Bat Ganun?

Kadalasan ng mga nagiging kras ko, kung hindi may kras ding lalaki, taken naman. Tas yung super tagal pa ng relationship na siyet, mahirap agawin to a. (Charlots.) Lintek.

Bat Ganun?

Kung kelan sabi ko, titigilan ko na kaka-stalk sa FB, Twitter at Google ng pangalan mo, magtetext ka naman ng magtetext sakin.

Bat Ganun?

Kung kelan umeepekto na ung reverse bittering ni Ramon Bautista at crush immunity theory ko sayo, magpapapansin ka sakin.

Bat Ganun?

Ano ba problema mo?

Di na nga kita pinagpapapansin dyan e ineechos mo na naman ako.

Haay.

Bat Ganun?

Kung iisipin mo, ang dami-daming tao sa mundo, papaano ka nga ba makakasiguro na yang nilalandi mo ngayon e yun na nga ang the one na sinasabi nila? Pano kung hindi katulad ng mga puzzle pieces e ikaw yung walang kaparis? Ano ang kasiguruhan o sign man lang sana na siya na nga yun? Pag pinakasalan mo na? Pag may anak ka na? Pag may mga apo na kayo dun? E ang dami dami namang taong naghihiwalay araw-araw. Malas lang ng mga abogado satin, daming mahirap na walang pera pampa-annul, so hiwalay na lang. O weno ngayon kung may anak o may apo na kayo, e diba yung music video nga ni KatyPerry, “the one that got away” kahit tumanda na sila e iba pa rin mahal niya?

E kung sa “the one that got away” din lang, e meron ako niyan. Sabi ng kapatid ko, feelingerang frog ako na nagmamaganda at hindi um-oo. E sa “hindi pa ako ready” (#famouslies) Kaso mo, nung naging ready ako, lokohan naman. Pero matagal na yun, natatawa na lang nga kami pag naiisip namin.

Iniisip ko nga e. Ang tanda ko na, 23 na ko pero hindi pa rin ako naiinlababo. Natatawa ko nung nakaraang balentayms sa kakornihan ng mga tao sa paligid ko, napa-eew at natawa sa natanggap kong bouquet at teddy bear, pero na-touch ako ng sobra sa heart-shaped balloons na nilagay ng nanay ko sa kama ko. Kahit pa nga ba ninenok lang daw niya yun sa mga designs sa kabilang department ng opisina nila. Labo ba?

Oo naman syemps! Labung-labo nga ko sa sarili ko e. Hindi ko nga alam kung maswerte ba ko na hindi pa ko naha-heart broken at nag-e-emo laslas o ang malas ko dahil hindi ko pa nararanasan mainlab.

Kaya nga rin siguro sabi nung singer friend ng lolo ko, okay ka sana kumanta e, kaso wala kang feelings. Aray ko. Sorry naman, hindi ko pa rin naman kasi nae-experience yang punyetang pag-ibig na yan na ewan ko ba naman kung sinong henyo nagpauso e dinrowingan yata ako ng bilog, di daw kasali sa matututo.

Minsan nga iniisip ko, ano kayang feeling? Totoo ba yung mga asa cloud nine kuno, spark, nawawala lahat ng mga tao at kung ano pang pakana ng mga romcom para lang bumili ng tiket ang mga taong inlab, gusto mainlab at hindi alam ang meaning ng salitang love?

Siyet. Parang timang lang. Pakiramdam ko, ako yung batang nasa labas ng karnabal. Nasa dulo pa ng pila at naghihintay na makapasok at makasakay sa rides. Nakatanghod sa mga tao at iniisip kung gaano ba nakaka-high yan, nakatinging sa ibang batang umiiyak dahil di nila kinaya yung ride, o nasugatan at na-trauma na talaga. O yung mga naputukan ng lobo.

Yung feeling ng excited, pero takot. Gustong ma-experience pero maraming apprehensions. Tinatype ko to ngayon naiisip ko si kras. Dem yu. Hindi kita bati. Charlots lang. Siyempre, sa susunod na pagkikita natin, super eager na naman akong pakinggan mga sinasabi mo, o di kaya i-encourage ka pang magkwento kung tinatamad ka na magkwento.

Advertisements