Ang sabi ng istasyong pinagtatrabahuhan ko, Think Before You Click daw. Kasama ako sa mga gumawa ng dokumentaryong iyon din mismo ang title. At ilang linggo lang ang nakakaraan, muli itong ipinaalala samin nung meeting ng boss namin. 

Bilang nagtatrabaho daw kami sa isang istasyong pinagkakatiwalaan, walang kinikilingan at walang pinoprotektahan, e ganun din dapat kami. Sa totoo lang, mahirap. Kasi tao ka lang naman talaga, may mga ganitong pagkakataong wala kang mapagsabihan ng mga ka-bullshitang nangyari sayo ng araw na yun o kabullshitang sinabi o ginawa sayo ng ibang tao at maloloka ka kung hindi mo siya mailalabas. Para kang natataeng ayaw lumabas, o pinipigilang lumabas; hindi makausap ng matino at di mapakali. Ganon. Minsan gumugusto akong magverbal diarrhea.

Kaya para sa pagkakataong ito, bigyan niyo ko ng pagkakataong maging si Carmina lang. Hindi si Carmina na nagtatrabaho sa istasyong iyong ang daming gustong ipagawa samin, di naman taasan ng bongga ang sweldo. Haha.

Ang ngaragers ko lang lately. Parang hindi umaayon ang mga bagay-bagay sa side ko. Simpleng pagbaba sa tamang LRT station nagkamali pa ko. Tanga much lang diba. Sarap iuntog ng ulo ko sa pader kanina e. Sayang P8. Ni hindi ako makakuha ng matinong ex-deal dinner para sa guest ko. Ni hindi ako nakakuha ng permit para sa eereng palabas bukas. Tengenang yan. At walang silbi ang tingin ng producer ko sakin.

Sana lang alam niyang nakakapagod naman kasi siyang katrabaho paminsan. Yung tipong suko na ko, ayoko na talaga, pero wala ka ng magawa kasi ikaw na ang naka-assign na team up sa kanya. Pota. Nakakalungkot. Sarap humiling ng “swallow me earth and bring me back Wednesday morning” or Sunday morning, depende sa eereng show at producer. 😛

Pinakanakakainis lang yung ipaparamdam at isusumbat sayong wala kang kwenta at wala kang nagawa o ginagawa. Pero ang totoo, meron ka namang ginagawa, nag-conspire lang ang buong universe para hindi sumang-ayon sa yo kahit isang star man lang (kahit na ipinanganak ka ng Year of the Dragon tapos dapat swerti ka din daw kahit di naman ako masyadong naniniwala dun). A ewan, basta ang mantra ko para sayo ay “Hindi kita papansinin. Hindi ako magpapaapekto sa kung anong sasabihin mo. Hindi na ko iiyak dahil sayo. Hindi kita rereplyan hanggat naiinis pa ko. Hingang-malalim. Tatanda ako agad sayo kaya ayoko.”

Pwes. Bahala ka ngayon na tumanda lalong itsura. Ako ayoko. Kaya hindi pa kita nirereplyan. Kaya ako umalis ng cube, para kitang pinaglilihian e. Sabi ng kasama ko, kapag producer ka, masamang kalabanin ang mga crew, sasabotahehin nila ang shoot mo. Masama ring awayin ang researcher mo, kasi baka kasing-maldita niya ako. 😐 Charos lang. Wala naman akong ginagawang masama. Ayoko na lang may maka-clash pa ulit na tao. Please lang, nagpapakamabait na tao ako these days. Feelingerang sign of maturity ko kuno. Ang hirap pala. Lalo’t normal akong prangka at sinasabi ang naiisip ko.

Feeling dormant volcano tuloy ako. Jusko Lord, wag mo kong pasabugin, please. Ayoko na ulit magsalita(yp). Baka kung ano pa masabi ko. Dudugtungan ko na lang ulit yung Idiot’s Guide on Being A Researcher ko. Baka sakaling may maligaw na gustong maging researcher at willing maranasan ang mga naeexperience ko, and more. 😀

Advertisements