Happy Birthday Mama.

Late ako nagising. Late ako naligo. May dumi yung damit na isusuot ko sana. Masarap yung dark chocolate cake na inalmusal ko. Kaso sumakit tiyan ko. Masakit pa rin hanggang ngayon. Nakatatlong balik na ko sa banyo.

Happy Birthday Mama.

Late ako lumabas ng bahay. Sira yung motor, kaya di rin ako nahatid ni Papa sa sakayan. Cool. Nag-bus tuloy ako. Nakatulog ako nung makaupo ako bandang Cash n Carry. Ayun. Lumagpas ako. Sa BIR na ko nakababa. Dapat sana sa Makati Post Office.

Happy Birthday Mama.

Late ako dumating. Lagpas thirty minutes din ako late. Bago pa pala yun, muntik ako masagasaan kasi nagmamadali na ko. At masagasaaan pa ulit ng bike. Ayos.

Eksena: Tumatakbo si Carmina papasok ng office.

Rael: O, late ka na.

*Pag-akyat sa unang baitang, nasalubong si Fabian.

Fabian: O late ka na.

*Pag-ikot sa susunod na baitang, nasalubong si Kuya Ronald.

Kuya Ronald: O, late ka na.

Mina: Bat lahat kayo yan sinasabi? Late na nga ko! Hehehe

Happy Birthday Mama.

Lahat yan nangyari bago mag-nine thirty ng umaga. At bago ko mabati ang nanay ko ng Heypi Birthday.

Happy Birthday, Mama! Ayan, baka kung ano pa ulit mangyari sakin e.

“Heypi birthday. Yuck. ang tanda mo na. hehehe. hugs. :D” -tineks ko sa kanya. Nakalimutan ko kasi samantalang kausap ko na siya kaninang umaga.

Ayun. Hehehe. Ang unang takas na blog ko sa opis. Umaga ko sinimulan. Ngayon ko lang natapos. 5:12 pm official time. Hehehe.

😀

Advertisements