At sa kung papaanong paraang alam kong sinasabi mong “Punyeta, ang haba ng title niya! Ini-status na lang sana niya sa Facebook, hindi pa siya nagsayang ng bandwidth at pagod sa kaka-type.”

E ayoko e. Di rin naman kita pinipilit na basahin to. Choice mo pa rin yan. At espasyo ko to sa internets. Kung babasahin mo, bahala ka na. Rant ko to.

May isang bagong bagyong sumasalanta sa mga konyo, pakonyo, feelingera, palasakay sa bandwagon at mga social climber (sabi ng kaibigan ko, hindi ako) sa Pilipinas. Sa ibang bansa, matagal ng kilala at kasing-common na lang ng sorbetes ni Mamang Sorbetero sa kalye ang nasabing ice cream. Sabi ng Tito kong nasa ibang bansa (na sobrang in touch sa mga kaganapan sa Pinas), hindi naman masarap, at mas marami pang mas masarap na sorbetes kesa sa inilalako ng Selecta.
 
Alam nating totoo yan. Andyan ang Haagen Dasz (tama ba spelling?), Ben and Jerry’s at Swensens daw na lahat ay hindi ko pa natitikman bilang ako’y isang hamak na mamamayang Pilipinong masayang nagpapaalipin sa isa sa malaking kumpanya sa bansa lamang.

Kung hindi mo pa rin alam kung ano ang ipinupunto ko dito e saang kuweba ka ba nanggaling? E di yung Magnum. Yung ice cream na binabalutan ng Belgian chocolate at may ice cream sa loob. Pasensya, hindi ako magaling sa pagdescribe ng mga pagkain bilang hindi naman ako mahilig kumain.

Nakakatawa lang kasing isiping ang daming nagreak sa inistatus ko sa hyped na Facebook din dati tungkol sa nasabing ice cream. Bato bato sa langit, tamaan wag magalit. At guilty. Hoho.

E ano naman kasi sayo kung hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangang magpalitrato kasama ng sorbetes na yan tulad ng hindi ko maintindihan kung bakit kailangang magpalitrato habang mabagal kang humihigop ng Istarbak? E sa opinyon ko yun. Kung sa tingin mo e maganda ang litrato mo, e nasa sayo na yun. Basta ako hindi nagandahan. Charot!

Katulad din lamang daw ito ng pagpapakuha ng litrato sa iba pang pagkain. Sige, ibibigay ko sayo yan. Katulad nga ito ng pagpapapiktyur habang kumakain/umiinom ka ng inihahain ng Serenitea, Krispy Kreme, Estrel’s, Burgoo at kung ano pang mga mamahaling something dyan. 

Tanong ko lang: Nagpipicture ka ba habang kinakain mo ang Jollibee meal, isaw, french fries sa kalye at Tivoli ice cream? Talaga? Ginagawa mong profile pic at nilalagyan ng “Here at blah blah with friends sipping my frappe?” Weh?
Nagets mo yung punto?

Pangalawa. Hindi daw status ang pagkaing ito at cheap daw sa SRP nitong P50, pero mabibili ng P5 mas mahal sa 7 11 at Ministop. Weh? E bakit nung huling kumain ako, ang daming taong nakatingin sakin, para bagang royalty (Congrats nga pala sa Selecta, at na-achieve nila ang “royalty” na ikabit sa ice cream na ito) ang tingin nila habang sinusupsop ko ang makasalanang tsokolateng itech.

Eto ang upsot nila kuya.

Kuya 1: Yan yung mamahaling ice cream diba?
Kuya 2: Waw. Naka-Magnum si Ate!
Kuya 3: Si Ate kumakain ng tigsisingkwentang ice cream.

Hindi pa kasama dyan yung mga stares na nakuha ko habang kinakain ko ang pagkaing ito. Sige, sabihin mo ulit saking hindi status ang ice cream na ito. Sa isang bansang naghihirap ang napakaraming tao, katumbas ng P50 ang isang value meal, 6 na minimum fare ang P50, P12 per unit sa PUP at isang kilong bigas ito, hindi mahal ang P50 na ice cream?! San ka nakatira teh? 

Sige, sabihin na nating ilang digits ang sinasahod mo, o galing ka ng mayamang pamilya. Try mo kayang bumaba sa pedestal na kinatatayuan mo ng malaman mo kung gaano kalaki ang P50 sa isang normal na tao. Ako nga nanghihinayang pag nawalan ng P20, P50 pa kaya?

Hindi naman ako nagmamalinis, dahil natikman ko na naman ang overhyped ice cream na to ng ilang beses. Go, sue me and write a blog about it while you’re on it, too. On bad days, I succumbed to its rich chocolate goodness to make me feel good. And on superrr good days, I reward myself for doing a job well done. 

But not to the point that I have to post a dumb photo of myself holding a Magnum ice cream or its wrapper for all the world to see. What’s the point really? Sinungaling ka ba at hindi maniniwala ang mga tao na nakakain ka na nga nito?

Kailangan ba talaga ng pruweba sa lahat ng gagawin mo? Food connoisseur ka ba at nire-review mo ang ice cream na ito? 
Did you know that many foreigners and Filipinos in different countries are laughing at this nonsensical fad? Hahaha. Luma na kasi sa kanila ang Magnum e. Feelingero naman tayo.

In time, mawawala rin ang hype niyan, at yun, yun ang panahong pinakahihintay ko. 

Wala. Nabababawan lang ako. Sa kaparehong paraang nabababawan ako sa mga pelikulang ipinalalabas ngayon sa merkado na over-hyped din. 

Asus, alam ko na sasabihin mo. Nabababawan ka din sakin dahil pinapatulan ko ang mga ganitong bagay. Pero sana, maisip mo na mag-scratch beneath the surface ng mga sinasabi ko at makita mo ang underlying fact na gusto kong ipamulat sa yo. 

Ganito na talaga tayo kasuperpisyal e. Wala, wala na yata talaga tayong magagawa.

Para tapusin ang entry na ito, gusto ko sana mag-post ng “Fuck you, Magnum photos” dito sa internets. Isang litratong may hawak ako ng isang mura na, masarap pang ice candy. Kung gusto mong maibsan ang init na nararamdaman mo, di kumain ka ng Magnum mo, wala namang nagsabing kailangan mo pang ipangalandakan sa buong mundong kumain ka nito.

Ipinangangalandakan mo din ba sa buong mundo kung yung sanitary napkin na gamit mo pag dinatnan ka ay with extra chorva for heavy flow, mega breathable at non-itch kembot? Parang wala pa naman akong nakitang kinuhanan ang sarili niya ng ganon. 

Ulit: This is me thinking out loud. Go think out loud yourself. I really don’t give a flying fuck.

Advertisements