ko, salamat.” Di man lang nag-welcome, akala ata basta nalang masabi ko yung thank you, parang tipong normal na salita na lang. Sayang, feel na feel ko pa mandin yung pag-te-thank you ko, talagang may sense of gratitude. Minsan ko lang kasi gawin, tulad ng minsanang pagsasabi ko ng “sorry.”, yung kapatid ni “Thank you” at “I love you”. Kaya dapat feel mo pag sinabi mo.

Tulad kanina, nung pinaupo ako ng maayos sa jeep na laging punuan pag uwian, sabi ko, “Ay, thank you po.” endangered species na rin kasi mga gentleman e, parang bayawak. Hehe.

Ayun lang, natuwa lang ako dun sa mama. At nalungkot na parang wala ng silbi ngayon ang pagsasabi ng “Salamat.” Ano kaya, sabihin ko naman yung sarcastic way na pagsasabi ng salamat, yung tipong “salamat, ha?” Haha.

O pano? “Salamat”, napadaan lang naman at ako’y antok na rin. At “Sorry”, kung sinayang ko yung mga limang minuto mong pagbabasa. Hehe.

Out na!

Advertisements