TGIF = Thank God It’s Friday.

Hindi yung kainan ha. Yung phrase mismo. hindi ko alam kung bakit, pero kakaibang saya palagi ang dulot ng Biyernes sakin. Siyempre kayo rin. Halatang-halata naman sa mga statuses niyo sa FB e. Iba-ibang variation lang, pero lahat gusto ipagsigawan sa mundo; “TGIF! TGIF! TGIF!” kung di ka lang magmumukhang timang, saya sana e no? Mula pa nung elementary ako hanggang ngayong nagtatrabaho na ko. Masaya lang. Ibig sabihin end na ng isang masalimuot na linggong nagdaan. At Friday night out. Kahit pa nga matrapik e okay lang. O di kaya Friday night marathon ng mga series na sinusubaybayan mo. At pwede magpuyat. Hay, ang saya talaga. Minsan lang nakakainis kapag biglang kailang mag-OT ng Saturday. Wala, sirang-sira lahat ng plano mo. Pero minsanan lang naman yun. Okay na rin.

TGIF = Thank God It’s Fayday (Pagtalonia, 2010)

Naks, kung makapag-APA citation pa tulad ni Carlo. lol. Mahirap na, baka masabihan plagiarism. πŸ˜› Anywhores, today is October 22. At dahil nilipat ng 10-25 ang sweldo namin from the normal 15-30, e sana talaga may sweldo ngayon. Wala lang, para lang maihirit ko tong line na to. Hahaha. Tsaka siyempre long weekend dahil eleksiyon sa Monday. Okay yun, may pera. Awoo. Sana talaga, sana lang may sweldo, kasi pag nagkataon sa 26 pa ang sweldo. At seryoso, mga Php75 nalang laman ng wallet kong ginto pa mandin. Pakabeggar lang. In my defense, asa pautang naman yung kaperahan ko ha. Hahaha. At yung iba naipambili ko na ng mga panlandi ko. Sana may sweldo ngayong swelday (Amponin, 2010). :))

TGIF = Thank God It’s Felix

Hahaha. Wala lang, sana masabi ko to on Monday. I mean, if you have been in constant communication with me or have been reading my blogs for the past three years, you would know that my father got cheated in the 2007 barngay elections. And he won the case this last August lang. Too little time para sana sa pagiging kapitan niya. Di naman big deal sakin if he’s the chairman or what in the sense na “Chairman tatay ko!” I want him to win because I know that he only wants the best for his ingrate constituents. Ayun lang, para din hindi mapunta sa wala yung pagpatol ko sa isang epal na supporter ng kalaban. πŸ™‚

Help us pray. I’ll be a watcher. First time! :))

Advertisements