DISCLAIMER: Sobrag mahaba ang post na ito, kung hindi ka mahilig magbasa, hindi ito para sayo. Kung hindi ka interesado sa buhay media o sa paggawa ng dokumentaryo, hindi rin ito para sayo. Pero kung kabaligtaran ka ng mga nabanggit, o bored at walang magawa, go, read, comment, if you must.

Ito ang pangalawang beses na mag-o-audience ako sa seminar ni Ms. Kara. Una noong Setyembre 19, 2009. Isa ako sa mga mapalad na napili sa 2009 I-Witness DocuSeminar. At aaminin ko sayo, sa kanya ako pinakamaraming natutunan. Hindi naman sa sinasabi kong wala akong natutunan sa ibang hosts (Howie Severino, Sandra Aguinaldo at Jay Taruc) it’s just that, yung mga talks kasi nila, natutunan ko na school. Yung scripwriting seminar kay Ms. Kara, iba, pulos experience kasi ang sa kanya, hindi mga theory-based shit at mga format na itinuturo sa akademya.

Kinailangan kong tumakas sa OT sa opisina para maka-attend sa nasabing event.

Para sa iba pang detalye tungkol dun, eto bisitahin mo dali!

http://minatots.multiply.com/photos/album/42/The-2009-I-Witness-Docu-Seminar.-D

The other deets are private na, too lazy to make it public, plus Multiply’s revamping the site so mawawala na rin. Will try my damndest best to upload all of it here. Binasa ko ulit ung post, at ang sabi ko sa dulo ay: “Sana lang nga, mangyari sakin nangyari kay Kuya Lino, participant dati ng Docu Seminar, researcher na siya ngayon ng I-Witness. Ang cool, diba? :D”

Akalain mo yun, nagkatotoo na naman yung sinabi ko! Hindi nga lang ako researcher ng I-Witness, pero researcher ako ngayon sa nasabing network. Ang cool, diba?

Yung pangalawang pagkakataon na naging participant ako ay nito lang September 21, 2012. Isang taon matapos akong ma-hire sa GMA, dalawang taon matapos akong um-attend ng I-Witness DocuSeminar. Sa loob ng isang taon, siguro sasabihin mong, marami ka nang alam! Alam mo na kung paano kuhanin ang kiliti ng mga case studies at guests mo, alam mo na kung saan kukuha ng ganito at ganyan. Totoo, marami na kong contacts, swerte nga ng makakakuha ng telepono ng mga media researchers, overflowing sa numbers ng mga handlers, artista, pulitiko, asawa ng artista, asawa ng pulitiko, maging ng mga common na tao. Pero, marami na nga ba akong natutunan sa isang taon na pagtatrabaho ko sa network?

Isang malaking HINDE! Araw-araw may bago kang natututunan, araw-araw may bagong challenges, stress, sabit at katangahan kang magagawa na masasabi mo na lang ay “Why?”

Kaya ng malaman kong may seminar daw kay Kara, aba, siyet, excited siyempre ang lola. Kahit marami akong pending at kailangan pang i-coordinate dahil shoot na ng araw na yun, hindi ko talaga pinalampas ang pagkakataon. Um-attend ako.

Siyempre, kaya mo binabasa to ngayon kasi gusto mong makichismis kung ano ang kaganapan at mga sinabi niya nung araw na yun. Marahil, isa ka ding empleyado nun na hindi naka-attend dahil may shoot ka, o di kaya isa kang Communication student na gustong madagdagan ang kaalaman o di naman kaya, gusto mong mag-career change, di pa naman huli ang lahat. At ang mababasa mo ay maaaring magpabago ng isip mo, o lalong magpatindi ng pagnanais mong pumasok sa mundo ng media.

Ito ang seminar ni Kara, isipin niyo, transcriber ako na umoopinyon. E ano paki mo, kaninong blog ba ‘to?

Researchers As Frontliner. Sa maniwala ka man o hindi, ang researcher ang pinakaimportanteng miyembro ng team. Sabi ni Kara, yung sa I-Witness, kayo ang “i”  doon, yung sa Reporter’s Notebook, gawin na nating Researcher’s Notebook. Aba, bakit nga ba hinde? Magandang ideya yan! Nakaka-uplift ng spirits ang opening spiel palang ni Kara. This is so gonna be worth it. Researchers man ang nasa ilalim ng hierarchy, sila pa rin ang pinakaimportanteng tao sa team. Kung wala sila, anong storya mo? Sino ang kukuha ng permit? Sino ang kakausap sa mga tao? Ang magcocoordinate? Sino ang iinterviewhin ni host? Ang sasalo ng lahat ng galit niyo? Ang huling tatanggap ng commendation?

Ang researcher din ang alter ego ng host. Isipin mo, tatawagan kita. “Hi! This is Mina po from Powerhouse, sa GMA News TV. We’re currently doing a feature on (insert name of guest here) gusto po sana namin na blah blah blah blah” Ako na si Mel Tiangco sa parteng ito, nire-represent ko na siya. Ikaw na si Jessica Soho, si Arnold Clavio, si Mike Enriquez, o si Vicky Morales kaya. Pag shushunga shunga ka nga naman, mahirap kausap o magulo, magre-reflect yun sa host mo. Tipong, ay ganyan pala ang team nila. So para ka ring call center agent! (na trabahong inaayawan ko in the first place. Tapos dun diba, mas malaki pa ang kita. Pfft.)

Ang researcher ang nagdidikta ng fate ng storya. Seriously, ang researcher ang nagsasabi kung ano ang magiging storya, kung pangit, compelling o blah ito. Tandaan din na ang researcher ang unang scriptwriter. Sabi nga ni Kara, hindi naman basta literal na pagsusulat e writer ka na. Kahit researcher ka lang, aba e nagsusulat ka na din. Paano? Ikaw ang pumili sa kung anong daan ang tatahakin ng storya, tulad ng ang cameraman ang kumukuha ng magandang shots. Kaya nga ba maging mabait sa crew! Haha!

WHAT IS A GOOD RESEARCH?

Dapat daw, compelling, nag-iiwan ng marka. Paano magiging compelling ang storya? Kung hindi compelling sayo, hindi yan magiging compelling sa ibang tao. Dapat maniwala ka sa storya mo!

Dapat bago at nakakapagpabago. Bago dahil nasa news. So hanapan mo na lang ng anggulo. Dapat hindi pa nagagawa ng iba: NG IBANG SHOW, NG IBANG ISTASYON.

Dapat din daw malapit sa sikmura, kung hindi, ilapit sa sikmura. Yung makaka-relate si Aling Barang. E sino ba tong si Aling Barang? Bat di siya gumawa ng sariling show at siya mag-researcher, SP, EP, PM, lahat na! Para alam niya na ang gusto niyang ganap diba?

Ang kapangyarihan ng ‘PERO’. Si Kara daw ang writer na palaging nagsusulat na may word na “PERO” diba yung contrast? Ang sabi niya, parang ordinaryo alng ang storya mo, PERO. Halimbawa, si Aling Barang ay isang masayahing tao, PERO, sa likod ng mga ngiting iyon ay nagkukubli ang mga hirap na kanyang pinagdaanan sa buhay. Di kaya, si Pedro ay lumaki sa mga magulang na clowns, PERO, si Pedro ay maysakit, kaya’t sa likod ng mga patawa ay ang mga luha ng pamilya. Case study! Boom.

So paano mo naman masasabing maganda ang storya mo?

Ano ngayon? Dapat may malinaw kang point, compelling na case study, engaging, feasible at kaya ng budget! Aba, kung eere ka na sa isang linggo, magpi-pitch ka ba naman ng topic na pwede pang gawin next year? Haler.

Higit sa lahat, kapag nagawa na ng ibang show, o ibang network, WAG MO NA GAWIN. Akshuli, pwede naman kung may ibang anggulo ka pang magagamit, o tulad nga ng sinabi ng prof ko sa PR, kung may ibang parte ka pa ng elephant na mata-touch. Halimbawa, tinouch ng show na ito ang ilong ng elepante at diniscuss, pwes, itouch mo naman ang tenga nya at doon ka mag-concentrate. Sa totoo lang, problema namin ito ngayon,  ang gayahan. Pero syemps, deserving ng isang rant o post iyon, na baka hindi ko na rin gawin kasi may cyber bullying crime shit na silang ipinapatupad!

Ngayon, paano mo naman masasabing, syet, chaka ng storyang to, wag ko na ipitch, baka pagtawanan ako o paanong bawas pogi points ang storya mo kahit gaano pa ito kaganda.

Aba, kung iri-risk mo ang buhay ng buong team mo, itutuloy mo pa ba ang storya? No story is worth dying for ika nga. Aba, may Peabody ka nga, di mo naman na-enjoy ang pag-congratulate ng mga tao sayo!

Kapag ang CS mo ay humihingi na ng pera, aba! Huwag kang maniwala sa storya niyan! Baka naghahabi na yan ng storya. Sa puntong ito, gusto kong sabihin na hindi po kami nagbabayad ng mga case studies sa mga documentaries. Wala pong honorarium ang lahat ng ito, pasensya na po. Hangad lang namin na maibigay ang serbisyong totoo at matulungan din kayo sa paraan na mapansin ng gobyerno o ng ibang organisasyon ang problema at magawan ng paraan. Inuulit po namin: HINDI PO KAMI NAGBABAYAD PARA MAGKA-ISTORYA.

So yan yung mga poproblemahin mo. Pero siyempre, tuwing meeting, kelangan may bago kang baong topic. Kung lahat ng topics ay nagawa na, ano pa ang ipi-pitch mo? Paano?

E di, ano pa ba ang di pa nagagawa?

Ano ang mga bagay na tinetake for granted mo? Halimbawa, paano kaya kung walang tubig? Kung walang ilaw? Kung walang transportasyon? Yuuuun!

Symepre, balikan mo yung mga dati mo ng nagawa, kumustahin ba! Haha

Kung na-approve ang storya mo, aba, congrats! Pero, di pa dyan nagtatapos ang lahat. Kailangan mo na humanap ng case study! Eto ang isa pang pinakamahirap gawin. Kaya hindi ako masyadong into documentary tulad ng I-Witness, Reel Time, Frontrow atbp. kasi tamad ako maghanap ng case study. Gusto ko na pumasok sa ganitong klase ng show siguro pag SP na ko, WOW! Kasi, gusto ko talaga magsulat, ayoko namang maghanap lang ng maghanap ng nilokong lalake, ng bulag na nakapangawa ng bingi, ng mayamang malungkot, ng matandang prostitute, ng aamin on cam na may HIV, ng nirape ng tatay, ng anak out of rape o incest, hindi ko talaga yun forte. Tamad ako sa mga ganung bagay.

ANO NGA BA ANG MAGANDANG CASE STUDY?

E di yung compelling, yung ma-mo-move ka na tulungan siya matapos mong manood. Yung may totoong storya. Yung super extreme! Yung visually e nagsasalita ang video mo kahit hindi pa naman siya nagsasalita! Yun!

Eto last na. Matapos ang lahat ng yan, syempre, kelangan mo din mag-ocular. Kung nasa napakalayong lugar ang pupuntahan mo, magoocular ka pa ba? Ang sayang sa oras, men. Sabi ni Kara, halimbawa, gusto mo ng remote na lugar. Wag mo na tanungin kung ilang oras ang papunta dun.

Ganito: Ano po ang sasakyan para makapunta dun? Kung may roads, rough roads, o gagamit ng sasakyan, wag na daw kung super remote ang gusto mo. Yung mga by feet ang pagpunta, yun! Yun ang remote! Haha!

Pa-describe mo sa kausap mo, at siyempre, ifriends mo na ang cotact mo! Ganun. Medyo mahirap talaga, well, sa totoo lang, mahirap talagang maging researcher. Nako, nako, nako. Lalo na kapag sa mga hardcore docus ka napunta. Yung isa kong kakilala, researcher sa Imbestigador, ilang beses na rin namang nasunog ung storya niya, ung isa naman, researcher sa Reporter’s Notebook, alam mo ba, naka-receive na yun ng death threat! Kaya kung gusto mo mga petiks mode lang (meron ba nun) o hindi naman buwis buhay, dun ka sa tooot tooot. Kasi nangunguha lang naman sila ng file vids, mali pa ung ibang courtesy. Charaughts!

 

P.S.

I hope that me sharing this knowledge will not be taken against me. Haha! Tsaka sana okay lang kay Ms. Kara that I spread her knowledge in the internets, hindi ko naman siya #sinotto. #cybercrime #cyberbullying

Advertisements