So papaano mo nga ba masasabi na propesyonal ang isang tao? Yung hindi nalelate? Bakit, may kakilala ka na ba na hindi pa nalate ni minsan sa buong buhay niya? Yung laging nabibeat yung deadline? Pwede. Yung maayos makitungo sa mga kasamahan niya sa trabaho? Tama!

Pero ako, ngayon ko lang siguro masasabi na propesyonal akong tao. Kasi, gusto ko ng umiyak kanina pa. Pero hindi pwede. Hindi naman nila maiintindihan e. Ano? Sasabihin ko sa boss ko na hindi na ko makakapasok sa GMA kasi may sakit pala ko? Na-double whammy nga kong araw na to e. Wala na yung stepping stone ko, may sakit pa ko. Ang saya saya talaga. Pano ko naging propesyonal ba kamo? Akalain mo yun, nagawa ko pang magsulat ng mga articles na due ko ngayon kahit sumasakit yung ulo ko sa kaiisip kung bakit nangyayari to sakin. At malapit na kong matapos. Dalawa nalang.

Kanina pa rin naka-repeat sa player ko yung Defying Gravity, pero hindi ko mafeel yung certain strength na binibigay sakin nung kanta tuwing napapakinggan ko to. Oo na, alam ko naman hindi lang yun yung trabaho sa buong mundo at nasa maayos naman akong trabaho. Pero siguro hindi mo talaga ko maiintindihan. Gusto ko talagang makapasok sa kumpanyang yun dahil dun ako magsisimula. Dun ko nakikita na magagawa ko lahat ng bagay na kailangan kong gawin para sa career ko. Yun ang hub ng mga taong tulad ko, andun ang network of people na kailangan ko para mas madali kong ma-achieve yung mga yun.

Siguro tatanungin mo ko, bakit yun lang ba ang network sa buong Pilipinas? E ikaw bakit sa Starbucks ka lang bumibili ng kape mo, yun lang ba ang coffee shop sa buong Pilipinas? Oo, matigas ang ulo ko, at dun ko lang talaga gusto magbuild ng carer. Anyway, alam ko ang pathetic, pero gusto ko lang talaga mabigyan ng chance yung sarili ko dun. Sabi ko nga, gusto ko kasi malaman kung hanggang saan ako, saan yung limit ko, mabobore ba ko dun? Basta, yun yun.

Wala e. Para lang akong batang dinala sa Enchanted Kingdom, tapos sinabihan na wala kong ticket, kaya sa labas lang ako. Ayun, nakatanghod sa may carousel habang nakatingin sa mga batang masayang nagpapakahilo sa ikot at taas-baba ng mga nakatuhog na kabayo.

A ewan. Mag-gi-grieve muna ko. Kasi andun na ko e, feeling ko nga matatanggap na ko e, akalain mo yun, meron daw pala akong sakit. Utang na loob. Ang saya maging si Carmina Mones ngayong araw na to. Gusto mo makipagpalit ng buhay?

Akalain mo yun, mabilis pa kong natapos magsulat ngayong araw na to. O diba, ang saya sayaaaa! Ang sinungaling ni Miley Cyrus. It’s the climb pa siya diyan, puta siya. Naiisip ko na lang na kumbaga s apanliligaw, mas pinahihirapan ako para mas ma-appreciate ko yun. Yung tipong hindi lang ako basta-basta magre-resign dahil nga, nabored ako.

Oo nga pala, George, hind mo na muna ko malilibre sa first day ko at di muna kita malilibre sa first sahod ko. Kasi kailangan ko pa magpagaling, bago ko makapasok dyan. Kaya, ipasa mo ulit yung resume ko, hahaha.

At Patty, hindi na muna pala kita mauunahang magresign, sige na, mauna ka na sakin. Or not. Depende pa rin siguro kung anong maiisipan ko.

Tsaka, Melai, di pa pala ko yayaman kaya hindi pa ko magkaka-amnesia at makakalimutan ka.

Sa huli, gusto ko sanang sabihing “Help me, Lord.” Pero napakasatanista ko ngayon, wag na lang. Sorry. Sige, awayin niyo ko, okay lang naman yun sakin. Hindi talaga ko bagay maging mabait. Bukas nalang ulit ako magiging anak ng Diyos.

Advertisements