Para kay Jose, at Marvie, at sa lahat ng nag-iisip na wala akong kakayahang magsulat ng tungkol sa love. hahahaha.

*********

Mahaba na naman siguro to. Pilit kong iniisip kung pano ikekwento to ng di awkward o chicken na lalabas e. Eff. Mahirap ata.

Hindi naman talaga ko dapat pupunta. Wala na kasi akong moolah, pero pucha, nung nagtext ka ng “Sabay na tayong magpunta?”, biglang nagbago isip ko. Willing na kong biglang gastusin yung huling ilang daan kong tinatagong allowance, (tagal ng sweldo!) makasama ka lang.

Okay lang. Hindi mo naman alam e. Excited nga kong makasama ka. Tawang-tawa nga ko sa text mo sakin nung sinabi kong iiwanan na kita, dami kasing eche bureche e late na nga tayo, tinetext na nila ko. Para kang batang mawawala. Sabi mo pa nga, “Sunduin na kita? Sige na, please.”

Sus, kung ganyan ka ba naman kabait sakin lagi e.

Mas nakakatawa ka nung sinundo mo ko sa babaan ng jeep. Naghahanap ka pa, e nasa harap mo na kaya ako! May sinasabi na ko saka mo lang ako nakita. Nakakainis ka talaga, kaya minsan, sarap mo tusukin sa mata e. Asa harap mo na, hinahanap pa.

Alam mo ba, natuwa-kinilig nga ko nung akala nung mga bata, girlfriend mo ko. Sus. Kung alam lang nila. No pansin nga ko sayo. A ewan. Naiinis na rin ako madalas sa sarili ko. Bwisit ka kasi, ang tagal niyo na ng girlfriend mo. Maganda ba yun? Cool kaya ako. Akin ka na lang.

Haynaku. Minsan talaga, mas masarap na lang tusukin mata ko. At ng matauhan na. Tsk.

 

******

UPDATE: Repost lang from 2009 okay? Transferring old Multiply files to WordPress. This does not mean I still feel the same way. (Defensive!)

Advertisements