Ang saya saya lang ng araw na to. Alam mo yung sayang may naiwan ka palang bente sa pantalong ni-recycle mo? E yung makita mong nakatitig sa yo yung kras mo? Yung magising ka tas may 10 minutes pa bago magg-alarm yung alarm clock mo? di ba ang saya saya? Pero super mega bongga pa dun yung saya ko kanina! Hahaha.

Kasi naman, magwi-window shopping lang sana ako sa Payless, paglabas ko ng store, 6 boxes ang karay-karay ko. Whooops! Bago mo isiping ang dami kong salapi para gumastos sa isanlibo mahigit na sapatos, SUPER MEGA BONGGA SALE sila! Yun bang tipong pinamimigay na lang yung mga sapatos at P200 a piece?

Oo. Di ka nagkakamali. Two hundred pesos yung mga more than 1k na shoes. May mga regular-priced at half off at mga 20%-30% off. Pero men, iba to! Imagine, Gumastos lang ako ng P1,300 for 6 pairs of shoes (P300 yung designer booties ni Christian Siriano!)

Kaya yun. My inner Imelda was unleashed. Kakasabi ko palang na bibili ako ng shoes, eto na. I bought the brown ones for my mom though. Wala, as a thank you lang. My sister was kind of pissed though kasi I wasn’t able to give her one. I was thinking kasi that she’s the edgier between the two of us and I’m more the girly one so I couldn’t pick the pair that would best fit her. Lalo na nung naalala kong kinukwestyon niya yung ibang mga binibili ko at nako-confuse na naman daw ako sa gusto ko. Hehehe. So was thinking, sayang naman if di niya magustuhan.

In any case, will post the photos ASAP. This is prolly the happiest February I would have! Who says you need a boyfriend to make your Feb full of love and smiles? Hahaha! I’m in love with my new babies! XD

Advertisements