Matagal ko ng pangarap makapasok sa GMA bilang researcher. Wala lang. Challenging, magagamit ang pinag-aralan, mate-test ang charm, resourcefulness, pasensiya at lahat-lahat na sayo.

Hindi ko ito alam four months ago. Gusto ko lang talaga nun makapasok sa GMA kasi, G-M-A yun. Ano ba? Hahaha. Tsaka kasi ipinangako ko sa sarili ko na kapag nakapasok ako dito, susulat ako ng libro. Yun ang di alam ng marami. Tipong “Idiots Guide to Entering the Media Industry.” Aminin naman natin, wala naman kasi talagang ganun dito sa Pilipinas. Hindi ko rin alam actually kung bakit wala pang gumagawa nito na ang tagal-tagal na sa industriya.

Ano yun, ayaw niyo i-share yung mga natutunan niyo? Parang nacha-chakahan naman ako sa ganun. Lalo pa’t ang dami-daming taong fascinated sa kung paano ang mundo sa likod ng paggulong ng kamera. Naks!

May pagganun. Kaya eto. Sa mga susunod na blog posts, magkukwento ako ng mga bagay-bagay sa kung papaano ka makakapasok dito. Hindi naman ito exclusive for Maskom grads. Alam mo bang may engineering grad na GMA reporter ngayon? Alam mo rin bang hindi ko maalala kung sinong reporter yun? Hahaha

Pero siyempre, medyo biased ang mga susunod na Idiots Guide ko, kasi siyempre, pang-GMA ang mga makukuwento ko dito. Siguro rin naman yung iba applicable kahit nasa ibang istasyon ka. Pero yung mga kwento dito, mas swak sa mga gustong magpa-alipin sa Kapuso Network.

Pwede rin namang magbasa yung mga sadyang curious lang sa kung papaano nagtatrabaho ang mga tao sa media. 😀

Hanggang sa muli. Paalaaaaaam!

Advertisements