1movie09kc2

Kulang isang linggo matapos mag-power trip ni Mother Earth at malasin ang Metro Manila sa eenie-minie-moe nila ni Ondoy e nagpunta ako ng Savemore Supermarket tatlong hakbang mula sa bahay namin. Yun ung mga panahong gusto pa atang mag-encore at si Pepeng naman daw hahagupit satin. Oops, hindi po ako nagpunta dun para maghanda sa parating na bago. May paniniwala kasi ako na kapag in-anticipate ng mga tao yung bagyo, hindi nangyayari at hindi tumatama sa area na yun. At, TAMA ako.

Nagpunta ako kasi, wala na kong pagkain nun sa opis e. Hobby ko pa mandin ngayon magkakain habang nagtatrabaho, kaya siguro may mga limang langgam na rin akong na-murder kanina sa keyboard ko.

Anyhoo, di nagpunta na nga ako, kaso pagsilip ko, anak ng putakte, ang daming grocery hoarders, lahat ng pila mahaba, at lagpas-bente ang counters dun. Di na ko tumuloy, nagpunta na lang ako kinabukasan para mamili ng mga masusustansyang pagkain. Hehe.

Sa loob ng Savemore, na hindi ko alam bat Savemore e sa tuwing nagpupunta ko, nauubos pera ko, may mga tao pa ring naggogrocery pero di natulad nung una, di yun, pinuno ko na yung blue basket ko ng Cheez It, Mentos, Nestea Ice Tea, Choco Chum, Prima Toasted Bread, Polo Candies, Lucky Me Supreme Bulalo, Happy Peanuts, Trolli Gummy Worms, Tortitas, Trolli Sidewinder at Nachos. O diba? Ang sustansya? Haha. Medyo nahiya lang ako nung nasa counter na ko kasi lahat ng mga nauna at mga susunod sa pila sakin, talagang mga karne, noodles at gulay mga binili. Yung nasa likod ko, parang di pa siya makapaniwala habang nakasilip sa basket ko, gusto ko sana sabihin, “Oo, hindi sila pang-bagyo, pake mo?” Hehe. Kiber na lang.

Cashier: May SM Advantage Card po kayo?

Ako: *iling lang

Cashier: I’ve received five hundred pesos, Ma’am, your change, *binilang yung sukli*, two hundred blah blah blah.

Ako: (sa isip-isip ko) Siyet. Yun lang, two hundred twenty five and blah centavos? Whew. *Sabay tingin sa cashier at abot na rin ng pinamili sa bagger.

LOL.

Ang pointless ng point ko. Tara, is da you? Hehe. eto na, parating na yung point ko.

Anyhoo again, palakad na ko sa labas ng mapatingin ako sa isa pang counter. Wala lang, naalala ko lang bigla yung lagi kong tanong, bat lahat ng mga saleslady at cashiers ng SM pare-pareho makeup? Sa probinsya ba ganun din? Lahat kasi halos ng malls, mapa-high end o low end e pare-parehas sila e. Seriously, bat pare-pareho silang blue, pink o green lang ang alam na eye makeup? At fuschia pink na blush on at lipstick? Sinasabi ba sa orientation ng mga baguhang saleslady at cashiers na dapat e ganung kulay lang ang pwede nilang gamitin? Sino kayang HR ng mga to? katawa kasi e. Pinagmumukhang ktawa-tawa yung mga baabe. Tapos isang tumpok lang sa bawat pisngi yung may blush on? Ano ba yun, kala ba nila porcelain dolls mga babaeng to? Kala ko nga yung makeup naimbento para mas mapaganda o ma-enhance pa yung features ng isang babae, pero parang sa puntong to, ginagamit sila para maging katawa-tawa.

Sensya na ha, sa mga guys na nagbabasa nito, kung meron man, hehe, kasi babae rin ako, at naiinis ako na nagmumukha silang katawa-tawa. Weird no? Talagang pare-parehas sila ng ‘do’. Parang Barbie dolls gone wrong. Haha.

Sana magkaroon ng seminar si Ricky Reyes o kahit si Angel Aquino sa mga girls na to. At ng matuto na rina ko ng smoky-eyed na hindi ako magmumukhang raccoon. Haha. I mean, I’m not that of a good makeup artist either, heck, I don’t even deserve to be called an artist in that arena, but man, I do have eyes, both still have 20-20 vision and I’m not colorblind, pero nasusuya ako sa mukha nila. Gusto ko nga punasan yung excess makeup ng mga babaeng to pag nagbabayad ako e, haha. Kilo-kilo ang makeup, at kung babae ka, naiintindihan mo ko. Kasi sa totoo lang, mabigat naman talaga makeup sa mukha, diba?

haha. Pasensya na sa nonsensical rants ko, eto yata ang epekto ng mga ‘masusustansyang’ pagkaing kinakain ko, hehe, lahat na naman napapansin ko. pero, in fairness naman sa mga basurang to, pinapasaya ako lalo na pag bad trip ako o pagod na sa halos bland na araw-araw ko, murang-mura lang, P225.00, good for two weeks na po yan Ma’am, Sir, Ma’am, Sir! Hehehe.

Siyet. Di ko lam pano tatapusin, kaya ganito na lang bigla na lang tooooooooooooooot. insert color bars here.

😛

Advertisements