Na-inspire ako bigla magsulat habang nagche-check ng Facebook ko. Puro graduation pictures kasi ang nakikita ko sa feeds, tapos yung pinsan ko nakapasa daw sa Benilde ng scholarship, tapos yung tito ko na tatay nung pinsan na yun, eto, graduate na sa buhay (RIP, Tito, you will be missed).

So graduate ka na. Congrats! Kung inaakala mo ngayon na tapos ka na sa pag-aaral, sorry, mali ka. Simula pa lang yan ng totoong buhay. Dati sabi ko ano bang real world ang pinagsasasabi ng mga taong to? Hindi ba totoo ‘tong buhay ko ngayon? Pwes, maiintindihan mo na ngayon ang sinasabi nilang “real world” kapag nandito ka na.

Syempre ngayon maghahanap ka na ng trabaho. Maswerte ka kung in-absorb ka sa pinag-intern-an mo, o sought after ka, congrats talaga sa’yo teh. ‘Kaw na yan! Pero for the rest of us na in-enjoy ang college (kaya di ganun katataas grades) at kailangan makipag-compete sa libu-libong gumraduate para sa kokonting bukas na posisyon, eto na ang challenge: get a job that you like.

Congrats ulit sa’yo kung nasama ka sa shortlist at nakapasa sa exams. I-ace mo lang ang interview, sa’yo na ang inaasam mong posisyon. At bilang ilang araw na lang ay apat na taon na kong graduate at nakailang trabaho na rin at nakailang interviews at nang-interview na rin naman, siguro naman meron na kong kokonting maipapayo sa’yo pagdating sa interview part ng job hunting mo.

Game. Kunwari successful b*tch na ko.

Una. Research, research, research. Sorry ha, researcher kasi ako. Pero sa totoo lang, napakaimportante nito. Aba, ika nga nila, pupunta ka ba naman sa giyera ng walang ammunition? I-research mo ang kumpanya teh, GMG (Google Mo, Girl/G*go) ang tungkol sa kanila, sa trabahong ina-apply-an mo, maski chismis at kung sinabi sa’yo kung sino ang interviewer, i-stalk mo na rin, hindi yung puro kras mo ini-stalk mo o current ng ex-jowa mo. Kung hindi mo kabisado ang lugar, i-research mo din teh, kaibigan mo si Google maps, I swear. It pays to be prepared, I’m telling you that. Nakakahiyang magmukhang tanga sa magulong daan ng Makati.

Pangalawa. Don’t be late. Be punctual. I know, I know, kung kilala mo ko, sino ba ko para magsabing wag ma-late e isa akong perennial latecomer. Eto na lang example. Kilala mo si Erwan Heusaff? Bukod sa pagiging chef, boss din siya sa isang kumpanya. Eto yung tweet niya, the best na example for this:

Image

O ‘di ba?

Pangatlo. Dress/look the part. Kanina yung EP ng dati kong show may in-interview na tatlong tao for a certain position. After the interview, sabi ko, sino kukunin mo? Yung may pinakamatinong itsura daw. Hindi ko naman narinig yung interview, pero nakita ko silang tatlo. Si Ateng naka-yellow? May pinaka-pleasing personality. Nung in-interview ako ng EP ko, later on, sinabi niya, kinuha niya talaga yung mga maaarte kasi pag palaayos, nacha-charm ang mga possible guest. Hindi naman sa sinasabi kong panget ka, pero naman, mag-effort ka naman sa itsura mo. Mag-make up ka kahit pa hindi ka nagme-make up, mag-dress o corpo attire ng bagay sa’yo. Isama mo na rin sa research mo ng tamang damit, di to kaartehan. O di kaya, punta ka sa bahay namin, pahiramin kita ng damit ko, kung ka-size kita. Chareeeng. Mag-ukay ka tey kung wala kang pera.

Pang-apat. Maayos na resume. Ia-assume ko na maayos ang resume mo kaya ka na-shortlist ng kumpanyang pinapasukan mo. Pero para sa mga shungaers sa paggawa ng resume, hindi ba kayo tinuruan nito sa school? Isumbong mo sa CHED. Chareeng! Sige eto crash course.

At least 1-2 pages lang. Hindi mo kailangan ilagay ang motto mo, height mo, o vital stats mo, unless model ang ina-apply-an mo o katulad na bagay. Please magpa-studio ka naman sa picture mo at mag-corpo attire, hindi pwede yung pic na cropped lang o pang-FB profile pic, naknampota. Pwedeng walang picture, judgmental mga tao, yung iba, pic pa lang jina-judge na. Wag mo na rin ilagay na nanalo ka sa declamation contest nung grade 1 ka at Best in P.E. nung high school. Yung mga sobrang importante na lang ang ilagay mo.

WALANG STANDARD RESUME. Lahat yan depende sa ina-apply-an mo. Wag kang tamad, i-streamline mo depende sa trabahong ina-apply-an mo. Sa character reference, lagay mo pangalan ko. Charot. Ilagay mo yung mga taong alam mong may masasabing mabuti sa’yo. At utang na loob, paki-inform naman sila, para at least makaisip na sila ng shit load of lies para matanggap ka sa trabaho. Syempre readable dapat. Ano silbi ng pinaglalalagay mo kung naka-Wingdings ang font mo? I-proofread, utang na loob. J O yun muna. Yung iba, i-research mo na. See? Bumalik ulit tayo number 1.

Panlima. Kalma ‘te. So interview mo na, don’t slouch. Don’t cross your hands over your chest. Look at the interviewer’s eyes para sincere. Pag tinanong ka ng Tagalog, sagutin mo ng Tagalog, pag in-English ka, English-in mo rin. Maniwala ka sa’kin, ilang tao na in-interview ko sa huli kong trabaho. Naks. Halata kapag kabado ka, kapag nagsisinungaling ka, kapag hindi mo alam ang sagot, o ginagago mo lang ako at pinapaikot. Alam ko na yan.

Smile siyempre. Be as honest as you can be. Pag tinanong ka ng “Do you have any questions?” magtanong ka. Kapag tinanong ka ng “What’s your expected salary?” Tricky tricky tricky. Problema kasi dito, kapag sobrang taas, ang feelingero mo. Kapag sobrang baba, dine-degrade mo naman sarili mo. So pano na? E di mag-research ka kung magkano ba ang entry level payment ng pinag-a-apply-an mo, tapos syempre dapat kumita ka rin. Kalerks naman kung hindi ka kikita, kaya ka nga nagtatrabaho. Tigilan mo ko sa “I’m after the experience” shit mo sa interview. Sinabi ko na rin yan dati.

The best thing to do? Alamin mo na beforehand ang mga isasagot mo sa mga usual questions na “Tell me about yourself,” “Why should we hire you?” “What is your edge among other applicants?” “What do you know about the job?” among other crap. I-memorize at isapuso, gawing interesting para naman maganda pakinggan.

Pang-anim. Wag masyadong umasa hanggat hindi ka pa pinapapirma ng kontrata. Hindi porket feeling mo the interview went well, e ikaw na ang matatanggap. Di mo naman alam ang nangyari sa ibang interviews e. Di ba? Ako nga tinawagan na para sa interview dati, pinag-medical na rin, kaso waley pa rin pala. So habang wala ka pang pirma sa kontrata, wag muna umasa ng bongga. Ang sakit sa puso ng disappointment. Maniwala ka sa’kin. Pero dapat optimistic pa rin!

At syempre, magpasalamat ka for the opportunity after the interview. Bahala ka kung kaninong Diyos ka magdadasal para ikaw ang matanggap. At kung matanggap ka man, aba, live up to what you have said during the interview, nakakahiyang kaladkarin ang pangalan mo at sirain sa kumpanya, pero para sa kin? Mas nakakahiyang ipahiya ang school na pinanggalingan mo. Isipin mo, kung ako yung interviewer at palpak ka, pwede kong idamay lahat ng future graduates ng school mo dahil lang sa’yo. May mga ganun. Kung mahal mo school mo, umayos ka tey. Kawawa ang mga future graduates na matino naman kesa sa’yo.

 

Now, “Tell me about yourself.”

Image

Congrats Batch 2013!

Happy Graduation!

Advertisements