Naranasan mo na bang maplastik? Ako kasi oo e. Di ko na nga mabilang kung ilang beses na. Marami-rami na rin siguro. Yung iba, kiber lang. Normal na rin naman kasing nangyayari yun e. Kasing normal ng pagsakay mo sa jeep araw-araw at kasing normal ng trapik. Pero yung iba, malupit, masaklap pa, kasi kaibigan mo yung gagawa nun sayo.

Pero siyempre, bago ko alipustahin at ikwento yung mga taong yun, yung isang plastik na taong kilalang-kilala muna nating lahat, lalo na ko. Siyempre, di ako. Ang plastik ko kaya. Baka nga ikaw na nagbabasa nito pinlastik ko na e. Ano sa tingin mo? Iniisip mo na kung kelan ko ginawa no? Hahaha.

Isip. Isip. Sige, isip pa. Wag ka mag-alala, iniisip ko rin naman kung kelan mo ginawa sakin e. Quits na lang tayo? Sorry ha. Okay na rin kung di ka mag-sori kung pinlastik mo na nga ko. Hehehe. Pero alam mo yun, eto yung mga tipong tatanungin kang, “Okay ka lang?” “May problema ba?”. Siyempre, sasagot ka ng “Okay lang, ano ka ba?” kahit di ka naman talaga okay. O diba ang plastik? Hirap din naman kasi talaga magpaliwanag kung bakit di ka okay. Daming eche bureche. Maiilang pa yung nagtanong sayo. Baka next time di ka na tanungin, kasi nga paimbabaw lang naman talaga yung pagkakatanong niya kung okay ka nga lang ba. Unless, sincere siya sa pagtatanong nun sayo, o tsismosa siya. But that’s a whole other story. E pag sinabi mong okay lang, maswerte ka na nga kung magpa-follow up question pa yan ng “Sigurado ka?” Minsan din kasi, ang plastik na ng tanong na yan e. Parang out of courtesy na lang din diba? Kasing-plastik ng pag-aalok ng pagkain kahit alam mong di naman siya kukuha. E kung biglang kumuha kaya yan? Hahaha. Wala, masabi lang na nag-alok. Plastik no?

Oi, alam mo bang may sagot na yung SM sa dami ng plastik sa Pinas? Brown bag na daw gamit sa isang branch ng SM e. San kaya yun? Sana sa Manila rin no? Mas marami kaya makikinabang nun dito. Kaya siguro grabe epekto ng climate change no? Dahil sa plastik? Para naman mabawasan na ang epekto ng global warming, at hindi ko laging naiisip na end of the world na. Absurd, I know. Akalain mo yun, kung tao kaya gamitan din ng brown bag para mabawasan kaplastikan? Parang nung unang panahon: Makapili. Mga duwag nga pero di naman plastik.

Pero siyempre, yan pa lang yung mga mild na ginagawa ng mga taong plastik, kumbaga, white lies. Malupit nga nangyari sakin nung high school e, pero hindi ko na ie-elaborate. It makes me cringe whenever I have to. Matagal ko na ring ni-let go yung asar ko nung panahong yun. My gaad, ang hirap kayang magdala ng mabigat na damdamin. Nakakatanda at nakakapangit yun! Tsaka thankful na rin ako, dahil kahit pinutakte ng plastik ang batch namin, e tropa ko naman yung mga natirang hindi. Ewan, siguro, plastik din sila in a way katulad ko, pero men, eight years, kung nagpaplastikan pa ba naman kami hanggang ngayon, anlupit!

Dapat ata kasama sa seven deadly sins o sa 10 commandments yung pagbabawal mamlastik no? Di kaya, gawan na lang ng bagong batas, tutal puro pag-aamyenda lang naman ang alam gawin ng mga nakaupo ngayon maliban sa full time na pangungurakot at pangangampanya e. O di kaya, iso-suffocate ang mahuhuling mamamlastik.

Pero dehins na pala kailangan. Kasi isipin mo, ang taong plastik, di nagpapakatotoo, so basically, liliit mundo nun, tas para kang nakikipaglokohan sa sarili mo. Nakaka-suffocate. May namatay na kaya dahil sa sobrang kaplastikan ng isang tao? Cause of death: Suffocation. Pero pag in-autopsy, wala yung normal na symptoms na yun nga kinamatay. Astig!

Pero mas malupit pa kesa mamatay sa kaplastikan e yung pati sarili mo pinaplastik mo. Akalain mo yun, alam niyo pareho na nagpaplastikan lang kayo, kakasakal. Pero wala e, tipong okay lang ako. Okay lang ako. Ang plastik! Pilit niyong sinusuotan ng maskara ang isa’t isa kahit alam niyo naman pareho na hindi siya si Spiderman. At hindi ka rin si Batman. Cause of death: Suffocation ulit.

Nung nakaraan sabi ni Cristine Reyes sa TV nung kasagsagan nung Patient X promo, “Pinaghirapan ni Richard to, ito na yung pinaka-best performance niya blah blah blah..” Wala, wala na kong ibang naintindihan. Hard sell e, ang plastik. Ano yun? First time mo lang nakasama, alam mo ng yun na yung pinaka-best niya? Pangit kaya akting. Hahaha.

Naalala ko kanina, pinlastik ko ata yung kras ko e.Kasi kunwari di ko siya kras, pero totoo, kras na kras na kras ko siya. Kunwari na lang ikinuwento ko. Hehe. Baka din kasi ma-crush ako in the end. Hahaha.

Ang mga plastik ba na tao, tulad ng plastik na bagay e matagal din ma-decompose? Kaya siguro matagal mamatay mga pulitiko. Puro kaplastikan sa pol ads e. Bahala ka na magturo kung alin dun.

Tulad din ba ng plastik, ang nasa loob ng plastik na tao e napoprotektahan din niya from outside harm? Parang hindi ata,ako kasi, hindi e. Ang palstik ko pa mandin.

A, alam ko na solusyon. Idemanda ng gobyerno lahat ng plastic manufacturing companies, ng sa ganon, putol agad yung ugat. Wala ng plastik. Magtatagal pa yung lifespan ng mundo. O di kaya, bigyan sila ng quota per year ng dami ng palstik na i-mamanufacture, pag lumagpas, dagdag tax, tapos, yayaman na ulit yung mga pulitiko.

A ewan. Ang alam ko lang, parehas silang harmful sa environment. Parehong pag sinunog, mabaho. At parehong mananatili hanggang sa huli. Parang ipis. Di mamatay-matay.

Plastik, plastik, plastik. Ang hirap sa kanila, para silang mga bakla, dumadami kahit di nanganganak. Parang gremlins, ang papangit pa, pero kadalasan, magaganda rin ang itsura. Ang hirap din sa kanila, mawa-wow mali ka. At ang pinakamahirap sa kanila? Ako, ikaw, sila. Aminin mo, isa ka rin sa kanila.

102609.
At ngayon ko lang natapos. How’s this for kasabawan?
One down. One more draft to go.

Advertisements