Gusto ko talaga maka-experience yung tulad sa movies kahit minsan sa buhay ko.

Alam mo yun,

Yung eksenang masasalo ka kapag nahulog ka sa hagdan or stool

Yung may music, bells or shit whatever kapag magkasama kayo

Yung kayong dalawa lang yung nage-exist kapag nagkatinginan kayo

Yung may bonggang eksena sa kalsada ng confession

Yung may mga whappack lines na nagiging mema na tulad sa One More Chance na “Ako na lang ulit..”,

Yung magkakabanggaan kayo tas imbes na magalit ka, dahan-dahan kayong yuyuko para damputin yung mga nahulog na gamit

Yung may bonggang bonggang production design at lines na mala-Ricky Lee o Bibeth Orteza level ang sulat

Saya sana no?

Kaso hindi naman talaga ganun sa totoong buhay…

Tsaka syempre gusto ko rin sana ma-experience yung kahit anong klaseng baril nila e buhay ka pa rin

Tas may bonggang dialogue bago kayo magbarilan

Di kaya chase scene, yun, the best yun!

Pwede rin sigurong ung mga tanga sa horror movie na unang namamatay o lead sa zombie flick

Pero ang the best talagang gusto ko sana ma-experience e yung may mamamatay na mahal ko sabay titingin ako sa langit, sabay sisigaw ako ng malakas na “JUAAAAAAAN!” tapos biglang tutulo yung malakas na ulan for full effect.

Kaya nga ko pumasok sa media e para talaga maging artista.

 

CUT!

Kala mo seryosong shit no?

Hahaha.

Kung kilala mo ko, maniniwala ka ba talaga sa mga unang sinabi ko? 😛

Advertisements