Forty-four.

Sabi nila, life begins at forty. SO my mom’s four year’s old now. Hahaha. And we’re all fetuses. lol much.

Paktay tayo dyan. Sinabi ko edad ng Inay ko. Baka mapalayas ako ng wala sa oras nito. Hahaha. 🙂

Masaya lang. Birthday ni Mama. Kain lang sa bahay. mahirap pag waley pera. Tas mamam na. Masaya. Kanya-kanyang bukuhan ng mga kalokohan. Nakakaaliw lang kasi kasama namin umiinom nanay namin. Kasi yung iba, hindi nila angagawa yun e. San ka ba naman ng nanay na nakakasama mong uminom, siya pa nagyayaya ha; kasama mo mag-bar, siya nagbabayad; at kasama mo sa lahat ng pagbili ng mga kalandian. Instant bestfriend. Kaya masaya. Inggit nga yung iba samin e, kasi cool ang nanay ko. :))

Kaya lang panikera. Feeling ko nga default niya na yung SMS na “Nsan kna? Gabi na.” or may variation din “San kna? Kakain na tayo.” Tapos pag nawawala yung isa sa mga inakay niya, kung makaiyak daig pa si Juday at Sharon e. Lupet! Hahaha. Pero in fairness, pag mga nine pm na, tas wala pa kong nakukuhang text na ganun, napapisip din ako, “Bat di pa ko tinetext nito? Di na ko mahal ng nanay ko, di pa ko tinetext e. Hahaha.

Ang adik lang diba?

Kaso, plano daw niya mag-abroad. Ako lang, ayoko. Kasi wala na kong “ATE”. Ako kasi yung ate sa bahay e, pero nanay ko yung ate at nanay ko. Kaya ayokong umalis siya. Sana wag mautloy. Medyo selfish lang, pero kung gusto nila, di bahala na. Malaki na sila e. Hahaha. 🙂

Advertisements