BAD TRIP. Bad trip.

Yun lang talaga yung mga salitang naiisip ko para i-describe yung umaga ko ngayon. Alam mo yung pakiramdam na wala kang magawa? Yun. Badtrip diba?

Ang aga-aga, na-bad trip ako. Gusto mo rin bang ma-bad trip? Ganito kasi yun. Nakasakay ako ng jeep papasok ng opisina kaninang umaga. May kasakay akong mga unfortunate people. Yung isa, putol yung paa, may saklay, tapos kasama niya yung asawa niya, na pupusta akong bata pa,  pero may mukhang pinatanda na ng kahirapan, tapos yung anak yata nila. Baby, mukhang ilang buwan, pero ipupusta ko rin na malamang isang taon mahigit na yung bata.

Sa buong duration ng biyahe, yung bata, dausdos ng dausdos sa mga hita ng ina niya. Hindi ko alam kung nagpapadausdos siya, o dumudulas lang siya mula sa pagkakahawak ng nanay niyang parang wala ng lakas. Alam mo kung anong nakakatakot? Nakaupo sila sa dulo ng jeep. Anak ng pagong talaga! Hindi ko maintindihan. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hndi niya mapigilan yung anak niya s apagbagsak mula s amga kamay niya. Takot na takot akong pag biglang pumreno e mahulog siya ng jeep.

Yung tatay? No reaction. Maya-maya, napansin ata ng babae na tinitignan na sila ng mga tao, nagdesisyon siyang padedein yung bata, nilabas niya yung suso niya tas dumede yung bata, ang hirap ng posisyon nung baby. Hay, naku talaga!

Kapag nga naman babad trip-in ka sa umaga. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga ganitong nanay na nag-eexist. Sabi kasi ni Mama, lahat ng nanay daw, mahal ang anak nila, ewan ko dito. Dapat lahat ng mga iresponsableng nanay, kinakatay. Naintindihan ko na ngayon yung feeling ni Kara David nung ginawa niya yung “Hingalo ni Bunso”, nakapag-iinit nga naman ng ulo ang mga pabayang magulang. Burn in hell talaga.

Kung ako, hindi ko kayang buhayin sarili ko, nunca na mag-anak ako. Para ano? Para pahirapan lang siya? Di na rin.

Isa na lang, gusto kong sabihin sa nanay na yun nung pababa na silang “Wala kang kwentang ina, umayos ka.”

Advertisements