I wanna let you in on a secret. I never was the talkative one. Normally, I’d kept things to myself, and then write about it later. But then, people change. So did I. I started voicing out my opinions, and become frank. Siguro ganun na ko dati pa. Ngayon lang nagfull blast ang pagiging taklesa. Madalas hindi ko rin maalala yung mga sinabi ko na, o naitext ko, kaya madali akong madedemanda ng libel o slander kung gugustuhin mo.

Isa pang sikreto. Boring ang buhay ko. Routine, siguro kasi lagi rin akong nandun lang sa comfort zone ko, hanggang dyan lang. Takot tumalon sa cliff. Kaya nung may mangyaring exciting at tumalon ako sa bangin, eto na mga tsismoso, err, mga taong may pakialam sa buhay ko. Gusto ng malaman ang juicy details.

Una. Nagresign ako sa trabahong okay naman. Okay ang location, cool ang mga katrabaho, lenient ang admin, at gusto ako ng boss. E bakit ako nagresign? Kasi, Hindi. Ako. Masaya. Sasabihin mo, sino bang tao ang masaya sa trabaho nila? Aba, madami a. Stressed sila, challenged sa mga work pero dahil gusto nila yung ginagawa, ayos. O baka dahil walang choice ganun.

Sige eto na nga. Hingang-malalim. For the record, eto na ang huling beses na ikukuwento ko to, nakakapagod na rin kasi magpaulit-ulit, gusto ko ng sabihan sarili ko ng “Paulit-ulit? Paulit-ulit?” Kaya pag may nagtanong ulit sakin kung bakit ako umalis, ireredirect ko sila sa post na ito.

Pagpasok ng buwan ng Marso, sobrang busy na ang lahat. As in overtime araw-araw, may pasok ng Sabado, zero social life, wala kang alam sa mundo. Sa totoo lang, ayos lang lahat ng yun. Isa pang confession, pag gusto ko ang ginagawa ko, may tendency akong maging workaholic. Pero ang hindi nakakatuwa e parang gawa ka ng gawa pero walang progress. Para kang nasa isang masamang panaginip na kahit anong takbo mo e andun ka pa rin sa pwestong yun. Okay pa rin, masaya naman kasi mga kasama mo, di na nga kami officemates, friends na kaming lahat. Kaya tuwing lunch break, napapag-usapan naming tong mga bagay-bagay na to. Dahil baguhan ako at beterana na ang ilan samin, e nakukumpara nila ang kaibahan ng sistema sa dati at ngayon. Iba nga. Iba kasi yung sistema. Magulo. Paiba-iba. Walang konkretong plano. May mga biglaang naiisip. Hirap ako kasi nakadirekta ako sa big boss.

Halimbawa, “Giezzelle, magpadala ka ng 100 invites pa-Hong Kong, 150 pa-Malaysia.” Pagbalik ko para magtanong, “50 padala mo sa Hong Kong ha. Tas mga 100 pa-Malaysia.” Ano ba talaga? Hindi lang yun, ang kinaiinis ko sa lahat? Konting kibot tinatawag ako, feeling ko e nakadepende na siya sakin. “Giezzelle, ilan yung sa ganito, Giezzelle, na-email mo na si ganyan, Giezzelle, eto pa,” at ang pinakamalupit sa lahat? “Giezzelle, bat nawalan ng connection?” Granted, assistant niya ko. And I am flattered that she asks for my opinion on things which sometimes I think is beyond me. Pero ang tanungin ako jung bakit nawalang ng net connection? What the heck.

Pero aaminin ko, masaya ko na ang tingin niya sakin is magaling ako, kahit na madalas e ako mismo nakukulangan performance ko.

E bakit nga ko nagresign?! Paikot-ikot, paikot-ikot?!

Sabado nun e, asa Pangasinan kami, getaway ko. Vacation para kila mama. Stress reliever ko, I love beaches, naso-soothe yung pag-iisip ko. E kaso mo, on my first day at the beach, magtetext ba naman na ilan na ang nadagdag na delegates, e tinatakasan ko nga un e, diba? Gusto kong huminga kahit two days lang. Hindi ako nagreply. Maya-maya nagtext si officemate, finorward sakin yung text ni big boss sa kanya na up until now e sasabihin kong ang stupid. I will stand firm on that. Ganito kasi para maintindihan mo kung san ako nanggagaling. Kung may event ka, ang marketing ay ginagawa months before the event itself. The month na magaganap ang event, dapat e preparations nalang yun for the event. Delegates’ kit, accommodations, plantsahin ang program, finalize ang walk-through sa lahat-lahat. Yun yung intindi ko. Pero 1 week before the event and market the event, not possible. To ask for sponsorship 2 weeks before the event is unthinkable. We’re grasping at straws, and I don’t like it. Tapos na yun e, yun na lang yun. Wala ng madadagdag pa, wag ng ipilit. I do understand where she’s coming, what with the company’s and her name at stake, plus the big profit loss, it’s a desperate move. Pero tao lang kami.

At nakakainis yun. See the thing is, we’ve had an exchange of sms, me and my officemate. E kaso mo, Smart siya, Globe ako. So I texted her on the Globe service phone. E kaso mo ulit, nung kina-Lunes-an, di niya pala binura yung mga sms ko, ayun nabasa ng mga chorva, at nagsumbong sa big boss.

Tuesday. Idedemanda niya daw ako. Woot. Natakot ang lola mo. Ngayon nag-iisip ka kung anong tinext ko kaya niya sinabi yun. Wala, nagsabi ako ng nararamdaman ko. Sinabi kong adik siya, in such a way na sasabihan mo yung kaibigan mo ng “Adik to! Hahahaa.” Yun, ganun yung implication. Plus words na may “inaning” at “I’m so happy” coming from yours truly. Na hindi ko na maalala na sinabi ko. The night before, alam na naming na malalaman niya unless mag-isip ang mga chorva at maisip na patapusin na lang muna yung event bago sabihin. Which is the wisest approach to the problem. Sadly, one of them was not wise enough to do that. Nagsumbong siya. Galit na galit siya. At nagsisisigaw Tuesday ng umaga.

Fine. Mali ako. Kami. Alam ko naman yun. Pero that was between us, usapang pang-kami lang. If only they knew what everyone is saying, then they would’ve fired every single person on that company.

Ang sama ko daw. Pakasama ng ugali. Pakasalbahe sabi niya bago ko umalis. Walang nararamdaman. Walang reaksyon. Buti pa daw yung isa may reaksyon,tipong may remorse, ako daw wala.

E wala na rin naman e, magpaliwanag man ako, mag-iiiyak man ako sa kanya at humingi ng sorry, wala na rin naming mangyayari.Naka-set na ang isipan niya sa bagay na yun. Bat ako mag-aaksaya ng oras? Effort pa ko. Di tumahimik ako, hinayaan ko siyang magsalita dun. Ayun, ang praktisadong poker face ni Carmina Mones, na-put to a test. Kung andun ka, baka kumanta ka pa e, Pppoker face, pppoker face, ma ma ma ma. Chos. Joke lang.

Ay, sabi pala nung isa, una palang daw, hindi niya na ko gusto. Alam niyang may attitude problem daw ako at hindi na nagulat na nagawa ko yun. Kung hindi alng ako naka-mute mode, sasabihin ko talagang, “Talaga? Don’t worry, the feeling is mutual. I don’t like you too.”

Yun, gusto pa nga sana ni Chorva number one na tapusin na namin yung event, kasi alam niyang mahihirapan magstart from scratch. Pero ayaw na ni big boss. At ayaw ko na rin. Gusto ko nalang talagang tapusin yung event na yun kahit ayoko na. Bakit? KAsi alam ko yung responsibilidad ko. Kung alam ninyo lang siguro kung paanong gabi-gabi ako magwhine sa kapatid ko, baka sinakal mo na ko. Pinayuhan niya pa nga kong mag-AWOL na, which I didn’t do dahil alam ko yung responsibilidad ko. Pero wala e, hanggang dun nalang talaga. Iniisip ko na lang na blessing in disguise na nabasa nila yun, kasi kung hindi, hindi na ko makakaalis sa kumpanyang yun.

Okay naman dun e, wala nga lang direksyon. Ang ikinagui-guilty ko lang talaga e yung sobra-sobrang tiwala na binigay sakin na sinira ko. Kahit pa nga naiisip ko na na-earn ko naman yun, fair and square e parang kung isampal niya nung huling pag-uusap e I don’t deserve it. Hindi ko naman hiningi yun, kusa niyang binigay.

Ayun. Ngayon, nakaipit sweldo ko, kung ikatutuwa nila yun at ikagagaan ng loob niya, di sige, one mouse away lang naman ang paghahanap ng number ng DOLE sa net. Oh, well.

P.S.

Medyo naguluhan ako sa sarili kong kwento,nagsubside na rin kasi yung nararamdaman ko. Kung naguluhan ka at gusto mo ng blow by blow account, kumpleto actions at thoughts at reactions, sabihin mo lang, makikipagkita ako sayo, BUM naman ako ulit e, o di kaya magcomment ka, tanung mo kung san ka naguluhan, yun nga lang, valid lang sya hanggang April 30. Hindi dahil sa may work na ko sa Mayo, kundi dahil iiwanan ko na yun sa April. Charge na lang to experience.

O okay na ha. Maghahanap na ko ng trabahong tatagal ako ng more than 4 months. Good luck sakin!

Advertisements