Ito. Ito ang panahong “buhay na buhay” ang pelikulang Pilipino. “Namamayagpag” sa takilya, at “number one, number one, number one!” sa puso ng mga tao.

Support local sabi ng isang fashion blogger na binibisita ko. Apparently, pinanood niya ang Sisterakas kasama ang pamilya niya nitong nakaraang Linggo. Eew.

Support local ba kamo? Paano? E ang ganda ng lineup ninyo! Yung nag-iisang pelikulang gusto ko sanang mapanood (Thy Womb ni Brillante Mendoza) pinagpu-pu-pull out na sa mga sinehan dahil walang nanonood. Walang intelihenteng Pilipino ba ang lumalabas kapag MMFF? Nasanay na ba tayong puro ka-bullshit-an at mga pelikulang uubusin lang ang natitirang bonus mo ang mga palabas tuwing Metro Manila Film Festival?

Ahhh. Support local daw. Sige dali, tignan natin yung listahan! Pero syempre, gusto ko lang sabihin sayo na wala pa kong napapanood maski isang pelikula. Haler, gagastahin ko ba naman ang pang-aliping saguiguilid na sweldo ko sa mga pelikulang yan? ‘Tangina di na, ibibigay ko na lang sa mas nangangailangan.

El Presidente – Okay sana. Historical chorva. Kaso fan ako ni Bonifacio At galit ako kay Aguinaldo. Malamang sa malamang e mairita lang ako sa panonood nito. Hintayin ko na lang sa dibidi eks.

One More Try – Nung una, sabi ko pa, anong palabas un? Angel Locsin Dingdong Dantes team up pala. Kabit love story ulit? Aba, malay ko! Basta alam ko nanalo si Dingdong ng Best Actor sabi ni Twitter nung isang gabi. Tsaka marami daw “pak” lines sabi ni Jovi base sa trailer. Enough ba para panoorin ko sa sinehan? Hintayin ko na lang sa dibidi eks.

Shake, Rattle and Roll 14 – ‘Tanginang yan. Akalain mo umabot na sa 14 installments ang palabas na ‘to?! Nakwento ko na bang binash namin ng kaibigan kong si Dickson ang palabas na to habang nasa likod pala namin ang mga direktor na sina dyan dyararaaaaan Joel Lamangan, Joey Reyes at isa pang mainstream director nung Cinemalaya 2010 ata. Isang malaking himalang humihinga pa kami ngayon at nakukwento ko pa ito. Dear Joel Lamangan, opo, kung naaalala niyo pa, kami po yung mga talipandas na fresh grad na lumait sa mga pelikula niyo. So papanuorin ko ba ito? When hell freezes over. Twice.

Si Agimat, Si Enteng At Si Ako – Okay, na-starstruck ako kay Bossing nung una ko siyang makita. Hindi ko gusto si Bong Revilla bilang artista o senador, so-so kay Juday. Tatlong malalaking artista sa isang crappy pelikula. Kung bata pa ako, baka ma-enjoy ko pa. Huwag na lang po, magco-coordinate na lang po siguro ako ng artista para sa show ko.

Sisterakas – Kakabugin daw ni Vice Ganda ang pelikulang Si Agimat… Ang sabi ko naman, saan? Sa ka-bullshit-an? Ah, sa box office. Sorry Vice Ganda, una sa lahat, hindi ka maganda Pangalawa, napanood ko na yung Petrang Kabayo at Praybeyt Benjamin sa dibidi eks, tangina, gusto kong sumigaw ng “Ibalik ninyo dalawang oras ng buhay ko!” Kesyo kasama mo ang Reyna ng Komedya na si Ai-Ai o ang walang kakwenta-kwenta sa pag-arteng si Kris Aquino o ang laging trending na Daniel Padilla sa mga kiring kabataan, shet, di ko sasayangin pera ko sa’yo.

Sosy Problems – #KonyoProblems. Kung gusto ko talagang makita at malaman ang problema ng mga mayayaman, nako, six years too late na ang pelikulang ito, napanood ko na sa Gossip Girl yan, at hinintuan ko na sa pangalawang season pa lang. Napanood ko na rin yung Clueless, maging yung pelikula ng magkapatid na Duff na hindi ko na maalala ang title. Kung sasabihin mo naman sa akin na ang market nito ay Pilipino, aba, e di ipa-follow ko na lang ang Twitter nila Anne Curtis, Solenn Heussaff, at blogs ng mga mayayamang tao dyan! Libre pa! Hintayin ko na lang sa dibidi eks-dahil sa mga isusuot ng mga artista. All about the fashion baby.

The Strangers – Fuck. May entry pa lang ganito?

Thy Womb – Nora Aunor at Brillante Mendoza. Brillante Mendoza sa isang mainstream na pelikula? Shet. Kakainin siya ng mga “box office kings at queens” at ng utak ng mga Pilipinong hindi pa yata “luto” sa kakanood ng mga ka-bullshit-an gabi-gabi sa telebisyon.

Hindi pa ba enough ang primetime slot at hindi pa natin titigilan pati ang pelikula?

Support local. Ah, eh paano po yun e puro shiiiiit ang mga pinapalabas ninyo. Ayoko na mag-rant. Sana lang talaga magkatotoo yung sinabi ni Direk nung humakot ang Thy Womb ng awards: Sana nga makatulong at wag i-pull out. Nakakalungkot.

Thy Womb: Hihintayin na lang kita sa Cinemalaya. O sa UP Cine Adarna.

Sabi tayo ng sabi na gusto natin ng de-kalidad na pelikula pero yun at yun pa rin naman ang pinanonood natin.  Ayoko na. Ayoko na. Lumipat ka na sa susunod na blog, yung mas maraming sinasabi na makatututran, kasi malamang pare-parehas lang kami ng sasabihin. Basahin mo na lang sa mas may karapatan magsabi, tulad ni Jessica Zafra, kung nag-update na siya.

Support local! Hooooo. Sana one day dumating yung araw na wala ng Enteng Kabisote, SRR, Agimat, at kung ano pang pera-pera lang na pelikulang tinetake advantage ang kabobohan ng mga Pilipino sa taste ng magandang pelikula. Ito yung mga panahong hinihiling kong sana ipinanganak ako nung panahong mga kalidad talaga at ang mga pelikula. Eighties. Huhu. Nakakaiyak talaga.

CInemalaya, dumating ka na. 😐

“LET US STOP THE CINEMAS FROM PULLING OUT “THY WOMB” BECAUSE OF BOX OFFICE CRAP. THIS IS A FESTIVAL AND THE FILM DESERVES A FULL RUN. THE BOX OFFICE SHOULD BE IRRELEVANT. THE MMFF IS OUR TRADE-OFF TO THE ABSENCE OF THE QUOTA SYSTEM. LET THE MMFF SHOW ITS BALLS AND STOP THE THEATERS FROM PULLING OUT ” THY WOMB. DO NOT LIKE THIS. ACTION TAYONG LAHAT!” -Direk Tikoy Aguiluz

Advertisements