Sinong nagsabing ang year ender ay pwede lamang gawin kapag end ng taon? Sasapakin ko.

Naisip ko lang bigla na, wow! Isang taon na pala ako sa masalimuot na mundo ng media. Baka kailangan ko na mag-flashback ng mga kaganapan noong panahong yun. Try natin.

  1. NGANGA. Nakilala ko ang buong team ng Powerhouse. Tanga tangahan sa mga salitang 5d, HVX, ingest, cut to cut at iba pang bagay na aminin mo, hindi naman itinuro sa school! Walang ganun, wala yung mga teo-teoryang shit na kailangan mo pang memorize-in para makapasa ka. Unang shoot ko rin noon, kay Fanny Serrano. Nakakaloka ang first shoot. Ang daming tao. Muntik pa kong maging extra agad. Buti na lang pumayag ang bago kong kasamahang researcher na si Dianne na siya na lang ang mag-extra para kay Kuya Mondi. Wala akong friends nun. At walang pera. Kaya nung panahong yon, nakikikain ako sa nanay ko na buti na lang talaga, nasa PAG-IBIG near GMA nakadestino. Pati pag-uwi sumasabay na rin ako sa kanya.
  2. ANG MAAGANG RACKETEER NA SI CARMINA. End of September nung una akong binigyan ng raket ni Macky, kaklase ko sa PLM na sa GMA na rin nagtatrabaho. Ang kapal ko lang talaga na rumaket agad noon. Bawal pala yun, wala pa daw kasi akong six months, sabi ng EP kong si Sir Bri. Pero dahil mabait siya, hinayaan niya lang ako. Medyo disastrous ang una kong pagraket. Ang SP ko, si Frank, na isa ding dakilang racketeer ay okay naman (later on, nalaman kong hindi siya okay sa mga kasamahan niya, na alam naman niya.) Bilang bago at walang alam sa pagraket, ang dami kong booboos. Walang crew, walang CS, tinakasan ng CS, pero nakahanap din ako ng CS (case study nga pala ang ibig sabihin nito para sa mga hindi nakakaalam) na hindi rin inere ng buo ang segment! Nakakahiya.
  3. MEETING PEOPLE YOU ONLY SEE ON TV. Bukod kay TF (Tita Fanny) sunud-sunod na rin ang mga taong nakilala ko, at nabisita ang bahay, at sinilip ang buhay para sa Powerhouse (tagline yan ha!) Una kong guest si Fanny Serrano, tapos sumunod na sila Franklin Drilon, Elena Bautista-Horn, Dinky Soliman at bago matapos ang taon, nag-research ako para sa pangalawang pinakamakapangyarihang tao sa bansa, si Jejomar Binay. Oo nga pala, alam mo bang noong unang araw ko ay si Mark Herras agad na kras ko nung unang panahon ang kasabay ko sa entrance?  Tapos alam mo ba, ipinagbukas na ko ng pinto ni Fabio at nagpabola kay Ramon Bautista?
  4. FULL BLOWN RACKETEER. Disyembre ng tawagan ako ng EP ng Follow That Star na si Kuya Xtian kung pwede ba daw akong rumaket ng research para sa show niya. Regular raket, kumbaga. Na-excite ako, feeling ko ang galing ko kasi mag-3 months pa lang ako, aba, raket agad! Inisip ko kung kaya ko, tapos siyempre, nasilaw ako sa dagdag na sweldo, aba sayang yun! Pinayagan ako ng mother show ko na rumaket. Ang sabi ng EP ko ay: “Sige! Basta hindi ka magre-resign dito ha!”
  5. TAKING ON NEW CHALLENGES. New year, new show, bagong reformat ang Powerhouse. One hour na, promoted ang show to earlier timeslot. Mas mahirap dahil kailangan mas bongga, mas may laman, mas may pag-uusapan, mas kailangan ng maraming sitners. Hiraaaap! Pero siyempre, ginusto mo yan Carmina, walang pumilit sayo. Dahil mas pinabonggang Powerhouse ang drama, may new additions sa lumang team. Apat na kaming researchers, ako, Dianne, Julianne at E-anne. Wag niyo kong tanungin kung bakit lahat sila ay “anne” ang dulo ng pangalan. Binalak ko din mag-screen name for a time para bumagay sa kanila ang name ko. Image
  6. DEALING WITH KRUNG KRUNG, LUKRING, KUNING KUNING PEOPLE. The crazieeees! Minsan kuning kuning na manager, minsan naman, lukring na talent di naman kaya krung krung na mga may-ari ng locations ang kailangan mong kausapin. Pero dapat, para kang call center agent, chill lang. Hindi mo sila pwedeng awayin, kasi para kang middleman ng lahat, ikaw ang may kailangan sa kanila. So dapat, matigas ang mukha mo, may natural charm ka, at may presence of mind lagi. Pero siyempre, hindi naman lahat ay ganun. May mga makakatrabaho kang Wow! Ikaw na talaga yan, super sarap katrabaho tulad ni Ms. Giselle Sanchez na never akong pinahirapan sa episode namin. 🙂 Image
  7. SAANG MATA MO GUSTO TUMULO YUNG LUHA? KANAN? KALIWA? Kahit sino siguro yung pinakamatibay na tao e mapapaluha pag nakapasok ka sa trabahong ito. Que dahil yan sa guest mo, sa katrabaho mo, sa stress, sa papalapit na airing date, sa boss, o sa mga manager na nagpa-power trip, e ihanda mo ang tissue mo. Una akong pinaiyak ng SP kong pinadala namin out of town. Tapos nun, pinaiyak naman ako ng handler ng isang artista. Ngalngal to the max. Kinuwento ko na yun dito. Thank you pa rin talaga nun kay Ma’am Nena, Sir Bri at Rouel dahil pinakinggan nila ang paghagulgol ko for an hour. Sa katunayan, hindi ko pa rin binubura ang text ng PM ko tungkol sa nangyari. Yung huling pag-iyak ko, out of frustration sa episode. Wala, di ko kinaya ang inis e.
  8. PUYAT, STRESS, DEADLINES, AIRING DATE. Yan ang mga kalaban namin dito. Minsan iniisip ko kung papaanong nalampasan ko ang isang taon ng ganun ganun lang. Para kang naglalaro ng dodge ball sa totoo lang. Para kang nasa roller coaster, ferris wheel,  at Scary Movie series ni Anna Farris. Nakakagago. Nakakatawa. Nakaka-“ba ko nga ba ulit ginagawa to?” pero andun ka pa din at the end of the day.
  9. MILK TEA, MANI-PEDI, BAGONG PAGKAIN. Over time, matutuklasan mong ang milk tea, pampering at pagkain ang pinakamabisang depensa sa pagkaburyong. Siyempre, bukod sa sarap, nade-destress ka rin, nakakakwentuhan ang mga kaibigan at nakakapaglabas ng sama ng loob. Misery loves company, especially if it’s paired with apple yogurt milk tea!  Image
  10. HAIR EXPERIMENTS. Stressful ang trabahong to, hindi ko na maalala kung ilang beses kong sinabi yun, sa personal, sa text o dito sa blog ko. Isa sa mga paborito kong paged-destress ay ang pagdiskitahan ang buhok ko. Una akong pumasok na may mahabang buhok. Bago mag-Pasko, kulot ako, naggupit ng bangs bandang Disyembre. Kalagitnaan ng Marso yata, dahil wala akong mai-guest sa Follow, nagpagupit ako hanggang balikat. Dalawang buwan matapos yun, pinagupitan ko pa ng mas maiksi. At boy short ngayon. Ang sabi ng iba, ang tapang ko daw, ang sabi ko naman YOLO. Naks! Yumo-YOLO pa ko! Image
  11. KULANG PA? SIGE, RAKET PA! Pagpasok ng Agosto, in-offer-an ako ng dati kong SP na si Ate Virna na mag-research para sa web unit ng Protégé. Mas madali ung workload, mas malaki kita, so sabi ko yes. So sa ngayon, ako ang alipin ng salapi. Pero dahil matatapos na rin naman ang Protégé, makakapahinga na ng konti. Iniisip ko pa rin kung kailangan ko ng magbawa ulit ng show para naman makapahinga at makapag-aral manahi at masimulan na ang negosyong bet ko. Image
  12. MGA PANGARAP NA HINIHINTAY KO PA ANG KATUPARAN. Sa isang taon ko, may mga pangarap ako na mai-guest ang ilang tao sa mga shows na hawak ko. Tulad nina Alvin Patrimonio, Christopher de Leon, Donna Cruz, Gloria Romero, Erap, GMA, Eddie Garcia, Ely Buendia, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Saya di ba? Ayan, sundan niyo pa ang buhay ko sa likod ng kamera dito lang sa “Pula ang Kuko ni Mina” Pa-share, pa-like! Tsarlot!

Syempre hindi mo nagets yung ending ko unless nanonood ka ng Protege Pa-Like sa gmanetwork.com/protege/webisodes o di naman kaya Follow That Star.

 

Kita mo yun! Subtle diba! Swabe!

Advertisements