Trip to the facial care experts. Hay, eto na naman po kami. Magbabayad na naman ako para saktan ang sarili ko. Masokista na yata ako.

Pero wala talaga e. Ika nga nila, tiis-ganda. Damn hormones. Damn pimples. Damn the society for telling how someone would look beautiful. And damn me for being part of that wretched society.

“O, lika higa ka na rito.” sabi nung magpe-facial sakin. Di ko talaga alam kung ano tawag sa kanila, kahit ilang beses na rin akong bumabalik-balik dito. Kaya tatawagin ko na lang silang mga sadista. At ako, masokista.

Ang hirap talaga maging babae. Ie-exclude na natin yung panganganak ha, alam na naman natin lahat yun. Alam mo ban a kakaibang sakit ang nararamdaman naming mga babae kapag “time of that month” na? Ang saklap nga e. Nakakapanghinayang sa araw Buti sana kung absent ako dahil magliliwaliw, pero hinde, absent ako dahil babae ako. Buti pa mga lalaki, walang dysmenorrhea. Ngayon naman, andito ako para saktan sarili ko. Ayos. Tiis-ganda nga.

Ayan na. Binubugahan na ng mainit na hangin yung mukha ko. Ini-steam na ko para bumukas yung pores at hindi maging ganun kahirap yung proseso. Kumbaga, foreplay. Hehehe. Eto yung masarap na part, kasi mamasahihin yung mukha mo. Ii-scrub tas cleanser, medyo madulas sa mukha at mainit, foreplay nga!

Magastos maging babae. Sa mukha pa lang, dami ng gastos. Makeup, makeup remover, facial wash, moisturizer, facial mask, once in a month trip to the facial. Tse. Oo na, alam ko na iniisip mo, ang arte ko. But I have every right to be. Simple. BABAE AKO. Mukha palang yun. E sa buhok pa. Maiksi o mahaba? May bangs o wala? Kulot o straight? Rebond.Hair spa. Hot oil. Conditioner na nga lang! Aba, hindi pa nakakatulong yung mga shampoo commercials ha. Buti na lang at napag-aralan ko sila sa kurso ko, at natural na maganda ang buhok ko. Hahaha

Ang tagal ni Ate Sadist. Lumabas pa ata. Ano kayang isusuot ko bukas sa opis. Nakakaantok na rin maghintay. Lumilipad na isip at diwa ko ng walang anu-ano’y  Aww! Si Ate walang pasintabi, bigla-bigla na lang nananakit. Okay. Torture starts now! Masakit, masakit talaga. Kaya ko to. Di ako iiyak.

Di lang yan. Sa damit pa. Daming choices. Kailangang naka-heels pag ganito suot, naka-ballet flats, naka-dress sa ganitong okasyon. Alam ko na sasabihin mo. Pwede namang hindi e. E kaso nga, BABAE ako. Buti pa guys, pag late na, pwedeng sumabit sa jeep dahil di naka-skirt at heels kaya mas madali ring tumakbo. Mas lesser chances ang pagiging late dahil di kailangang mag-makeup at walang pagpipiliang damit maliban sa slacks at long sleeves, o shirt at pants. Pwera na lang siyempre sa mga nagsasabing metrosexual sila, na bading naman talaga.

Awww. Sanamabits! Masakit na ilong ko. Black heads, white heads. Kill me, kill me now.

Henaku! Di lang mukha mananakit sayo kung babae ka. Pati paa. Kung nagsasalita nga lang yan. Mumurahin ka malamang in different languages and dialects. Kahit gaano pa kaganda yang shoes mo, murderer yan! Pati mga manikurista, murderer din. Lahat sila pahihirapan ka. Partida, di ko na isasama yung mga nag-aasam ng wax. E di lalo na ko e may sa unggoy ang legs ko. L
Prick dito. Prick doon. Noo. Pisngi. Left and right. di ko na napigilan. Naiyak na rin ako. Ayun, biglang naging doktor si Ate nung nagdugo yung pimple ko. Bulak. Tissue. Masakit. Konti na lang talaga, di na ko magugulat kung bigla ko na lang siyang masapak sa sakit na ginagawa niya sakin. Hehehe. Aabangan kita sa labas, Ate. Pangako yan.

O ngayon, itatanong mo sakin kung bakit ko pa ginagawa to sa sarili kung nasasaktan rin naman ako. Sa parehong paraan na nagmnamahal ka kahit na alam mong masasaktan ka rin. Naks! Erase, erase. Hindi pala to cheesy entry, rants to.

E pero bakit nga ba? Dahil masokista kami at gustong-gusto naming nasasaktan kami? Eeee. Dahil wala kaming magawa sa mga pera namin? Naks, ang yaman. Eeee. O dahil gusto naming gumanda para maka-attract ng lalake? Hahaha. Eeee. Partly true na lang din siguro. Sino ba namang babae ang matutuwa kung walang lalaki ang magkakagusto sa kanya? Pucha, ang panget panget panget mo naman na ata nun. Pero side effect na lang din siguro to. Isipin mo na lang, sino ba namang babae ang matutuwa na tuwing haharap siya sa salamin e mag-he-hello sa kanya ang mga raliyistang pimple sa mukha niya? Wala diba? Bawas confidence kaya yun. Yun. Yun yung main reason why we do it. Plus if you look good, you feel good. Ewan ko na lang sa iba.

Itong mga t’o ang tumatakbo sa isip ko habang naghihintay akong matuyo ang mudpack na inilagay matapos ang madugo at masakit na proseso ng facial. Thirty minutes later, bumalik si Ate Sadist, hinilamusan ako, ni-laser ang mukha at sinabihang “Huwag ka maghihilamos ngayon ha, bukas na.” tulad ng sinasabi niya sa kin sa hindi ko na mabilang na pagpapa-balik-bali ko sa fachial shop na ito.

Tapos na rin sa wakas si Ate. Ang pinakamasaklap sa lahat, nagbayad ako ng P350 matapos niya akong saktan. Sa totoo lang, mura pa nga yun, yung iba libo libo ibinabayad for facial. Maswerte na rin siguro ako na hindi ganun kalaki ibinabayad ko.

Mapula ang ibang parte ng mukha, maga ng konti at manhid, bawas ng P350 ang laman ng wallet, lumabas ako ng Veronizkin sa may Recto at umuwi na ng ganito ang itsura:

 

zombified!

Charot lang! Rawr! 😀

Advertisements