Di ako sikat. Di ko rin naman pinangarap maging artista, pero sana talaga makachummy ko si Aljur tsaka si Dennis Trillo lalo na ngayong Kapuso na ko (Pero bat hindi ko pa rin sila nasisilayan?!). 😀 Pero pangarap kong maging sikat sa paraan na hindi pang-masa, yung tipong kokonti lang yung nakakakilala sayo. Example, Michael Cinco.Eros Atalia. Di na si Bob Ong kasi nag-mainstream na siya. Aureaus Solito. Yung mga ganun. Ngayon kung di mo sila kilala e, di ko problema yun, gusto mo i-Google mo.

Bat ko ba nasabi to? Kasi, nakakataba lang ng puso na malaman na may mga taong nag-aabang sa sunod mong isusulat, kahit na alam mong wala naman silang kwenta. Naalala ko nung nagkausap kami muli ng aking estranged classmate. Nagulat lang ako ng malamang binabasa nya pala ang blogs ko nung tanungin nya kung bakit hindi na raw ako nagbablog. Nagulat naman ako, bukod sa matagal kaming hindi nagkausap, 6 years (?) akalain mo lagpas kalahating dekada rin pala, e nasususbaybayan nya pa buhay ko.

Tapos nito namang nakaraan e tinanong rin ako ng isang kaibigan kung may Tumblr ba daw ako. Kako wala, bakit? Nagbablog pa daw ba ko? Sabi ko di masyado pero nirerevive ko kahit sobrang busy ngayon. Sabi ko bakit? Sabi nya “Wala na kasi kong mabasa e.” Waw, fan! Hahaha

Hinde joke lang. Nakakatuwa lang isipin na may mga nalilibang at nauuto kang tao na mag-aksaya ng oras basahin ang mga rants mo sa buhay. Hahaha. Kaya sa 10 followers ko sa blogger, salamat. Hahahaha.

At sa mga nakakatabang pusong “nice blog”, “nice one, Mina”, “I’m starting to become a fan of your writing” at sa mga pailan-ilan na nagsasabing gawing kong karera ang pagsusulat, ay salamat. Kahit lahat sila ay mga kaibigan kong inuuto lang din pala ako. Salamat, fan niyo rin ako. Mag-fan-an na lang tayo. Hahaha.

AT dahil dyan, pipilitin ng lola na buhayin ang aking malayang pagsusulat. Hindi ko na sila iiimbak sa laptop kundi ipopost na dito, ang aking bagong pamamahay; kung saan lahat ng posts mula ng matuto akong magblog ay matatagpuan. Kita-kita tayo dun, at lalo nyo pang palakihin ang puso ko! 😀

Advertisements