Magnum.

PH? Eeeee.

Huli sa balita teh? Yung tigsisingkwenta pesos na ice cream (P60 kung sa 7 11 ka bibili). Di mo pa rin alam? Yung ice cream na trending sa Twitter ngayon. Yung sabi ni Ramon Bautista, bigyan daw siya ng chocolate (di chocolate, ice cream yun!) na pinag-uusapan sa Twitter. Yung ice cream na dami-dami nagsasabing masarap. Yung ice cream na masaya yung kaibigan kong si Dickson kasi natikman niya na daw ang social climber’s popsicle. Punyeta naman kasi sa pagkamahal ang ice cream na to.

Ang overrated lang. Sikreto ha, pero 2 flavor na yung natikman ko ng Magnum, isa nalang bingo na ko. Hehe. Wala lang, mahilig kasi ako sa sweets tsaka grabe naman kasi ang hype ng ice cream na to, nakakatempt talaga.

Well, overrated talaga. Masarap kung sa masarap, pero is it worth my P50? Di naman. Yung chocolate coating masarap pero yung ice cream sa loob normal lang. Makapagsalita naman tong mga taon to, parang Starbucks lang din naman yan, sus! Kung pwede ka namang mag-Twin Popsies, maging nga ng ice candy, talo-talo na e.

Pero teka lang. Hindi naman talaga yung Selecta Magnum ang point ng blog na to talaga kundi yung word na bestseller. Kumain lang kasi ko ng Magnum at bilang bestseller ngayon ang ice cream na yan e naisingit tuloy.

Sa loob lang ng 2 araw, 3 beses akong nabiktima ng salitang “bestseller”. Kung susumahin, sa 2 araw na yun, P315.00 ang nawala sakin dahil lang sa salitang yan, damn marketing strategies.

Case in point number 1:

Sa loob ng Watson’s

Me: Eto na lahat shades ng lipstick niyo?

Saleslady: Yes, ma’am.

*Dumampot ng Barbie pink lipstick

S: Ay ma’am, bestseller po namin yan!

M: Talaga?

S: Opo. Marami na pong bumili niyan e.

*tinesting sa kamay ang lipstick.

M: Sige, pahingi ako ng isa.

 

Case in point number 2

Metrowalk, Ortigas kagabi

Habang tumitingin ng pagkain. Naengganyo kami ng kaibigan kong si Macky na mag-mixed rice kahit na sinabihan akong “Ang layo ng idinayo mo para sa mixed rice teh” ending, magmi-mixed rice din pala siya.

Macky: Teh, tignan mo mga pangalan nito dali.

Sita Rice, Alipusta Rice…. (di ko na maalala yung iba) Ang tagal pumili ng lola.

Crew: Ma’am, yung Alipusta rice po bestseller namin.

Mina: Ah talaga? Sige nga te, isa nga niyang alipusta rice (alimango, pusit, tahong)

Case in point number 3:

Metrowalk pa din habang papauwi na.

Mina: Gusto ko talaga ng dessert. Yun ung kanina ko pa ina-eye e.

*nakakita ng mga cheesecake

Mina: Te, magkano po?

Ate: P85. Eto P90, P100.

Mina: Ano kaya? Blueberry cheesecake kaya.

Ate: Yan bestseller namin ma’am. Nakakalimang kahon na ko tignan mo.

Mina: Talaga? Isa nga te.

 

Ayun. Ang dali kong i-please nakakaloka. Please don’t utter the words bestseller to me again. It’s like robbing me off of my hard-earned dinero. lels. Yun lang pala ang keyword para mapa-oo ako. Except for clothes and shoes ha! Mahirap ng maglakad ng bigla kang may makikitang kaparehong damit, worse, if mas maganda siya magdala sayo. Nyahaha. So di yan ang dapat mong gamitin sa kin. 😀

Advertisements