Kung boyfriend ko lang ang trabaho ko, sasabihin ko sa kanya ang mga katagang yan. Hindi naman sa nagrereklamo ako or anything, dahil sa totoo lang masaya ako, nacha-challenge at super masayang ine-explore ang bagong mundong ginagalawan ko. Yung 2 years ko ng inaantay. Hahaha. Nakapasok na din sa wakas.

Sa totoo lang, matatawa ka sakin pag nalaman mo sigurong nung wala pa ko dito, eto ung lagi kong dinadasal. I mean, sure, gusto ko rin naman magkaroon ng <s>sakit ng ulo</s> boyfriend, pero dinadasal ko talaga kay Lord, “Lord, ibigay mo na sakin, give me a chance, kahit wag mo na ko bigyan ng boyfriend. Hindi ko siya kailangan. Muna.” Hahaha.

So bakit ako nakikipag-break muna sa trabaho ko? E kasi, na-miss ko na yung perslab ko. E di pagsusulat, ano pa. Tamad-tamaran ako for many months. Siguro naumay din ako kasi yung dati kong trabaho, nire-require akong magbasa ng magbasa, mag-edit ng mag-edit at magsulat. Di ba, umay lang. I mean, sure I said that if you really love what you’re doing, you don’t get tired of it. E pero di ba, marami namang mag-boyfriends at mag-asawang nagkakasawaan at nagkakapaguran rin. So ayun, pansamantala akong nakikipag-break sa pagiging researcher (ang current job for now na kain oras pero naghahanap pa ng bagong raket) at bumabalik sa pagiging writer. πŸ™‚

Wala, pasakalye lang talaga to s amuling pagbabalik. Pakiramdam ko nga, rusty na ko e. Pero marami talaga kong gustong ikwento. Totoo. Bubuhayin ko ang Maynila! Char! Ang herbigfatmouth.wordpress.com pala at tutuparin ang pangako sa sariling: blog more often.

So kung isa ka sa mga naligaw sa pahinang ito sa mundo ng blogosphere, isa sa mga dati kong ka-Multiply, ka-Facebook at isa sa mga sampung readers ng blogs ko sa Multiply, oo, handa na kong mag-rant, magkwento at kaladkarin ang sarili ko muli. πŸ˜€

 

Here’s to more updates! *crossing my fingers.

Advertisements