This post was supposed to be a 140 character worth of tweet, kaso ang dami kong naisip na FAQ sa aming mga nasa media so might as well ilatag na natin lahat. Haha! Mula sa mga kaibigan o acquiantance na nagtatanong tungkol sa trabaho mo maging ng mga nakasalubong sa kalsada at napatanong sayo dahil nakalimutan mong naka-ID ka pa pala! Ay, proud pala. lol. Syempre, may mga tanong din ang mga boss mo, katrabaho at maging ako! Oo, ako mismo, may mga FAQs din sa buhay! πŸ™‚

PEOPLE YOU DON’T KNOW (MINSAN FRIENDS DIN)

“E di nakakita ka na ng artista?!” – Eto, eto talaga salarin ng buong post na ito. Minsan iniisip ko kung sasagutin ko kaya sila ng seryoso, sarkastiko o dedma na lang? O baka naman niloloko lang nila ko? O yung ibig nilang sabihin ay friends ba namin ang mga artista? Hindi naman kasi namin ka-hobnob si Marian Rivera, Dingdong Dantes o Dennis Trillo kaya. Maski si Mel Tiangco, Jessica Soho at Mike Enriquez hindi rin. Wish lang namin yun haler. Although um-attend na ko ng Christmas Party ni Tita Mel last year. Ni si Diego nga ng Bubble Gang di ko close kasi masungit si Bakler. Galit sa maganda. Chosss. Pero kasi malamang nakakita na ko ng artista! Ikaw ngang hindi nagtatrabaho sa network e nakakita na ng artista sa mall, sa shooting, sa theme park, ako pa kaya?! Mas nakakainis kapag kumpleto sa facial expression na excited ang pagkakatanong nyan sayo.

“So anong oras ang pasok mo?” – Sa lahat ng tanong sakin e ito ang pinakamahirap sagutin. Kasi sa maniwala ka’t sa hindi, walang oras. Hindi ito 9-6 day job. Yung mga regular oo, kami hindi. Papasok kami kung kelan namin gusto. Walang time in, walang time out. Walang one hour lunch break o 15-minute coffee break. Bahala ka kung san mo gusto magtrabaho. Pwede sa bahay, pwede habang nasa kalsada, nasa Cebu, Bacolod, o Amerika ka pa! O, o, bago mo isiping ang saya naman pala dyan! Eto catch: Kumo-call time ng 3am, 5am, 1am na hanggang kinabukasan shoot. Minsan naman 10pm, 7pm, 2pm. Walang routine, lahat bago. Minsan nag-file ka na ng leave hahabulin at hahabulin ka pa rin nila. Kaya please, wag niyo na po ito itanong sakin. Kasi hirap iexplain, parang kasing hirap sa paghanap ng value ng “X” e ex na nga diba! Lol out of context.

“E di ang laki na ng sweldo mo nyan?!” – Di rin! Di sana isa lang show ko at wala ng special segment ng FAQ ang nanay ko sa ibaba.

“Maldita ba si (insert name here)” – asa disclosure na to ng mga tao. Naka-TRO ang cybercrime bill, pero! Ayoko nga! Hahaha!

“Maganda/pogi ba si (insert name here)” – beauty is in the eye of the beholder. Pero eto ang mga magaganda at poging nakita ko: Marian, Dennis Trillo, Gwen Zamora, Iza Calzado, Aljur, Jeric Gonzales (ng Protege, bago kong kras kasi cutie.lol), Alden, Heart

“Totoo ba yung sinasabi nila…” – ikaw na maghusga te! Blind item pwede. Kung friends tayo at confident ako sayo, baka sagutin ko pa. Pero malamang hindi ko rin alam yan! Unahin talaga tsismis?!

“Pwedeng pa-fansign?” na kapatid ni “Pwede bang magpa-video greeting?” – Wow talaga! Hahaha. Para-paraan! lol. Pero marami na pala akong natulungan magpa-picture, manghingi ng fansign at magpa-video greeting. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bat sila nahihiya, e in general, papayag naman yang mga artistang yan na magvideo greeting o fansign. Wala namang masama! Sa totoo lang ulit, sa dami ng natulungan ko, ang dami ko na sigurong pera ngayon kung naniningil ako. lol May kilala nga pala akong may horror story sa isang malaking tao na may biglang nagsabing “Pwede po magpa-video greeting?” Hahahaha! My lips are sealed.

“Pwede mo ba akong ipasok sa Eat Bulaga?” – Wahahaha! ROFL. Block timer po sila. (Block timer: pag-aari ng ibang kumpanya (TAPE INC) na nagbabayad ng airtime sa network). Iba pong kumpanya yun, hindi ko po kayo maipapasok. Ako din nga gusto manood ng manood dun! Kung pwede lang!

“E sa Party Pilipinas?” – Pakitanong po kay Mega Unciano kung may available tickets pa. lol

“E sa Master Showman?” – Charrrrot! I actually long for the day somebody would ask me this question. lol

Β 

BOSS / CO-WORKERS

“Ano ng update kay (insert target CS here)” – Pag wala kang update, kabahan ka na! Para lang din tong pagpapapasa ng teacher ng assignment notebook niyo, tapos wala ka. Iikot ang puwit mo sa kahihiyan, o kaba kaya kasi wala kang sagot. Dahil tulad nga ng sinabi ko na sa dati kong post, ito ang real world. Walang grades, walang teacher, walang exam, lahat ikaw lang, kredibilidad lang yan at pangalan mo nakasalalay. Imagine, kakalat sa sangka-public affairs-an (o entertainment) na waley kang kwenta katrabaho. Hihina ang pasok ng raket, lagi kang last resort!

“Ano namang masasabi niyo sa episode?” – Postmortem. Matakot ka rin kung di mo napanood. Matakot ka kung ikaw ang SP at chaka ng pagkakagawa.

“Anong nangyari?” – Nakerrrr. Galit na din sila sa ganitong bonggang tanungan. Ibig sabihin may mali sa episode niyo. 😐

YOUR PARENTS’ FAQ

Aba, yung ibang tao lang ba may karapatang magtanong sa’yo? Syempre, may mga tanong din mga magulang mo sa’yo. Di ko alam sa ibang tao, pero ang mama ko, eto ang mga tanong sakin:

“Kelan ka uuwi?” – Malupit na tanong ng mga magulang sa mga anak nilang nagbo-board sa Menila o kung mas malapit e di sa KiawSi (QC) mismo. Tinatanong nila to kapag ilang days ka na hindi umuuwi. Madalas mong maririnig kapag for airing ka na.

“Dito ka ba kakain?” – Isa pa tong laging tanong ng mga nanay o ng mga taong naghihintay sa’yo sa bahay. Aba siyempre, mahirap ang buhay ngayon. Kung hindi ka kakain sa inyo e di babawasan ang serving ng kanin at ulam na lulutuin nila. Sayang naman

“Nagpapahinga ka pa ba?” – Eto tinanong ng papa ko sakin nung nakaraan. Kasi umuuwi na lang ako nun para matulog. Wala ng kainan. Boarder ang peg. May mga ganung moments lang talaga, pero di ba, ginusto mo yan?

“San kn?”Β – My mom’s personal favorite! Pag text ganyan ang format. Minsan nga feeling ko templated na yang text niya na yan e. Pag tinawagan ako, pasigaw, galit siya lagi, “SAN KA NA?!” yan, ganyan ang datingan ni mujay. Pag nakita mo exchaange of texts namin parang ganito:

MAMA: San kn?
MINA: Dito pa.
MAMA: Mag-text ka pag uuwi ka na ha.
MINA: Okay.
MINA: (insert plate ng taxi here)
MAMA: Ok. Ingat.

Yan. Ganyan lang convo namin sa phone ko pag chineck mo. Haha!

FAQ KO

“Ui, sorry. may contact ka ba kay (insert name here)” – Eto normal na to sa mga researchers. As in super duper mega bonggang tanungan ang nagaganap sa amin. Pero naman, sana naman ung iba alam ang kaibahan ng normal na paghingi ng contact sa pagiging garapal. Meron bultuhan humingi ng contact. Ung iba naman ang damot, pero sila kung makahingi sa’yo wagas. Ung iba ang damot kahit alam mo naman na meron siya. Kaya ako, pinipili ko lang din ang mga taong pinagbibigyan ko ng contact. Ang prinsipyo ko dyan ay tulad lamang din ng prinsipyo ko noong nag-aaral pa ko: Pag ibinigay lang sakin, ibibigay ko sayo, no further questions asked. But if I worked my ass off just to get that number, o super konti lang ng mga taong may contact nun, sorry, magdedepende na yan ngayon sa level ng friendship natin. lol. I mean, seriously, I don’t mean to preach, pero ihuling resort naman sana ang paghingi ng contact, bilang ang dami-daming paraan to get it. Wag din naman sana manlamang. Maraming paraan.
πŸ™‚

“Baka may kakilala/alam kang…” ayan. Yan ang kapatid ng nasa itaas. Mula sa batang pulubi na ang tatay ay durugista at prosti ang nanay, batang may HIV, kumakain ng blade, pamilyang may 22 anak, dugyot na karinderya, salon na may kakaibang gimik, designer, cheerleading team, etc. Lahat yan! Lahat pwedeng ipahanap sa yo. Ultimo hayop na hindi likas na nasa Pinas pahahanapin ka, depende sa istorya mo. Haunted house, baka pati multo ipahanap pa sayo o zombie kaya. lol

“May update ka na?” – eto naman ang normal na usapan namin ng mga co-researchers ko bago mag-meeting. Nile-level namin ang mga nagawa ng isa’t isa. Hahaha. Wala lang, para lang din alma mo na ikaw ang pinakatamad at ma-prepare mo na ang sarili mo na ikaw ang mabebembwang sa araw na iyon.

“Hi! Si Mina po ito from (show) sa GMA. Ask ko lang po sana kung may update na yung proposal namin?” – Eto dapat pag sinasabi mo charming, ismarte, at hindi mukhang desperada ang attack mo all at the same time. Go! Practice! Kaya mo i-pull off yan. Perfect to for ex deals, request for interviews, permit approvals, paghingi ng tawad at iba pa na kakailanganin mo! πŸ™‚

Akshuli, madami pa talaga kaming mga tanong na madalas naming tinatanong. Kaso ang dami di ako matatapos. Hahaha! E researcher ka nga, may researcher bang hindi magtatanong? Mag-isip ka nga.

Advertisements