Miyerkules. Ika-labingwalo ng Hulyo, huling taon ng sangkamunduhan. Isa sa mga rare moments na umuwi ako ng may liwanag pa. Sabi ko sa kasamahan ko sa trabaho bago ako umalis ng mga alas singko ng hapon, “Baka magpa-novena nanay ko sa aga ng uwi ko. Hindi na ko ma-whe-where the fuck are you?! Ni mudang.” (“Chill, san ka na gabi na” talaga ung text niya sakin, pero ang cool lang siguro kung one time ite-text niya ko ng ganun diba?)

Aba, the power of words sabi nga ni Ate Cheng. Pag-uwi ko, habang papaakyat ako ng hagdan ay inunahan ako ng batang kapitbahay na may “sometimes” (read: semi-saltik) na kinaiinisan ko. Don’t hate me, I really don’t like kids in general. Sabi ko pa sa kanya “Yes? San ka pupunta?” Aba, dineadma ako at tinakbuhan. Pag-akyat ako, ayun, may ibang tao sa bahay.

Si Kuya, naka-Veritas shirt, may hawak na bibliya at nakangiti. Ngiting pinapraktis yata ng mga taong nagpi-preach, may requirements ba? May 2 bata (yung may sometimes yung isa) at isa pang batang kapitbahay. Tapos yung lola yata nila yung isang matanda. Then si Kaye (girlfriend ni Adobot) nakaupo katabi si Adobot, si Mama.

Mama: Ayun, sakto. Chill, tara magdadasal na tayo.

Me: Ano po meron?

Mama: Ililipat na yung Fatima.

Back story: A week ago, dinala yung Fatima sa bahay, yung umiikot na santo ni Mama Mary sa neighborhood. Akalain mo, may ganun din factor dito sa Loreto kung saan halang ang kaluluwa ng mga tao. Charosss!

Me: Ah. Inaantok na ko e.

Mama: Magdasal muna tayo.

So sabihin na nating wala akong nagawa. At ang tulog ko ay makakapaghintay pa.

Dasal. Dasal. Dasal.

Disclaimer: Bago ikwento ang mga susunod na pangyayari, gusto kong sabihing wag niyo ko i-judge, dahil alam naman na nating judgmental akong tao. Ha? Ansabeeeeh?! Ang gusto ko lang sabihin ay ito ay opinion ko lamang, at please wag akong chorvahin ng mga alive alive at sabihang blasphemous ng mga mapagpanggap. “Please, don’t smite me, You Mighty Smiter” sabi nga ng dati kong boss. Graduate po ako ng Catholic school, pero hindi po ako tulad ng ibang relihiyosong tao, pero alam ko sa kapusu-pusuan ng puso ko, nagkakaintindihan kami ng Diyos ko. At hindi po ako Atheist. Tama na paliwanag.

Siyet. Mahirap talaga magsulat at magkwento ng tungkol sa relihiyon. So binabawi ko na, bahala ka, i-judge mo ko all you want.

 

So nag-start na nga ng dasal. Una, gusto pa ni Mama na ako ang mag-lead ng prayer and all. Pero ayoko. Kala ko kasi may rosary factor, e hindi ko na alam ang mga mysteries (bat ba kasi kailangan baguhin?) so si Mama na ang nag-lead. Basa basa sa manual, tas basa ng something sa bible.

Then sharing. Que horror. Fuma-flashback ako sa elementary days worship book ko na bibliya naming lahat every day. Shete, di ko ninamnam yung verse na binasa. E tinanong si Mama ni Brother (na hindi ko maalala ang pangalan) kung ano ang thoughts ni mudang dun. Explain siya. Shit. Wala kong mapiga sa sinabi niya, ako na next.

Buti na lang di ako tinanong! Nahalata atang nag-panic ako sa surprise graded recitation.

Tinanong na lang kami kung ano ba ang na-feel naming pagdating ng Fatima at kung ano ang mga blessings na natanggap namin.

“Nagulat talaga ko nung nakita yung Fatima sa bahay. Matagal na kasi akong hindi regular na nagsisimba (burn in hell), pero nagkakaintindihan kami ng Diyos ko (I think, or I’d like to believe). Dati kasi kaming part ng Marian chorva ung sa Fatima din. Masaya naman, nakakagulat lang talaga. Sa blessings, okay lang din dahil okay yung work ko. In terms of finances, okay din kasi nakakapag-ambag ako sa house, nasu-sustain ko yung luho ko tapos may sobra pa din. Halaman ako so wala akong mashe-share sa lovelife.“ Joke lang yung last sentence.

Yun ung shinare ko. Haha. Not really a big fan of sharing. Feeling ko talaga nasa AA meeting ako or something. Awkward. Tapos siya naman nag-share. Di ko talaga na-absorb. Lumilipad lipad na yung isip ko sa puntong to.

Tinanong kami kung may mga hiling pa daw ba kami aside sa sinulat ng nanay ko sa form (ewan ko lang kung may kasamang “bayani” sa loob ng form) sabi ko naman, “Sana po gumaling na yung paa ko. Hahahaha” Dudugtungan ko sana ng “Para masuot ko na po ung mga bago kong sapatos” kaso nahiya na ko. Lol. Ang chismosa pa ng mga utaw, ano ba daw nangyari, baka daw ganito, ganyan na ikinairita ko lang kasi ayoko talaga mag-explain.

Tapos nun, may pray over pa daw. Aba, complete with pagtaas ng kamay sa pinag-pepray over-an ito ha. Awkward much. Unang sumalang si Mama. Akala ko talaga babagsak siya e. Pero hindi naman. Nag-utter or nag-murmur ng words si Brother, di ko talaga maintindihan, kawawa transcriber sa kanya, while keeping his eyes closed. Tapos ako na next. May paglalagay ng oil sa noo, leeg at kamay. Gusto ko sana mag-fake ng himatay kembot just for kicks, kaso naalala kong ayoko pala magkapasa. Haha! Wala lang. Very mga pelikulang bumabagsak at gumagaling kasi talaga yung peg, di ko talaga kinakaya.

Pero yun, natapos din. Ang habang isang oras nun ha. Tapos nagkainan na sila at nilipat ang Fatima sa neighbor. Di na ko sumama. Di ko talaga feel kasi si Brother. Iniisip ko the whole time was how hypocrite the whole thing was. Di ko alam kung ako lang yun dahil hindi ako sanay. Nothing against people who take their faith seriously, or to people wanting to become closer to God like my mother ata, pero iba talaga ang feeling. Ang pilit pilit ng eksena.

The power of words talaga. At dahil diyan, sinasabi kong makaka-book ako ng someone big sa for July 26 airing at matutuloy at magiging fun ang Bohol trip ng Follow That Star que andun ako o wala.

Now you can throw all the rocks at me all you want. Kung paladasal ka o pala-attend ng mga events na may kinalaman sa Diyos, go. Walang pumipigil sayo. Kung gusto mong manghikayat, go. Basta wag ako ang hikayatin mo lalo na kung Jehovah ka. Ilang beses ng may nag-attempt magyaya sakin, pero fail. Hindi kasi ako yung ganung tao. Kahit sabihin niyo pang makasalanan ako dahil sa pagsasalita ng ganito, pwes makasalanan ka din dahil jinudge mo na kaming ganito ang pananampalataya. Alam kong alam mo ang parable ng “que maliit ang ninakaw o malaki, same thing, nagnakaw pa rin sila sa master niya.” Ayun. Yun lang ang stand ko kaya napa-share ako ng ganito. Kayo yung mga nasa kanta ni Dong Abay na santong kabayo. Ang babait kuno pero makataas ang kilay sa pagpasok sa simbahan ng naka-sleeveless o shorts. E pano kung yun lang talaga ang damit niya pero gusto niyang manalangin, palalabasin niyo? Naalala ko tuloy yung binyag ni Javi. Sleeveless kasi yung bestida ko, pinagalitan ako nung atang sa simbahan, nag-a-attract daw ako ng mga tao sa suot ko. Nge.  Te, di ko na naman kasalanan kung may fashion sense ako at ikaw wala. Buti may pashmina ako nun. Ending? Baskil ako dahil sa sobrang init. Naisip ko nga, kung bawal ang shorts, sleevelss, sando, backless at iba pang mahahalay na damit sa simbahan, di ipa-aircon niyo. Charot! Si Jesus nga naka-balabal lang at nagpapakita ng abs, bat di niyo sinisita? Charrr!

Kanya-kanya tayo. Free will. Yun yung binigay ng Diyos sa ting lahat. Matalino Siya, kaya wag kang mag-astang Diyos na pilitin ang ibang taong mag-steer towards the path that you believe in. So kayo lang ang maliligtas sa araw ng paglilitis dahil sa arko ng simbahan niyo? Di kayo na. I’d gladly stay behind and watch the post apocalypse survivors survive. Ako na ang tatakbo at papatay sa mga zombies. Wag ka mag-alala, I’d kill you again kung sakaling maging zombie ka. 

Advertisements