For lack of a better term, crush immunity na lang ang itatawag ko sa isa pang moving on process na naisip ko. Nagmamarunong lang. 

Pero kung itatanong mo sakin kung san galing ang reverse bittering, galing yan kay Ser Ramon Bautista, ang Haro ng Formspring! 😀 Ang Reverse Bittering ay isa sa mga pinakamabisang paraan para maka-move on ka sa babae o lalakeng bumasted sayo. Ganito yun: Uunahan mo na kaagad siya sa bago ka pa man niya ayawan. 

Halimbawa: Isipin mo lahat ng mga mapapanget na bagay sa kanya, sa ugali man o sa pisikal na kaanyuan, like, okay lang, jejemon naman siya, o okay lang kung ayaw niya di wag may “p”  at “f” defect naman siya, or tipong, “Okay lang, parang mabilis siya makalbo, chaka ng genes, lalo na kapag babae ang maging anak namin, ang gastos sa hair products”. lol

Kung may mas titindi pa, go. Before you know it, natatawa ka na lang na taktang yan, bat ko ba nagustuhan/niligawan/umamin ako sa taong ito. Ganun lang kasimple. Galing diba?

Ngayon naman punta tayo sa Crush Immunity. Eto super epektibong paraan para sakin. This is how it works. Halimbawa, yung kras kong lalaki ay hindi ako gusto, o tropa lang o kapatid ang tingin sakin, o sobrang mahal na mahal niya yung girlfriend niya, ang gagawin ko?

Hindi ko pipigilan ang sarili kong i-stalk ang profile niya sa Twitter, Facebook, Tumblr, Friendster (charossss) at i-Google search siya para sa mga ibang bagay na pwede ko pang malaman tungkol sa kanya. On the verge of obsession talaga ang peg. 

Ngayon kapag nasanay na ko, wala na manhid na. Malalaman ko na lang, siyet sawa na ko. Di ko na siya crush. Di ko pipigilan ang sarili kong isipin ng isipin siya para ma-immune ako. Mas epektib kapag kaka-break niyo lang. Kakaisip kakakwento mo, pagod ka na. Matatawa ka na lang ulit kapag naalala mong siyet, inubos ko bandwidth ko sayo, pakshet ka. Kung nag-research na lang sana ako, di nakakuha na siguro ako ng ex deal na pinapagawa sakin. 😐 Okay, personal na yun. Hahaha. Parang pagkain lang diba, kakaulam mo ng adobo, darating at darating ka sa puntong ayaw mo na. Hehehe. Ibang usapan na lang nga kung kanin siya. Pfft.

Ngayon bakit ko sinasabi to? Breather lang sa pang-i-stalk ng lola. Hahaha. Aba, malay mo ba naman kung umepek to diba? Back to regular programming na, nafi-feel kong matatapos na ko. Hehehe.:D

Advertisements