Nakalimutan kong i-post for some reason. Pero natawa ko. Kaya eto:

Dear Kuyang katabi ko sa bus kanina,

 

Pasensya ka na kung tinulugan ko yung balikat mo. Hindi naman tumulo yung laway ko e. Tsaka mabango naman ako, bagong ligo kaya ko, mamamasa-masa pa nga buhok ko. Sensya ka na pala dun kasi nabasa ata yung long sleeves mo, pusturang-postura ka pa naman. Tsaka ang homey kasi ng right arm mo, masarap tulugan at ang tangkad mo kaya saktong-sakto yung pagbagsak ng ulo ko. Tapos malamig-lamig pa kanina, body heat kumbaga. Hihihi

Nag-enjoy ka ba? O galit ka? O nahiya ka? Hahaha. None of the above? Siguro naman hindi ka galit kasi kung ayaw mo di sana ginawa mo ung mga ginagawa ko sa mga nakakatulog at napapahilig sa balikat ko: inaangat ko ung balikat ko o gagalaw ako. Hahaha. Pero di mo naman ginawa so siguro nahiya ka lang nga. O nagandahan ka sakin. nak ng! lakas! Hahaha! Pero siguro nga, kasi paggising ko, nakatingin ka lang sakin. Hohoho.

Kung uulan at malamig bukas, tabi ulit tayo sa bus? Hahaha.

P.S. sa mga makikibasa lang. Hindi pogi si Kuya. Sayang! Pero mabango sya! 😀


					
Advertisements