Disclaimer: Nung nasa jeep ako, maganda na ung construction ko. Pero hindi ko maalala kung paano ko dapat isulat. Rusty. Pero tinuloy ko na rin. Ikaw na bahala kung sasayangin mo oras mo. Tandaan mo, binalaan kita.

 

Araw-araw sumasakay ako ng jeep papasok sa opisina.

Biyaheng pa-Cubao. Magbabayad ng P12 (o P13 kapag buo yung binayad ko, grabe lang sila Manong magpatong, parang 7-11).

Bababa sa may Seattle.

Sasakay ng isa pang jeep pa-GMA Timog.

Araw-araw ganun lang. Medyo mahaba biyahe, pwede ka matulog, kung wala kang perang ipapadukot; pwede kang tumunganga; pwede kang mag-isip ng istratehiya ng gagawin mo para makapag-book ng bagong guest; pwede kang mag-sounds; pwede kang ma-bad trip sa driver dahil lahat ng pwedeng hintuan hihintuan niya; at pwede kang ma-bad trip kung makakasakay ka sa ganitong jeep tapos maiiwan ka na ng van sa pag-pull out, gusto mong sumigaw ng: “Tangina manong, magkano ba lahat ng upuan dito? Bilisan na natin, nampota!” Kaso maalala mong 9 nga pala ngayon at 10 pa ung sweldo, petsa de peligro. 😐

Pero kanina, wala lang. Kakaiba lang. Ganito yung eksena. Mainit. Ewan ko kung bakit e Nobyembre na, medyo confused ata yung weather, kasing-confused ni Piolo. Si manong drayber mainit ulo, wala daw pasahero (sige kuya, good luck makakuha kang madaming pasahero ng alas diyes, pumasok na silang lahat kaya!) nakikipag-away sa isa pang drayber, lahat daw ng pasahero kinukuha.

Anyway, sa gitna ng iringan nila kapag humihinto, bigla kong naisip na siyet, totoo nga! Ang buhay ay parang jeepney ride. Oo nga’t pwede kang pumili ng tatabihan mo, pero hindi ka pwedeng pumili ng tatabi sayo, sabi sa love quote. Minsan, mabango, pogi at malinis. Minsan naman malagkit, marumi at sanay na yata sa amoy niya, kiber na sa makakatabi. May mga maraming dala, kala mo gagawa ng obstacle course sa jeep! May production numbers at Kapwa Ko, Mahal Ko segment din minsan. Lalo na kung magpa-Pasko!

Minsan din, yung poging katabi mo, bababa agad di mo pa nga nananamnam, tas yung nightmarish na dinadasal mong sana bumaba na, e sa terminal station pa pala bababa. Saklap lang talaga minsan.

May mukhang mabango na mandurukot pala, may suspicious looking naman na hindi niya naman kasalanan na suspicious looking siya!

May mga jeepneys na kung tawagin ay patok (super lakas sounds na hindi mo marinig kaluluwa mo na grabe magpatakbo, akala ata lahat ng tao nagmamadaling mameet si San Pedro); may mga parang isang kalawang na lang hindi pumipirma e bibigay na tulad ng driver na matanda na rin; may mga jeep din na lahat hinihintuan, gusto papasukin at gawing sampuan ang siyaman  lang naman talaga! Ewan, marami pang iba, pero kung commuter ka ring tulad ko, alam mo na yun, di ko na dapat i-elaborate pa.

E anong punto? Haha. Wala. Naisip ko lang na , kahit anong mangyari, ano mang jeep yung masakyan mo, sino man makatabi o tumabi sayo, matulog ka man sa jeep o makikanta sa radyo habang biyahe, umupo ng paseksi o umupong pang-tres nalang, ikaw pa rin naman magdedesisyon kung ano yung gagawin mo during those minutes or God forbid, hours ng pag-stay mo sa jeep. Prang sa buhay mo. bahala ka, gawin mong worthwhile o sayangin mo.

Pati nga mga drayber e. At the end of the day, sila pa rin naman magdidikta kung gagarahe na sila ke umabot ba sa boundary o hinde. In short, naisip ko, lahat tayo nagdadrive ng sari-sarili nating jeep. Pagdating sa terminal station, at tanungin ka ni San Pedro kung umabot ka sa boundary, ilang pasahero ang naasar at natuwa sa serbisyo mo, ilan nasagasaan mo, ilan nakaisa sayo at hindi nagbayad, ilan ang hindi mo sinuklian ng tama (yung mga naliligaw na first time naghahanap), ikaw na bahala sa sarili mo.

 

A ewan. leche. walang punto. ayoko kasing ispoonfeed sana. pero alam ko iniisip mo ngayon, sana ini-spoonfeed ko na. hahaha. ako din e. yun naisip ko. wala. akala ko lang kasi ako si b1 at ikaw si b2. at naisip mo na ang naiisip ko. 😛

Advertisements