Hindi ka na pala mapipigilan. Sinunod mo na yung mga una kong ipinayo  nung nakaraang blog post na So Gusto Mong Makapasok sa Broadcast Industry? Eto Ang Tatlong Surefire Ways, naging original ka ba tulad ng sinabi ko? Wag mong gagayahin yung EP ko ha. Hehehe.

Ngayon sabihin na nating umepek ang pagpapapansin mo at tinawagan ka na ng HR para mag-exam. Siyempre, natuwa ka at um-oo ka diba? Excited ka na, hindi ka makatulog at ina-anticipate mo kung ano yung mga itatanong kaya?

Sabihin ko na sayo. Nakapag-exam na ko sa 2 malalaking estasyon. Bigyan kita ng tip ngayon.

Sa kabilang estasyon, mas simple yung exam. Di ko na masyadong maalala pero may current affairs, may abstract, may essay at may pagkukwento, bilang news writer yung inexam ko, kaya siguruhin mong may alam ka sa mga nangyayari sa loob at labas ng Pilipinas hane, para hindi ka mabokya sa exam.

Ngayon, sisiw lang para sakin yun, kaya’t nagtaka ko nung hindi ako nakapasa. Ang theory ko? Noong panahong nag-exam ako, kasagsagan ng presidential elections, ang essay? Sino ang bet kong presidente noong 2010. E anti-Noynoy ang lola diba? Di puro ayaw ko kay Noynoy ang nilagay ko bilang wala pa kong napipiling kandidato nun. Ang peg ba ng essay ko ay “Anyone but Noy” so ayun, nashonggal ako. Feeling ko lang naman yun, di ko pa rin sure kung dahil sa mababa yung ibang scores ko din diba? Hahaha

Sa pinagtatrabahuhan ko naman, iba exam sa HR mismo sa HR ng News and Public Affairs. madali lang sa HR. Simple lang ba, kung bumagsak ka pa, ay teh, kabobohan na talaga yun ha!

Yung sa News and Public Affairs ang nakakaloka. Parang ayaw nila magpasa talaga ng tanga-tangahan, nakakaloka. Siyempre, baka mapagalitan ako pag inispluk ko kung papaano ginagawa ang exam, baka palitan pa nila lahat yun ako pa masisi diba. Tsaka super sobrang dali na nun sayo pag nagkataon, e ang siste nga diba, only the qualified people can make it.

Pointers To Review:

1. Journalism Code of Ethics

2. Manood ng manood ng TV, alamin ang mga kaganapan sa loob at labas ng bansa. Kilalanin ang mga newsworthy. maging news junkie. Kumain ng newspaper few days before the exam.

3. Mag-aral magsulat ng maganda (hindi yung handwriting ha) Storytelling ba.

 

Tsaka maghanda ka pala ng magandang pen, kasi ang dami ng isusulat mo. Haha. Pero depende rin naman yun kung may maisasagot ka, kung wala naman, e kahit wala ng ballpen. Pero syemps, di mo hahayaan yun diba? Sayang ang opportunity, e diba gusto mo ngang maging aliping saguiguilid na hindi natutulog tulad namin? Hahaha.

Ano pa ba dapat mong i-expect? Ah. I-expect mo ng malamig sa conference room, magdala ng jacket para di madivert ang attention mo sa ginaw. I-expect mo na rin na may mga pabida-bidang mga tao kang makakasabay, nakakakaba kung fresh grad ka, pero isipin mo nalang na pareho-pareho lang kayong nangangarap maging aliping saguiguilid ng network, so no worries, diba? 😀

Ayun lang. For now. Sana lang sa susunod, marami pa kong makuhang tips from other practitioners para naman hindi puro sakin lang ang idea dito. 😀

Advertisements