Nalulungkot ako. Naisip ko yung post ko kagabi. At ang bilis ako sinagot ng kung sinuman. Nabrokenhearted ako ng makatanggap ako ng mensaheng pumanaw na raw ang isa sa mga para sakin ay institusyon na sa Pamantasan, partikular sa kolehiyo ng maskom.

piktol-piktol0877

 

Sir Ben, mahal na mahal ka po namin.

Sa bawat salitang pilit mong binibigkas para lamang maisaksak sa mga kakarampot naming pag-iisip ang ibig sabihin ng libel at iba pang media laws, salamat.

Sa bawat ambush interviews na ginagawa namin sa inyo para lamang makakumpleto ng report sa ibang subject, salamat.

Sa bawat hirap na hakbang, pilit na gestures, mga mumunting ngiti at payo, salamat po.

Sa bawat pagpupumilit niyong pumasok tuwing Lunes para lamang maisaksak sa mga puso namin ang magiging epekto ng libel pag naging mga journalists at media people na kami, salamat po.

Sa pagpupumilit pa ring magturo kahit bumibigay na yung katawan niyo’t na-heat stroke na kayo, at sa pagtitiyaga sa mga pasaway na estudyante ng Maskom, maraming salamat.

piktol-piktol0571

 

Naaalala ko pa nung na-heat stroke kayo, nag-iyakan kami nun, pinatikim niyo pa samin ang kaba ng pagpanaw niyo. Ito pa nga po yung post ko,http://minatots.multiply.com/journal/item/37/para_kay_sir_ben.. nalungkot na naman ako pagkabasa ko ulit. Di ko alam, hinahanda mo lang ba kami? Dryrun ba yun? Sino bang nagiging handa sa pagpanaw ng isang taong nakaimpluwensya sayo?

Dalawang sem. Parang dalawang semestre, tatlong oras kada Lunes ang sinayang ko. Hindi naman sa hindi ako natuto. Ngayon ko lamang naisip na kung isinaisantabi ko ang mikropono mo, ang makintab mong ulo, ang mga paggamit ko sa oras mo para mag-comply sa requirements ng ibang subjects, ang pagtatawa lalo na nung wala kang ngipin for two meetings 🙂 at pagpetiks tuwing oras mo, marami pa siguro akong natutunan. Kaya siguro paborito ka naming interbyuhin. Napaka-knowledgeable mong tao. Dun lumalabas lahat ng eksperiensya mo sa larangang kinain ang sobra pa sa kalahati ng buhay mong hirap kang ipakita dahil di na kaya ng edad mo. Ang swerte ng Manila Bulletin na pinagsilbihan mo ng higit pa sa singkwenta taon.

Di po namin makakalimutan ang lahat. Ang amazing nga, para naririnig ko pa yung boses niyo. Hindi ko pa nakakalimutan yung timbre, yung pag narinig ko, alam kong ikaw yun. Sana, may naitago pa kaming kopya ng kahit anong interbyu namin sa inyo.

Sir Ben, kayo po ang lolo ng Maskom. Kahit binabastos kayo ng isang prof na magaling, mas mahal kita. Masaya akong nahandle mo ko sa dalawang semestre, tuwing Lunes ng nakakaantok na hapon, tatlong oras kada sesyon, lima hanggang sampung minutong one on one conversations.

Masaya na rin po kami, dahil wala ng mga salbaheng maiingay na estudyante, pasaway na alalay, pagtsetsek ng walang katapusang essays, at mga kadalasang ambush interviews sa Manila Bulletin office ang bubulabog sa inyo. 🙂

piktol-piktol1112

 

Mula sa mga mag-aaral ng kolehiyong pakikipagtalastasang pangmadla, Sir Ben, Lolo Ben pag nakatalikod kayo, maraming maraming salamat po.

Di kita makakalimutan. Lalo na pag nanonood ako ng Friends, at andun si Ben. At pag nakakita ako ng Manila Bulletin.

Hero din kita.

Babay na. Logout ka na pala. Hanggang sa muli.

P.S.

Paolo, alam kong ikaw ang maraming litrato ni Sir Ben. 🙂

Advertisements