Karamihan sa mga taong nakikilala ko, naa-amaze pag nalaman kung saan ako nagtatrabaho. Ang daming tanong na minsan nakakainis sagutin kasi ang istupido. Pinaka-istupido na marahil ang: “Dun ka nagtatrabaho? Di ang dami mong nakikitang artista?” Siyet. Kung nakamamatay ang kababawan, kanina pa siguro siya bumulagta dun.

Syempre, may network ba namang walang artista? (Wait, may artista ba sa NBN?) Pero para sagutin yung tanong mo: Oo, saglit pa lang ako sa istasyon, pero nakasakay ko na sa elevator ang favorite tween stars niyo, nakasabay ko sa washroom ang mga Istartruck Idols niyo, nabugahan na ko ng usok ng paboritong artista niyo, kinabahan ako sa tanong ng isa sa pillar ng istasyon at nakita ko ng bukas ang zipper ng isa pang pillar (buma-blind item!). Ipinagbukas ako ng pinto ng Brazilian hunk, sinigaw ng Hari ng Formspring ang pangalan ko sa gazebo at narinig ko na ang tsismisan ng isang artista sa kapwa artista niya. O eto malupit yung kaibigan ko, 3 artista na ang nakitaan niya ng cleavage sa elevator. Dadagdagan pa daw niya as time goes by. lol.

Ooops. Dami ng pasakalye. Eto naman para dun sa mga taong pangarap talagang makapasok sa industriya. Pero bago ko sabihin yun, sasabihin ko rin muna sa yo ang 3 dahilan kung bakit dapat mo munang pag-isipang maigi ang bagay na ito bago mo sabihing pangarap mong magtrabaho sa isang network.

Una. Hindi ito glamorosong trabaho. Kung gusto mong makakita ng artista palagi, manood ka ng ASAP Live, Party Pilipinas at kung anu-ano pang palabas tampok ang mga iniidolo niyong artista. Pumila ka sa Manny Many Prizes o Willing Willie madami ring nagge-guest na artista dun. Mahirap dito. Puyat ka, flexible ang time, meaning on call. Kesehodang may party kang sinet 3 months ago o last year pa, kung may shoot ka ng araw na iyon at walang sasalo sayo o hindi mo naiayos ng maigi, gagawin mo. Walang holiday, legal man o gawa-gawa lang nilang mga nakaupo sa puwesto.

Pangalawa. Maraming bawal. Mas malupit pa ata sa Bawal ang Pasaway ni Mareng Winnie, na isa din daw pasaway. So kung pasaway ka, di ka pwede dito. Sure, pwede mong isuot ang gusto mo, gupit na gusto mo, pa-tattoo-an mo buong katawan mo, wala silang pakielam sayo. Pero wag kang gumamit ng service sa personal na gamit, bawal yun! Eto patawa, pag di mo suot ID mo, mabi-breach ka. May breach mula A-D, kasinghaba ata ng articles of impeachment, char lang! Mga half lang. Hehehe. Bawal makikain, bawal tumanggap ng kahit ano (alam mo naman na ito, journalism code of ethics teh!) at may bago! May ten-hr rule. Kwento ko nalang to pag tinanong mo ko ng personal. lol

Pangatlo. Baka tawanan mo ko, pero nakakatawa talaga. Hahaha. Kung sa akala mo, lahat ng makakatrabaho mo dito e intelihenteng tao, nagkakamali ka. Meron ding mga tanga-tangahan, tulad ko paminsan. Hehehe. Sabaw ang mga tao pag airing, di mo sila makausap. May mga maldita lalo sa mga bago, may mga mababait, tulad ko. lol. Pero wag ka talaga mag-expect na lahat e nakakatuwa. Sobrang nakaka-stressed magtrabaho dito na iniisip ko ng kumuha ng health insurance, just in case. Meron ding mga makapag-utos wagas. Kala mo nabili na nila pagkatao mo sa episode na yun kaya ikaw wala ka ng magawa kung hindi magdasal ng “Lord, sana po matapos na lang ito.” O di kaya mag-vent out ng mga nararamdaman mo sa mga kaibigan at kasundo mo sa opisina, tulad na lang ng hobby ko. 😀

.

..

Ngayon kung sa puntong eto e hindi pa rin kita nakumbinsi at talagang gustung-gusto mong maging parte ng industriyang ito, e wala na kong magagawa. Gumusto ka, wag mong sabihing hindi kita pinagbawalan.

Para sa unang surefire way, ayun o! Magtapos ka sa isang magandang eskwelahan. Preferably yung super sikat. Nako, alam mo naman, uso pa rin ang school discrimination. Pero dapat naisip mo to bata ka pa lang, para nakapag-aral ka sa isa sa Big 4. School pa lang dapat papampam ka na. Sabayan mo pa yan ng pag-OJT din sa kanila para kumpletos rekados na ang resume mo. Kailangan mo na lang galingan sa exams niyan!

Ngayon, kung magkatulad tayo na hindi gumraduate sa Big 4, fret not, hindi naman lahat silang gumraduate dun nakakapasok. May iba pang ways! Kung may kakilala ka sa loob, pwes, gamitin mo na. Backer, kailangan pa bang ime-morize yan?! Pero ako, iba ginawa ko. Nagpapasa ako sa friend ng nanay ko sa loob sabay flood ng resume sa e-mail ng kumpanya. Hindi ko na alam kung ano dun yung umepekto. Siyempre dapat din e kapansin-pansin naman yang resume mo, beefy ba, concise but sweet. Pero ha, hindi nito ina-assure na makakapasok ka. Pampapansin lang to para makapag-exam ka. Pagdating dun, same level na kayong lahat. Talo-talo na. Kaya galingan mo examination! Tsaka interview, para mapili ka.

Para sa huli kong payo, be creative! Eto nakuha ko sa EP ko, wag mo ng gayahin nga lang, gawa ka ng sarili mo, be original, bawal din kasi ang plagiarism, hindi lang sa industriya, kundi kahit saan. Eto ginawa niya, nagpadala siya ng letter sa head ng News and Public Affairs stating how much he would love to become a part of the network. He sent his resume in magazine format and he did not just emailed it or drop it off the buildiing’s entrance like how most people would do. Ano ginawa niya to make sure that the big boss would get it? Pina-LBC niya, with the instruction that the receiver would have to be the one to sign the receipt and no other. Ayun. Wagi ang lolo mo, in-endorse ng VP ng News para makapag-exam at nakapasa, Executive Producer na nga ngayon! Bongga diba. Naka-copyright yang idea niya ha, umisip ka ng sayo.

Yan ang 3 ways para makapasok ka dito. Wag ka lang mawalan ng pag-asa. Eto kwento ko ha. June 2010 ako unang nag-exam, di ako nakuha sa position ng prod coordinator (Thank God, ang hirap na trabaho ampota) at na-sched for next interview Dec 2010 na! Hindi rin ako natanggap kasi may sakit pala ako nun, unfit for work, imagine my horror. Dami kong hirap nun ha. Tapos August 2011 ako nakapag-exam ulit at nagtuluy-tuloy na. So far so good. May mga glitches along the way, sure.

Pero okay naman, mababait mga tao (halos lahat) may mga poging makakasalamuha (may girlfriend, bading o ayaw umamin na bading) Haaay, buhay. Pero okay lang! Masaya. Pero hindi para sa lahat. Kaya pakaisipin mo munang mabuti ha, sayang kasi ang slot ng work para sa mga taong super gusto talaga kesa sa mga taong nasisilaw lang naman sa kinang ng pangalan ng kumpanya. Naks may pagganon! 😀

Advertisements