I’m sorry but I just had to share this story. Madali kasi akong makalimot. And this is really a worth-it sharing lol post.

See, I’ve been working with GMA Network for quite some time now, and one of the shows I’m researching for “Follow That Star” wants to follow Ramon Bautista. Binigay sakin siya as unang-una kong guest. However, nag-decline ang lolo mo kasi daw “mahiyain” siya. Imagine, Ramon Bautista mahiyain? Weh?

Eto na. Pintakasi event. We’re shooting Madame Imee Marcos for Powerhouse naman. Since indie film eto, andun si RB! Ayows, sabi ko sa sarili ko, makakapagpapiktyur na ko kay Idol!

Tumitingin-tingin na siya nun sa gawi ko (siguro na-familiar sakin aksi nakisakay ako nun sa service nila nung Christmas plug shoot ng News TV), tas umupo sa mesa naming mga taga-Public Affairs (PA).

Eto ngayon usapan namin:

RB: Taga-GMA ka din?

M: Opo… Ako po yung nangungulit sa inyo e. Yung sa Follow That Star.

RB: Ay pucha! Ikaw pala yun! Sana sinabi mong chicks ka pala! ANo ulit pangalan mo?

M: Mina po. *laughs. Kelan na po kayo magpa-follow samin Ser?

RB: Ayoko diyan e. Mahiyain ako. Ang pangit ng bahay ko.

M: Sige na po, Sir Ramon.

RB: Napanood ko diyan si Maey (Bautista) e! Tsaka si Aljur!

M: Mas pogi ka pa nga kay Aljur e! RB: Ah, syempre naman! Lamang lang yun ng ilang paligo sakin!

M: Kelan po kayo magpa-follow samin?

RB: Ah. Sa March. marami akong gagawin sa March. Di kaya sa April. April!

M: Promise yan Ser ha!

RB: Andun pa ba show niyo nun?

M: Number 1 po kaya kami sa News TV!

RB: Ahhh. Number 1 kayo ha?! NUmber one kayo?! Number one daw sila o. (sa mga katabi namin)

M: Joke lang! Hahahaha. Pero opo.

RB: Kami ba alam mo kung pang-ilan? (referring to May Tamang Balita) Matatanggal na daw kami e. Alam mo ba?

M: Nge. Ang ganda-ganda po ng show niyo e!

RB: E siyempre!

M: Sir. Pwede po ba magpapicture?

RB: Oo naman! Gusto mo pati number ko bigay ko pa e!

M: Meron na po e.

*takes picture na parang bagong kasal daw sabi ng cameraman na tawa ng tawa sa exchange of conversation namin.

Tumake 2 pa with water. lol talaga

RB: Ay oo nga pala. Itext mo nga ko para alam ko kung sino ka. (after itext ng smiley) Ikaw to? 69 dulo ng number? Smiley?

M: Opo. RB: Taga-san ka ba?

M: Sampaloc po.

RB: Nako, high maintenance!

M: Taga-GMA din naman po ako e! Hahaha

RB: Sa Tuesday, magshushoot kami. Andun ka ba?

M: Sa cube lang po. Katabi ng cube niyo.

RB: Ah. Tara. kain tayo sa Chic-boy!

Tawa na talaga ko ng tawa sa part na to. lol After niya lumibot-libot ulit sa mga tao, nininja na daw siya.

M: Ser, isave niyo number ko ha. Kukulitin ko po kayo!

RB: Oo, sinave ko na. Para alam ko sino iiwasan ko.

😀   ALIW TALAGA!

Kina-Tuesday-an. After meeting with PSD sa 11th floor at pagdaan sa gazebo, may sumigaw sakin ng “Ate Mina!”

Aba paglingon ko, si RB nakataas pa kamay at nakangiting tinawag ako!

Ahahaha. Anggaling niya makatanda ng pangalan. Siguro dahil propesor pa sa UP! Natuwa lang talaga ko at napa-hello po!!! at umalis na din dahil madaling-madali na talaga ko.

Tuwang-tuwa din naman ang EP ko dahil malapit ko na din daw mapa-oo si Ramon na magguest samin.

Sana. Sana talaga. Super gusto ko ma-follow ang taong ‘to. Superrrr astig kasi!

Advertisements