After the pahabol MOTS (man on the street) shoot that we had for Follow That Star image plug, the girls (Ate Cheng, Jocel, Dianne and I) went to Chocolate Kiss. Di ko na maalala, but I think that’s right, right? Haha. It’s the one near Amoranto, QC and it also has a branch in UP Diliman.

T’was a fun girls’ night out, parang wala lang kaming mga iniintinding shoot na gagawin kinabukasan or on the coming days. Haha! I had grilled cheese with side salad, Dianne had chicken teriyaki, Ate Cheng and Jocel both had that yummy chicken kiev I truly wish I ordered, and we all had fun making chismax and kwentuhan lang. 🙂

We head back to base (GMA) after kasi Ate Cheng asked a favor from Rocco Nacino to give a birthday greeting for her gay friend. Superrr tagal naming naghintay for Rocco who’s practicing for PartyP. so super kwentuhan muna.

Di ko na alamsa kung papaanong nangyaring umabot kami sa mga nung unang panahon at naaalala mo pa ba? moments. Eto yung mga napag-usapan namin tsaka ilan na rin sa mga naalala ko pa.

Naalala mo pa ba nung mga panahon ng drop call? “San ka na?” “Dito na ko” “LRT” “Bilis!” Hahaha. Nakakatawa diba?

Tas yung mga times na dapat may P8 ka para makapang-missed call, kasi nga mahal magtext, so ang pagpaparamdam ay as good as miss call na lang.  Tapos pag nag-missed call yung crush mo diba superrr kilig ka pa? Hahaha.

E yung super tipid ka sa load kasi nga P300 lang yung pinakamurang mai-lo-load mo at galit ka sa makikitext sayo? Haha!

Naalala ko pa nga yung kapatid ko sabi niya pasahan ko daw siya ng P10, e di nga pwede yun. Ayun, months later nauso na ang pasa load. Sabi nga ni Kuya Betong, “AMAZIIIING!”

Eto naman bigla ko na lang naalala. Alam mo pa ba yung times na tape pa lang yung gamit at mega rewind fast forward ka pa kakaplay ng favorite mong BSB song? E yung gagamitan mo ng ballpen para manually magrewind ng tapes o betamax? Nagkaron ba kayo nung rewinder na kotse? Kami meron e tas sinira ng kapatid ko, pinasakan ng pinasakan ng mga maliliit na gamit, pati yung player na Betamax ata yung tawag. Haha!

E yung family computer na ang mga laro ay Super Mario, Bomber Man at Tank yung mga usong laro? lol. Sensya, yun lang din kasi ang mga nilalaro ko, bukod sa Pacman. Haha!

E sila Cedie, Princess Sarah, Perrine, Patrash at Remy? Sila Eugene, Taguro, Jeremiah, Jericho? Lupin the III minahal si Fujiko? Hahaha! Diba paunahan pa pag-uwi para lang wag maka-miss ng episode tapos pagkukwentuhan niyo the day after a parang walang nakapanood sa inyo?

Uso pa ba yung tigpipisong paper dolls? Ten twenty? Pataasan ng bilang sa hula hoop at jumping rope? Teks at pog? Tamagochi na hindi ako nagkaroon (loser much!) kasi sabi ng nanay ko wala naman daw silbi (na later on ay na-realize ko din dahil ang dami kong kaklaseng na-kumpis (kumpiskahan) ang kanilang mga alagang ang iingay kahit klase)

What about yung mga umiilaw na rubber shoes, naaalala mo pa? Nainggit yung kuya ko dati sa ganun ko e, pati pala tatay ko din! Hahaha! 😀 Tapos diba habang naglalakad ka, nakatingin ka sa likod, akalain mo yun, napaka-accident prone ng rubber shoes na yun ha!

E yung nyetang MS DOS na hindi ko maintindihan, Visual Basic at syet sa tigas na typewriter at liquid paper pang-erase? lol talaga

Yung Lipps candy na ginagawang lipstick ng mga batang malalandi (for the record, di ko to ginawa ha) Choki Choki (Toki Toki kung purita ka) tsaka yung fad na Zagu na ang laki ng straw nakakaloka ang hirap uminom, naaalala mo pa?

Hindi ko alam kung ginawa niyo rin to, pero yung sulatan between friends, mukhang timang lang pag naaalala ko, pero nakakaaliw, nakakatawa at nakakatuwa at the same time pag binabalikan ko yung pagbasa sa mga yun.

Wala lang. Nakakaaliw lang. Ang sarap balikan kung gaano kasimple lang yung buhay noon. Nakakatawa pag iniisip mo na pinoproblema mo alng e yung wala kang assignment, o hindi ka nakapagdala ng P.E. uniform o di naman kaya e hindi ka nakapag-review ng spelling at hindi mo pa maalala kung ano ba ang mauuna sa “e” “a” at “u” pag nag-spell ka ng “beautiful.”

Haay, sana ganun na lang lahat diba? P1.50 lang ang pamasahe, apat piso yung kending bubble gum na pink at pinapaliguan ka pa ng nanay mo bago pumasok. Haay. Haay na lang talaga. Hirap pag tumatanda. Nung bata pa ko, excited akong tumanda, pero ngayon, Lord, wag mo kong patandain, help me stay 23 forever (kahit ang daming nagkakamali saking high school student pa rin) Beybe pez.  😀

 

now insert E-heads’ Minsan here para mas masaya.

Advertisements