Fourth year. Second grading kuhaan ng cards. Nakakuha ako ng 87 sa Physics, a big leap from that 81 (lowest grade) I got in the previous quarter. I was rushing to the faculty room to thank my teachers.

Mina: Sir Dominguez!!! Thank you pooooo!!! 87 from 81! Yehessss! (Note that I was too happy at this moment)

Sir Dominguez: *smiles

History teacher: Bat kay Sir Dominguez mo nagte-thank you ka? Binigyan kita ng 90, di ka nagte-thank you saken?

Whoooops!

Faculty room nga pala yun! Classic. Isa sa mga experiences kong di ko makakalimutan nung high school.

Para sa Physics teacher ko nung high school na nagpapursige pa sakin na mas magaling pa ko sa 81; sa lahat ng lessons tungkol sa motion, velocity, energy at force na hindi ko naintindihan; sa lahat ng lessons tungkol sa motion, velocity, energy at force na napa-yahoo! ako dahil na-gets ko ang mga “f = m x a”; sa mga sobrang hirap na lessons na nagsabi saking, “Hindi ka matalino sa Physics, Math, at kung ano mang may numbers, try mo mag-Maskom, iha” na sinunod ko naman; THANK YOU PO. 

Mabuti naman ang kinalalagyan ko ngayon. Hindi po ako nagpursige ng kurso sa Math. 😀

Sa Physics teacher ko at anecdotes niya tungkol sa “panget” niya daw na  asawa; sa asar niya sa mga Iglesia (tabi-tabi po) kahit isang eskinita lang ang pagitan nila ng templo ng INC; at sa mga paglabas namin ng room para kompyutin ang bagsak ng anino ng flagpole, hahaha! di ko talaga makakalimutan yun, THANK YOU PO!

Thank you Ser. Happy birthday! Saludo ako sa inyo at sa lahat ng teachers ng NTC. Mwah. 🙂

Advertisements